TWENTY SEVEN

12.4K 285 83
                                    

Deanna's Pov

After ng lunch namin nila Tots, kami nalang ni Jema ang magkasamang bumalik ng office ko dahil ihahatid nalang daw ng pinsan ko si Ced hinayaan ko nalang sa diskarte nya ang pinsan ko hehe support lang ako sa kanya

Pagdating sa office dumiretyo si Jema sa couch, nilapitan ko naman sya.

Hey Love do you need or want anything? Before I start my work? malumanay na tanong ko umiling lang sya

" U-uhm don't worry about me, i'm okay you can start na po " she said sabay pisil ng pisngi ko

Alright, but just in case you need something just let me know lalo kung may cravings ka Love. I can order naman sabi ko ngumiti lang sya

" I'm fine, go na po you can start na dito lang ako " sabi nya sabay tulak sa akin hehe

Okay Love you can sleep if you want then I kissed her forehead bago ako umupo at nagsimulang magbasa ng mga reports

Paminsan-minsan tinignan ko sya she's busy in her phone, naglalaro sya para hindi mabored lihim nalang akong napapangiti

Paano ba naman kasi biglang kunot noo sya, o kaya naman salubong ang kilay sabay pout kung natatalo hehe she's so damn adorable 

Nang magsawa na sya pumikit na sya, I can say she's in deep slumber. Hinayaan ko nalang sya mamaya ko na gisingin kung pauwi na kami.

Nilapitan ko sya para ayusin ang pagkakahiga nya paano kasi nakaupo syang nakatulog baka mamaya mangalay sya saka ako bumalik sa trabaho ko

Mhmh ang haba ng tulog nya, ang bilis ng oras uwian na inayos ko na ang mga gamit ko and we're good to go.

Love wake up na, you can continue sleeping later at home. Sabay tapik-tapik ko sa balikat nya

" U-Uhm i'm sleepy " sabi nya ng nakapikit oh such a cutie Love I pinched her nose

Lets go na Love uwian na po sabay hawak ko sa kamay nya hindi sya nagsalita. Tumawag muna ako kay Mang Berto na umakyat para kunin ang mga gamit namin ni Jema.

Ilang sandali naman ang may kumatok na at si Mang Berto ang iniluwa ng pintuan.

Manong pakikuha nalang ang mga gamit namin ni Jema tulog na tulog pa kasi sya pakiusap ko tumango lang sya at kinuha ang mga gamit namin

Hay napagod ka ba masyado Love at antok na antok ka? o masama ang pakiramdam mo?

Wala na akong nagawa kundi buhatin sya habang tulog, mahimbing nga ang tulog nya hindi man lang sya nagising. Ang mga guard ko naman nakasunod lang sa amin taga bukas ng door at taga pindot sa elevator hanggang sa makarating kami sa parking lot

Pinabukas ko na yung passenger seat saka ako nagpunta sa driver's seat at nagsimulang magdrive mahimbing parin ang tulog nya

Sobrang traffic kaya naman usad pagong ang sasakyan. May malakas na bumusina sa likod dahilan para magising si Jema

" Bakit ang dilim! Asan ako?! "  tarantang tanong nya hinawakan ko lang ang kamay nya kaya kumalma sya

Relax Love, we're on our way home na po gulat naman sya at nakasabunot sa buhok nya

" U-Uhm p-paano ako nandito? Ang alam ko nasa office mo ako " nag-aalalang tanong nya tumawa naman ako ng mahina

Well, I carried you Love hindi ka kasi magising sagot ko

" What?! Deanna nakakahiya sa mga nakakita sana ginising mo ako! " inis na sabi nya oh sya pa galit ngayon?

I tried Love pero hindi ka kasi talaga magising so binuhat kita saka ano namang nakakahiya dun? nakita ko namang sinamaan nya ako ng tingin

I'm the Boss but she's my Big BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon