ONE HUNDRED THIRTEEN

5.1K 165 58
                                    

D E A N N A's





" Saan ka pupunta sa babae mo na naman! Sinasabi ko sayo Deanna Wonggg! " sigaw ng asawa ko napabuntong hininga nalang ako at niyakap sya






" love naman araw-araw nalang na sinasabi mong may babae ako, at ilang beses ko namang sinasabing wala " sagot ko sinamaan nya lang ako ng tingin








" Sabi ko kasi uuwi tayo kina Nanay tapos hanggang ngayon hindi pa tayo dumadalaw sa kanila " sumbat nya hinawakan ko naman ang kamay nya





" Oo nga love mamamasyal naman tayo kina nanay kaso nga lang nagkaproblema sa company hindi ko naman pwedeng iwan yun basta-basta na hindi stable. " paliwagan ko inirapan nya lang ako





" Edi sana hinahayaan mo muna akong pumasok sa resto kung hindi pa naman tayo pupunta ng Laguna, ayaw ko yung ganito wala akong ginagawa dito sa bahay. " naiinis na sagot nya





" Saglit nalang yun love tatapusin ko na kaya nga nag-oovertime ako para matapos kaagad " sagot ko sinamaan nya ako ng tingin





" Kakaovertime mo mag-isa ko ng kumakain dito sa bahay, ni hindi na tayo nagkikita nangako kang uunahin mo ako kaysa sa trabaho " malungkot na sagot nya





Laging emosyonal ang asawa ko, dati naman nauunawaan nya ang tungkol sa trabaho dahil normal lang na may mga problema, ngayon ang nais nya nakikita nya ako, nahahawakan nya ako.







She's been too clingy lately tapos kung hindi ko mapagbigyan ang gusto nya sasabihin nyang hindi ko na sya mahal.





" Love kailangan ko lang talagang tapusin yun kung gusto kong makapasyal tayo agad kina tatay, sana naiintindihan mo ako " pakiusap ko napabuntong hininga naman sya at tumango





" sige na nga basta promise mo sabay na tayong kakain ng lunch ha na uuwi ka, tapos magdadala ka ng pasalubong kong beef kahit anong luto " sagot nya tumango naman ako




Beef na naman hindi ba sya nagsasawa?





" Sige na bumangon kana at pumasok sa work matutulog pa ako, hindi pa ako babangon gusto ko pang matulog. " sagot nya at tinalikuran ako hinalikan ko nalang ang buhok nya bago ako tumayo




Nag-ayos na ako ng sarili bago ako kumain saka ako naghandang pumasok.





Dinaanan ko muna ang asawa kong mahimbing ang tulog at binigyan ng masuyong halik sa noo bago ako tuluyang umalis.






J E M A's



Nagising akong wala na sa tabi ko ang asawa ko, tinatamad na naman ako gumalaw ganito nalang lagi.




Nag-unat-unat ako bago pumasok sa bathroom, napangiwi nalang ako ng biglang sumakit ang sikmura ko.



Hay hanggang kelan ba matatapos itong morning sickness na to, ang sakit na ng lalamunan ko tuwing susuka ako.




Agad na akong nagtoothbrush saka dumiretyo sa kusina.




Kinuha ko naman ang phone ko para tawagan si Mafe mabuti nalang at hindi sya umuwi sa Laguna hindi ko naman pwedeng istorbohin ngayon si Celine dahil busy sila sa office ng asawa ko.




I'm the Boss but she's my Big BossWhere stories live. Discover now