FIVE

11.2K 221 85
                                    

Jema's Pov

Hay samalat at natapos na kami ni Nanay nagpaalam na kami kay Tots at syempre masaya akong uuwi dahil makakapagpahinga na kami hindi naman mahirap maglaba dahil may washing machine naman pero kinukusot namin ni Nanay yung mga puti at damit nila panlabas pagdating sa bahay bigla akog kinabahan ng makita ang sasakyan ni Don Alfonso, nasapo ko nalang ang noo ko ngayon pala ang isang buwan na palugit na binigay nya sa amin.

Kaya dali-dali kaming pumasok ni Nanay nadatnan namin si Tatay na halos maiyak ng nagmamakaawa kay Don Alfonso nagulat sila ng makita kami ni Nanay nagsalita ang matandang si Don Alfonso

"nandito na pala ang mapapangasawa ko wag kang mag-alala iha mabubuhay kang reyna kasama ako hindi ka nababagay sa bahay na ito"

nakangisi nyang sabi kaya hindi ko napigilang sagutin sya.

Bigyan mo ako ng tatlong araw para bayaran ang utang namin kung hindi ko magawa yun ako na mismo na pupunta sa bahay mo tila natuwa sya sa sinabi ko at pumayag agad saka umalis bakas naman ang pagkagulat sa mukha ng mga magulang ko.

"Anak saan ka kukuha ng ganung kalaking halaga?"

tanong ni Tatay ngumiti lang ako ng pilit. Sa kaibigan ko Tay lalapit po ako saka wag po kayong mag-alala hindi po ako gagawa ng masama para lang magkapera po sabay yakap ko sa kanila ni Nanay sa totoo lang wala akong kaibigan na pwedeng magpahiram sa akin ng malaking halaga wala na akong ibang naiisip kundi puntahan ang pinag-applyan kong trabaho bawiin ang lahat ng sinabi ko at pumayag sa gusto nyang alipinin ako gagawin ko ito para sa pamilya ko hindi naman siguro nya ako sasaktan o papatayin kahit ganun sya.

Hindi naman siguro nya kayang pumatay ng tao sana wala pa syang nakuhang magtrabaho sa kanya dahil sino naman ang baliw na papayag sa kasunduan na gusto nya kundi isa nalang baliw at ako ata ang isang baliw na yun pero wala akong choice kailangan ako ng mga magulang ko ayaw ko rin makasal sa matandang yun titiisin ko nalang lahat ng pinapagawa nya.

Bukas na bukas pupunta ako sa kanya.

Maaga akong nagising at nag-ayos nagpaalam ako kina Nanay at Tatay na pupunta sa kaibigan hindi naman sila nagtanong, pagdating ko sa company ng mga Wong hinarang ako ng mga security guards nagtatanong kung may appointment daw ako sa Ms. Wong sabi ko wala ayaw nila akong papasukin hanggang sa timigil sila ng may nagsalita sa likod namin

"Let her go" in her cold tone agad akong binitawan ng mga guards umangat ako ng tingin sa kanya, nilampasan nya lang ako sinundan ko sila kasama ng apat na lalaki na lagi-lagi nyang kasama hindi ako sumabay sa elevator ilang sandali lang at pinindot ko na ang button papuntang 15th floor ng nasa pinto ako ng office nya kaba at takot ang nararamdaman ko dahil baka apak-apakan na naman nya ang pagkatao ko dahil kinain ko lahat ng sinabi kong hindi ako katulad ng ibang tao pero may rason ako kailangan ko ito para sa pamilya ko kumatok ako at pinagbuksan ako ng mga lalaking lagi nyang kasama nakita ko syang nakaupo sa swivel chair nya at may hawak na ballpen na nalalaro nya sumenyas sya at kami nalang dalawa ang naiwan tinignan nya lang ako na parang nag-aantay ng sasabihin ko.

I cleared my throat first, M-may makuha ka na bang magtatrabaho sayo? direktang tanong ko saka ako umiwas ng tingin sa kanya dahil parang mawawalan ako ng hininga sa mga titig nya

Deans: Papasok ako ng office ng biglang may hinaharang na babae kaya agad kong nilapitan dahil pamilyar ito at tama ako sya nga nagbago na siguro ang isip nya dahil sa kwento ni Caloy kailangan nila ng malaking pera kaya siguro lulunukin na nya ang pride nya at bumalik para sa akin.

Nakaupo sya at tinignan ko lang sya inantay ko syang magsalita. Sa tingin mo pagkatapos mo akong sampalin gugustuhin kitang magtrabaho sa akin? tanong ko ng pasigaw pero kalmado yumuko lang sya

I'm the Boss but she's my Big BossWhere stories live. Discover now