TWENTY TWO

12.1K 261 59
                                    

Jema's Pov

Until now hindi parin nagsisink-in ang mga kaganapan sakin last night. Feeling ko ang daming magbabago sa buhay ko dahil pinakilala ako ni Deanna na girlfriend nya.

Hay hindi mawala sa isip ko ang pamilya ko. Paano ko sasabihin ang totoo sa kanila? Maiintindihan kaya nila kung bakit ko nagawa yun? Wala naman akong choice kumbaga hawak sa patalim na ako nung mga panahong yun.

Pinagdadasal ko parin na sana maintindihan nila ako kung bakit ko nagawa yun. Alam kong mahirap pero sana lang talaga maunawaan nila ako.

Hindi ko naman pwedeng panoorin nalang ang pamilya ko na mawala lahat ng pinaghirapan nila sa isang iglap mahal na mahal ko sila kaya kahit ano gagawin ko para sa kanila

Nagbunga naman ng maganda ang naging desisyon ko. Nasa amin parin ang bahay at lupa natutulungan ko sila sa pag-aaral ni Mafe laking tulong rin na may scholarship sya galing sa company ni Deanna.

Bukod sa pamilya ko inaalala ko rin ang grandparents ni Deanna hanggang kelan kami sa ganitong sitwasyon? Alam ko naman na halos ipilit na nila sa amin ang pagpapakasal. Ngayon palang na pinakilala nya akong kasintahan nya ang hirap na paano pa yung kasal?

Iniisip ko palang mababaliw na talaga ako. Kakalbuhin ako ng mga magulang ko kapag nalaman nila. Hindi pa ako handang sabihin sa kanila ang totoo. Kelan nga ba ako magiging handa? Hay ewan ko talaga napapasabunot nalang ako sa sarili ko tuwing naiisip ko

" Hey are you okay? kanina pa ako nagsasalita " inis na tanong ni Deanna inaayos ang kwelyo ng polo nya. Mhmh so kanina pa ako nag-iisip kaya hindi ko namalayang nakabihis na sya?

A-ah so-sorry may iniisip lang ako sabay tayo ko at inayos yung mga dadalhin nya sa office.

" You look pale may sakit ka ba? " nag-aalalang tanong nya sabay hawak sa noo ko

Wala pagod lang siguro ako kagabi sa event sabay abot ko ng bag nya

" Mhmh are you sure? Parang may sakit ka " nag-aalalang tanong nya binaba na nya ang bag na inabot ko

Ano ka ba okay lang ako, cge na pumasok kana baka malate ka pa seryosong sagot ko inalis na nya yung polong suot nya na kinagulat ko. Hoy anong ginagawa mo? sigaw ko hindi nya ako pinansin nagsuot lang sya ng tshirt nya. Deanna ano ba! ngumiti lang sya

" Mhmh I think, I just wanna stay home today " sabi nya sabay smirked I just rolled my eyes

Bakit ba nakabihis kana nya kanina ano ba Deanna kailangan ka nila sa office mo. Bigyan mo ako dahilan bakit hindi ka papasok! sabay ayos ko ng damit na hinubad nya

" You look pale kasi mukhang anytime magkakasakit ka, so dito nalang ako saka wala naman akong meeting ngayon " patay malisyang sagot nya sabay pasok nya sa bathroom dala ang short nya

Tatanungin ka nila Lola kung bakit ka hindi pumasok baka pagalitan ka nila nag-aalalang sabi ko

" Nah hindi sila magagalit, mas magagalit sila kapag nagkasakit ka ng wala ako " sagot nya agad tsk! wala akong magagawa kung yun talaga ang gusto nya

Deanna promise okay lang talaga ako, masakit lang yung ulo ko baka mapagod lang talaga ako tinignan nya lang ako

" Enough na kasi, kahit ano pang sabihin mo hindi na ako papasok " seryosong sagot nya

Tsk! Bahala ka nga, p-pwede ba akong dumalaw  sa family ko? Miss ko na kasi sila sa bahay pakiusap ko sa kanya tinignan nya lang ako ng seryoso. A-ah s-sige next time nalang sabi ko ulit ngumiti lang sya

I'm the Boss but she's my Big BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon