SEVENTY EIGHT

7.7K 217 36
                                    

J E M A's

Maaga akong nagising para maghanda ng breakfast namin ng asawa ko, ito ang unang araw na papasok na ulit kami sa kanya-kanyang trabaho.

Pagkatapos kong nagluto dumiretyo na ako sa kwarto namin para gisingin ang asawa ko na mahimbing paring natutulog, hinaplos ko ang pisngi nya at masuyong hinalikan ang labi nya saka ko niyugyog ang balikat nya

" lovelove ko bangon kana po may work tayo " paggising ko at hinaplos haplos ang mukha nya

" m...mhmh 5 mins pa poooo " nakapikit na sagot nya pinisil ko ang ilong nya

" hay ano ba yan kung kelan ako nagpakasal saka naman tinamad yung asawa ko " pagtataray ko agad syang nagmulat at naupo at ninakawan ako ng halik sa labi

" eto na lovelove babangon na po, hindi ako tatamarin love promise " sabay taas ng kamay nya napangiti ako sa kakulitan ng asawa ko malayo sya sa unang Deanna Wong na nakilala kong napakaintimidating, masungit at papi char papi lalo ngayon ang asawa ko

" good love, sige na tayo kana at maligo maghahanda lang ako ng niluto ko " sagot ko ngumiti lang sya at tumango naglakad na ako papunta sa dining table at hinanda ang kakainin namin saglit akong nagtimpla ng kape para sa asawa ko

Nagbasa lang ako ng email habang inaantay sya, saglit lang kaming papasok saka kami magbabakasyon kina Tatay. Niyakap nya ako sa likuran at hinalikan ang tuktok ng ulo ko.

" kain na tayo love at ihahatid kita " sagot nya at nilagyan ng food ang plate ko ako na ang naglead ng prayer bago kami kumain

" anong gusto mong gawin mamaya sa lunch break natin love? " tanong nya at humigop ng kape nya

" ikaw love kung busy ka kumain kana sa office mo kung hindi naman pasyalan mo ako sa resto at ako mismo ang magluluto para sayo " sagot ko napangiti naman sya at hinalikan ang kamay ko

" ay gustong-gusto ko yan love " masayang sagot nya

" pero love kung hindi kaya huwag mong pilitin ha, kahit mag-asawa na tayo ayaw kong napapabayaan mo ang trabaho mo meron pa namang dinner para bumawi ka sa akin. Lagi mong iisipin na mauunawaan kita asawa mo na ako ngayon alam ko naman na gagawin mo lahat para sa ikakabuti ng pamilyang bubuuin natin " madamdaming sagot ko ngumiti sya at tumango

" alam ko love at alam kong ayaw mong napapabayaan ko ang trabaho ko, don't worry sisiguraduhin kong hindi masasagasahan ang work ko " sagot nya ngumiti naman ako

" mabuti naman kung nagkakaintindihan tayo love " sagot ko sandali pa kaming nagusap hanggang sa natapos kaming kumain at sya na ang nagpresintang maghugas para na din makabihis ako

Pagkatapos kong magbihis inaantay na ako ng asawa ko sabay na kaming naglakad papunta sa sasakyan namin pinagbuksan naman nya ako ng pinto bago sya umupo sa driver's seat at binuhay ang makina

" ako ang susundo sayo mamaya love huwag mo ng tawagan ni Mang Berto " sabi nya na nakatingin sa daan

" sure love " tipid na sagot ko at sumandal sa balikat nya naramdaman ko namang hinalikan nya ang ulo ko pinikit ko ang mga mata ko at nakinig sa kanta

" love nandito na tayo " paggising ng asawa ko hindi ko namalayang nakatulog na pala ako

Pagod na pagod lang Jemalyn?

Yeah nakakapagod may asawa ang hilig kasi charootttt lang😂

" o..okay sorry nakaidlip ako love " sagot ko at sandaling inayos ang sarili ngumiti lang sya at pinagbuksan ako ng pinto

I'm the Boss but she's my Big BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon