THIRTY FOUR

12.1K 266 86
                                    

Jema's Pov

Nagising akong may nakayakap sa akin, kahit hindi ko lingunin alam kong si Deanna kasi amoy alak

Ayaw ko talaga ng amoy ng alak parang feeling ko pati ako nakainom narin akmang itutulak ko sya ng higpitan nya lalo ang yakap nya sakin

Naiinis na naman ako sa kanya lalo, babalik na ulit kami sa condo ni Deanna namimiss ko sila Nanay

Sana lang madalas kaming dumalaw dito, pero syempre hindi ko naman pwedeng hilingin yun sa kanya

Biglang umilaw ang phone ni Deanna tinignan ko at kumunot agad ang noo ko sa tumatawag seryoso ganitong oras? Hindi ko na sana papansinin pero patuloy lang ang pagtawag nya

Deanna may tumatawag sayo sabay tapik ko sa pisngi at balikat nya kaso hindi man lang gumalaw halatang kakatulog nya lang

Bahala na sasagutin ko nalang kung may ibibilin sya edi sasabihin ko nalang

" H-Hey D-Deans, c-can y-you p-pick me up? I'm kinda tipsy " sabi ng babaeng malandi bwisit talaga

" C-Come on D-Deans I c-can't d-drive " pakiusap nya tanga lang iinom na hindi kaya?

Oh sorry but my love can't make it she's peacefully sleeping beside me. By the way its Jema her girlfriend I replied in my sarcastic tone

" U-Uhm s-sorry J-Jema " sagot nya

Its fine next time if you call her make sure that I'm not around. Don't drink too much if you can't handle it. Deanna is not a driver that can pick you up or any girl. Bye!

Tsk! Akala nya ha, hindi ba talaga sya titigil sa paglalandi nya kay Deanna?

Talagang nag-inom pa sya para may mairason syang tawagan si Deanna ng ganitong oras?

Kakalbuhin ko ata yung babaeng yun, kapag nakita ko maganda pa naman sya

Teka bakit ko naman pala iniisip yung babaeng yun?
Triggered ka ba? tanong ng isip ko never confident kaya ako sa beauty ko😅

Sinisikap kong matulog pero wala na talaga, tawag kasi ng tawag yung babaeng yun. Tulog na tulog parin si Deanna kahit galaw ako ng galaw

Hay babangon nalang ako, magluluto ako ng breakfast para sa amin para makapagpahinga naman si Nanay

Mhmh parang nagcrave ako ng tortang talong at dried fish yun nalang sabay mainit na kape. Pareho naman kaming mahilig sa kape

" Anak ang aga pa " boses ni Nanay

Hindi na kasi ako makatulog Nay kaya eto magluluto nalang ako ng breakfast natin sagot ko naman

" Hay nako anak kaya ko naman, saka dapat nagpapahinga kayo kung nandito " sabay lapit sa akin

Nay okay lang po maupo ka nalang dyan at ipagtitimpla kita ng gatas

" Salamat anak, tutulungan nalang kitang magluto. Maalala ko nagustuhan ba ni Deanna yung niluto kong meryenda nya noon? " tanong ni Nanay tsk! naalala ko na naman yung ginawa ng babaeng yun sa office ni Deanna idagdag mo pa yung tawag nya kanina nakakagigil na

" Anak natulala kana dyan? Nagustuhan ba ni Deanna? " pag-uulit ni Nanay

A-Ah opo Nay nagustuhan nya, halos hindi nga nya tinirhan sila Lola at Lola masayang sagot ko

" Hayaan mo at igagawan ko sila, ipapabaon ko para hindi kayo magutom sa daan " sabi ni Nanay ngumiti lang ako

" Jessica marami pa kayong gulay? Ikukuha ko kayo " sabi ni Tatay parang hindi tinamaan ng alak kagabi ah

I'm the Boss but she's my Big BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon