EIGHTY ONE

7.6K 235 33
                                    

J E M A's

Nagising akong wala sa tabi ko ang asawa ko hayyyy saan na naman nagsuot yun naku yung asawa ko talaga

Naligo na muna ako bago ako bumaba para hanapin yung nawawala kong asawa char pagbaba ko napansin kong wala si tatay so baka magkasama sila ni Deanna

" wala dito yung asawa mo nandoon sa likod nanonood ng mga nagkakatay ng baboy at baka " bungad ni nanay teka nay kelan kapa naging mind reader?


" wala pa ho akong tinatanong nay " sagot ko natawa naman si Mafe nandito pala tong batang to

" naku Jessica kilala kita alam ko kung paano gumalaw yang mata mo kung may hinahanap hehe " natatawang sagot ni nanay napakamot nalang ako sa ulo

" miss na miss nya agad si ate Deanna nay akala mo naman hindi sila nagtabing natulog " pang-aasar ni Mafe inirapan ko lang sya

" tse! walang kang paki malalaman ko rin kung bakit kung nag-asawa kana " pagtataray ko sa kanya at ang loka inikutan nya lang ako ng mata

" nay pwede na ba? haha " natatawang sagot ni Mafe piningot sya ni Nanay agad ko naman syang binelatan

" Hoy Mafe! Pag-aaral atupagin mo hindi yang pag-aasawa ang sinasabi mo " sermon ni nanay

" aray naman nay biniwan mo na yang tenga ko, saka nagbibiro lang po ako ni jowa nga wala ako mag-asawa pa kaya " maktol ni Mafe na nakanguso natawa nalang ako


" mabuti kung ganun, pinayagan namin mag-asawa ang ate mo dahil nakatapos na sya ng pag-aaral may trabaho na nakakatulong parin sya sayo sa pag-aaral " paliwanag ni nanay


" nay biro lang yun okay? Kaya kalma haha " natatawang sagot ni Mafe

" kumain na tayong tatlo at nauna na si Deanna at Tatay nyo " pag-iiba ni nanay sa usapan tumango nalang kami at nagdasal saka nagsimulang kumain


" nay nasabi nyo ba ni tatay na ngayon tayo magkakaroon ng simpleng salo-salo sa mga kamag-anak? " tanong ko tumango naman agad si nanay

" oo anak nasabi na namin, hindi paawat ang asawa mo ilang baboy ang pinakatay nya at may baka pa, pang isang barangay naman ang kakain sa handa nyo " sagot ni nanay natawa naman ako

" nay hayaan nyo na si Deanna konti lang ho yun sa gastos namin nung kinasal sa ibang bansa " sagot ko tumango lang si nanay

" iba talaga pag ang asawa mayaman sana all " pagbibiro ni Mafe

" alam mo ikaw puro asawa yang lumalabas sa bibig mo ikaw ba gusto na talagang mag-asawa? Sabihin mo na para matigilin na kita sa pag-aaral " seryosong tanong ko napailing naman sya

" grabe naman ganyan ba talaga kapag tumatanda? Ang seryoso " tanong ni Mafe sinamaan ko lang sya ng tingin

" aba malay ko kung dinadaan-daan mo lang kasi sa biro , baka may nililihim ka samin " sagot ko natawa sya

" grabe talaga yang isip mo ate, wala nga akong jowa " sagot nya tumango-tango nalang ako

" nay, puntahan ko lang po si Deanna " paalam ko kay nanay ng matapos kaming kumain si Mafe naman ang naghugas trabaho nya talaga yun haha

Naglakad na ako papunta sa likod ng bahay, nakita ko naman agad ang asawa ko na tumutulong sa mga magluluto sipag naman ng asawa ko

Niyakap ko naman sya agad sa likuran humarap sya sa akin at kumalas sa yakap ko

I'm the Boss but she's my Big BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon