ONE HUNDRED SIXTEEN

6K 183 119
                                    

J E M A's




" loveee? "




" Babyyy "





" Bbbbbb "





" wifey naman kanina pa kita ginising " reklamo ng asawa ko dahan-dahan naman akong nagmulat ng mata



" Ano ba kasi yun? istorbo ka sa tulog " naiinis na sagot ko pinisil lang nya ang pisngi ko




" You need to wake up, we're here na " sagot nya napabuntong-hininga naman ako at tumango




" Jessicaaaa ano ba kasing ginagawa mo dyan at ang hirap mong tawagin naipasok na namin lahat ng gamit nyo " singit ni nanay




" Eto na po, wala akong magawa antok na antok talaga ako " sagot ko at dahan-dahang bumaba sa car namin




" Sinasabi ko sayo huwag kang tulog ng tulog kung ayaw mong mas lalong lalaki ang tyan mo " sagot ni nanay tumango nalang ako




" Kumusta naman kayo ng apo ko? " tanong ni tatay ng nasa dining table na kami



" Okay naman po kami tay kakacheck up lang namin ni baby bago bumiyahe po " sagot ko tumango naman si tatay



" Ikaw Deanna kumusta naman sa trabaho mo? " tanong ni tatay





" Okay lang po tay si Celine na po muna ang bahala doon habang nandito kami ni Jema. " sagot ng asawa ko




" Mabuti naman kung ganun mas makakabuti sa mag-ina mo na dumito muna, iba parin kung nandito kayo sa probinsya sariwa ang hangin at mga pagkain dito " sagot ni nanay tumango naman kami saka sinimulang kumain




" Uuwi daw po ba si Mafe nanay? " tanong ko




" Oo magpapasa lang daw sya ng requirements kasi nalaman nyang nandito kayo " sagot ni nanay tumango naman ako



" Nay walang lasa yung pinakbet mo " puna ko napatingin naman ang asawa ko na kunot ang noo



" Huh? Hindi kaya love masarap sakto lang yung lasa " komento ni Deanna



" Oo nga Margarett sakto lang naman " sagot ni tatay at sumubo ulit



" Love baka nag-iiba lang yung panlasa mo kasi buntis ka. " paliwanag ng asawa ko tumango nalang ako



" May gusto ka bang kainin? " tanong pa nya



" Gusto ko ng pakwan yung yellow sa loob at mais " sagot ko napataas naman ng kilay si nanay




" Nako naman Jessica hindi pa panahon ng pakwan, baka mais pwede pa " sagot ni nanay




" Hayaan mo love subukan kong maghanap ng pakwan bukod doon wala ka bang ibang gusto? " tanong nya




" Gusto ko yung indian mango yung green ang balat pero yellow sa loob saka dapat may bagoong alamang tapos saging din " sagot ko tumango-tango naman sya





" Ah basta gusto ko yun mga yellow " dagdag ko tumango naman ang asawa ko at tinignan ang mga magulang ko




" Halla sige pagbigyan mo nalang Deanna ganyan talaga ang buntis kung anu-anong hinahanap. Ibigay mo ang gusto baka mamaya pinaglihi sa sama ng loob yung anak nyo papangit ang lahi natin haha" sagot ni tatay at tumawa




I'm the Boss but she's my Big BossWhere stories live. Discover now