TWO

14.2K 243 63
                                    


Maaga akong gumising para maaga akong makapaghanda dahil maghahanap ako ng trabaho kasama ang bestfriend kong si Celine pareho kami ng tinapos ni Celine Domingo aka Ced Secondary Education ang kinuha naming kurso sa awa ng Dyos hindi gaanong nahirapan ang magulang namin ni Ced dahil nakakuha kami ng scholarship sa munisipyo namin. Ako nga pala si Jessica Margarett C. Galanza madalas akong tawaging Jema galing ako sa simpleng pamilya lamang hindi kami mahirap hindi din kami mayaman sakto lang na mairaos ng aming mga magulang ang pang-araw araw naming buhay si Nanay ay tumatanggap ng labahin minsan inuuwi nya at tinutulungan namin ng bunso naming si Mafe pero minsan pumupunta sya sa mismong bahay kung pinapatawag sya, si Tatay naman isang magsasaka at may taniman din ng mais at gulay sa bakuran namin na syang binebenta sa palengke ganun ang buhay namin, kaya gusto ko ng magtrabaho agad dahil gusto kong makatulong kila nanay at tatay lalo sa pag-aaral ng bunso namin.

"Anak ang aga mo atang nakabihis saan ba ang punta mo?" tanong ni Nanay. Ah Nay mag-aapply po kami ni Ced ng trabaho marami daw pwede applyan po sa bayan mga kompanya po

Nay: Sigurado ka naba anak pwede naman dumito ka muna at magpahinga katatapos palang ng board exam mo

Jema: Nay Okay lang po saka sakto po habang nag-aantay para hindi ko po naiisip yung resulta ng board po Nay. Nay parang lumalala po ang ubo ni Tatay uminom na po ba sya ng gamot?

Nay: Oo anak uminom na sya, sabi ko kasi kay Tatay mong magpahinga at dumito muna sa bahay kaso sadyang matigas ang ulo nya

Jema: Nay eto kunin nyo po muna, naipon ko po ito nung may nagpapatutor sa akin

Nay: Nako anak wag na gamitin mo nalang yan pang-apply sa trabaho mo o ibili mo ng gamit mo para makita mo yung pinaghirapan mo

Jema: Nay hindi ko po kailangan yun, para sa inyo po talaga yan saka may naitabi pa naman po akong pera saka ko binagay kay Nanay ang pera wala na syang nagawa. Nay bakit hindi nyo nalang po ipacheck up si Tatay

Nay: Matagal ko ng sinasabi yun anak kaso ayaw naman nya, hayaan mo at pipilitin ko nalang ulit sya

Jema: Cge po Nay mauna na po ako, sinabi na ni Ced kung saan po kami magkikita

Nay: Cge anak mag-iingat ka

Jema's Pov

Papunta na ako sa lugar kung saan kami magkikita ni Ced sumakay ako ng tricycle madali ko naman narating iyon at nakita ko agad sya, kumaway naman ako para mapansin nya ako dali-dali naman syang lumapit sa akin.

" Bes ang ganda mo talaga mana ka talaga sa akin" bungad ni Ced na kinatawa ko. Ang init pero biglang humangin Bes sabay kurot ko sa kanya. Tara na nga bes para makarami tayo ng pagpapasahan aya ko sa kanya. Marami naman kaming napagpasahan yun iba diretyo interview na yun iba naman tatawag nalang daw hanggang sa hapon na kami natapos. Bes ano uwi na tayo?

Ced: Oo naman Bes pagabi na saka ang haggard na natin haha kung may makakakita sa atin turn off na agad na ihire tayo haha

Jema: Oo nga eh, saka nakakapagod din maglakad haha cge tara na saka kami sumakay ng tricycle pauwi dinaan na nya muna ako dahil mas malayo ang bahay nila Ced. Bes ingat ka ha dito na ako paalam ko tumango lang naman sya. Excited naman akong pumasok hanggang sa may narinig akong nag-uusap

"Kung hindi nyo ibabalik ang sanla ng lupa at utang mapipilitan akong kunin itong titulo ng bahay na tinitirhan nyo" sigaw ng matandang lalaki kaya pumasok ako

"Tay Nay anong ibig sabibin nito?" naluluhang tanong ko ang bahay at lupa lang namin ang meron kami ngayon naisangla ni Tatay ang sakahan namin dahil sa gastos sa pagpapaaral at pangangailangan ng pamilya.

"Anak sinisingil na kasi tayo ni Don Alfonso sa utang at sanla ng lupa" malungkot na sagot ni Tatay" tinignan ako ng matandang lalaki at ngumisi saka nagsalita

"Nandito na pala sa harap natin ang kasagutan ipakasal nyo sa akin ang anak mo at bayad kayo lahat sa utang" sabi nyang nakangisi nagulat naman ako sa sinabi nya sinagot sya ni Tatay.

Hinding-hindi mangyayari ang gusto mo kahit magdil-dil pa kami ng asin ng pamilya ko hindi sya makakasal sayo! sigaw ni Tatay pero tumawa lang ang matandang lalaki.

"Cge Jes matapang ka ha isang buwang palugit para mabayaran mo lahat ng utang mo sa akin at pagkatapos nun sa ayaw at sa gusto mo mapapasakin ang anak mo alam mo ang kaya kong gawin" pagbabanta nya na syang kinatakot ko saka sya lumabas sa bahay at sumakay sa sasakyang nakaparada sa bakuran. Agad akong niyakap ng mga magulang ko

Tay: Anak patawarin mo ako kung nadamay ka pa sa gulo

Jema: Umiiyak na si Tatay at Nanay, Tay wag po kayong humingi ng tawad alam kong nagawa mo lang yun para mairaos ang buhay natin kahit papano kaya tayo nagkautang. Nay wag kayong mag-alala makakahanap din po tayo ng paraan tutal nag-apply na po ako ng trabaho

Nay: Anak ang laking pera ang kailangan natin ibalik kay Don Alfonso paano natin ibabalik yun sa loob ng isang buwan lamang?

Jema: Hindi ko din po alam Nay pero may awa ang Dyos makakahanap o makakaisip po tayo ng paraan

Nay: Hayaan mo anak manghihiram ako sa mga boss ko sa labada tutal mababayaran ko sila dahil magtatrabaho ako sa kanila anak para makaipon tayo

Tay: Titignan ko din ang mga naimbak nating palay baka pwede natin ibenta pati ang kalabaw natin

Jema: Tay hindi mo pwedeng ibenta ang kalabaw na bigay sayo ni Lolo

Tay: Bahala na anak basta ang mahalaga hindi ka makasal sa matandang iyon at hindi mawala ang bahay at lupa na naipundar namin ng Nanay nyo

Jema: Cge po Tay magtutulungan po tayo nalalagpasan po natin itong lahat

Nay: Cge na anak at magbihis kana ng makakain na tayo, maaga kasi ako bukas sa bahay ng mga Carlos isang linggo daw nilang damit yun

Jema: Nay samahan ko po kayo dun pwede po ba?

Nay: Hindi na anak kaya ko na iyon alam kong pagod ka sa lakad mo kanina.

Jema: Cge Nay para mabilis po kayong matapos

Nay: Ikaw ang bahala anak cge na magbihis kana at makakain na tayo

Nagbihis naman agad si Jema para saluhan sa pagkain ang kanyang magulang kahit mahirap ang sitwasyon nila kailangan nya paring maging matatag para sa kanyang pamilya.




A/N
* Goodafternoon guys I hope you're all fine 😊
* Ano kaya ang mangyayari kay Mareng Jema?🤔 will she meet Boss D?
* Sorry sa typos/errors/grammars Godbless us all😇

I'm the Boss but she's my Big BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon