Part 34

994 65 9
                                    


Christian's Pov

Unang gabi ng lamay ni mama ngayon. iilang kaibigan at kapitbahay palang ang narito. Kausap ko ngayon ang mga pulis na may hawak ng kaso ni mama.  Actually kanina pa ako naiinis sa kanila pinipigilan ko lang ang sarili ko na wag silang sigawan. Nakaka inis kasi.

"Mr. Zsavilla yong ang lumabas sa results ng test niya mahigit dalawang linggo na siyang patay kita mo naman ang bangkay ng mama mo naaagnas na" yan ang paulit ulit nilang paliwang sa akin na hindi ko maintindihan kung paano nangyari yon.

"Mga sir uulitin ko po naka usap ko pa siya nung isang araw nagpunta pa nga siya sa boarding ko kahit itanong niyo pa po sa kasama ko sa boarding" ito naman lagi kung sagot dahil totoo naman nangaling si mama ng boarding ko at naka usap ko pa.

Hinanap ko naman agad si Cyfer para magbigay din ng statement pero hindi ko siya makita kanina lang nandito siya, san na kaya yon.

May mga ilang tanong pa sa akin ang mga pulis gaya nalang ng kung may kaaway ba siya. May nagbabanta ba sa buhay niya pero wala naman akong maalalang ganun. Wala nga ba. Pero wala naman sinasabi sa akin si mama eh. Panay iling lang ako sa mga tanong nila.

Maya maya may puting van na pumarada sa harap bahay namin.  Isa isa silang nagsilabasan at iisa lang ang kulay ang suot nila puro puti at may tatak na D'H. Lahat sila meron non silver pa nga kaya pag natapat sa liwanag tiyak na kikinang.

Pero napukaw ang tingin ko sa isang lalakeng seryoso ang mukha. Matangkad, maputi, matangos ang ilong, kissable lips din at maganda rin ang katawan niya halatang babad din sa gym at higit sa lahat kahit na ba napaka seryoso ang mukha niya ay para bang anghel awra nito.

Hindi ko namalayan na nakalapit na pala ito sa amin tinapiktapik niya ang balikat ko. "kamusta? Ako nga pala si Daniel kaibigan ng mama mo nandito kami para makiramay" bahagya pa siyang ngumiti tapos sabay gulo ng buhok ko. Hindi ako agad naka imik dahil nakatitig lang ako sa kany. Hanggang maging siya ay tumitig na rin sa akin. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Habang nakakatitig ako sa mga mata niya ay napansin ko ang pamumuo ng luha niya sa may gilid at ano mang oras ay tutulo na iyon. Pero agad siyang nag iwas ng tingin at bahagyang umubo na tela ba may nakaharang sa lalamunan niya.

Pero sa hindi ko alam na kadahilanan parang gusto ko siyang hakapin ng mahigpit. Gusto kong umiyak sa balikat niya. Gusto kong sabihin na ang sakit sakit ng nararamdaman ko ngayon dahil wala na ang mama ko. Gusto kong alohin niya ako na parang anak niya. Pero bago ko pa magawa lahat ng yon ay umatras na ako baka mapahiya pa ako pag ginawa ko ang mga bagay na yon. Iniwan ko siya kasama ng mga pulis at hinayaan silang mag usap.

Pagharap ko sa naka sarang kabaong ni mama ay don ko ulit lahat binuhos ang mga luha ko. Hanggang sa napahagulgol nanaman ako dahil sa pangungulila ko kay mama.

Hanggang sa nakaramdam nalang ako na kamay na humihimas sa balikat ko para alohin ako. Akala ko si Cyfer dahil napagaan nito kalooban ko yayakap na sana ako sa kanya pero napatigil ako ng lingonin ko ito nanlaki pa ang mata ko si Daniel pala akala ko si Cyfer. Binana ko naman agad ang kamay ko. Nakakahiya. Sisinghot-singhot akong humingi ng sorry sa kanya.

"it's ok" naka ngiti niyang sabi. "Hug me if you want, any time you want. aasahan mong yayakapin din kita pabalik. Come and hug me.. anak" madamdamin niyang sabi. Hindi ko alam pero parang ang gaan gaan ng loob ko sa kanya. Hindi ko na narinig ang huling sinabi niya pero hindi ko na inintindi dahil na rin sa kakaiyak ko at halos pabulong na din yong huli niya  sinabi. Come and hug me daw kaya hindi na ako nagpaliguyligoy pa agad na akong yumakap sa kanya.

Pero shit lang ang sarap ng yakap niya. Para bang matagal ko na siyang kilala dahil napakagaan ng loob ko sa kanya. Lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa kanya na para bang wala ng bukas pa. Maging siya ay humigpit lalo ang yakap sa akin. Para bang yakap ng isang ama.

-----

Daniel's Pov

Nang nabalitaan ko ang nangyari kay Marites ay agad akong nagtungo ng bahay nila kung nasaan ang burol nito at nagsama na rin ako ng bantay para just in case na may mangyari eh handa ako.

Kailangan ako ng anak ko ngayon.

Nang makarating kami ay nakita ko agad si Christian kausap ng mga pulis.   Kahit malayo pa ako ay halata na ang pamamaga ng mata niya at namumula na rin dahil sa kakaiyak marahil.

Habang palapit ng palapit ako sa kanya ay lalo akong kinakabahan. At gustong gusto ko na siyang yakapin ng mahigpit. Gusto kong iparamdam na hindi pa siya nag iisa dahil nandito pa ako na ama niya. Titig na titig ito sa akin. Hindi man lang niya namalayan na naka lapit na pala ako sa kanya.

Tinapik'tapik ko ang balikat niya para iparating na nakikiramay ako sa kanya. "Kamusta? Ako nga pala si Daniel kaibigan ng mama mo nandito kami para makiramay" ngumiti ako ng bahagya sa kanya para naman gumaan ang loob niya at marahan kong ginulo ang magulo na niyang buhok. Natutuwa ako dahil kahit magulo pa ang buhok niya ang gwapo pa din ng anak ko.

Nakatitig pa rin siya sa'kin. At sa hindi  ko mapigilan ay napatitig nalang din ako sa kanya dahil kamukhang kamukha niya talaga si Ashley. Lalakeng version nga lang. Hindi nalalayo ang mukha nila ng mahal kong si Ashley. Naalala ko nanaman siya kamusta na kaya siya sa langit. Dati lang ako ang nasa langit  at siya ang nasa mundong ibabaw pero ngayon siya na ang nasa langit at ako na ang nandito. Hindi ko mapigilang ang emosyon ko. Gusto kong umiyak pero nagpigil ako. Nag iwas ako ng tingin sa kanya dahil sa tuwing nakikita ko ang anak ko naaalala ko si Ashley. Bahagya akong umubo para iklaro ang lalamunan ko at lumapit sa mga pulis na may hawak ng kaso ni Marites. kilala ko sila.  Pabor naman sila sa akin na sabihin sa anak ko na dalawang lingo ng patay si Marites. Dahil malakas ang kutob kong isa sa mga demonyong narito sa lupa ang may gawa non kay Marites.

Pwedeng si Devies, at isa pang demonyo ay yong nasa kabilang bayan na hindi pa namin kilala, at.. at pwede ring si Cyfer ang may gawa. Wala pang patunay pero gagawa ako ng paraan. Sisiguradohin kong magbabayad siya.

Ramdam kong nakatingin pa rin sa akin anak ko. Pero agad din siyang umalis at dumiretso sa nakasarang kabaong ni Marites. At doon siya umiyak ng umiyak. Hanggang sa humagulgol na siya. Sobrang naawa ako sa anak ko.

Nang hindi ko na makayanang ganun ang sitwasyon ng anak ko ay napag pasyahan ko ng lapitan siya at hinimas himas ang balikat niya para iparating na nandito lang ako na masasandalan niya ang balikat ko. Gumana naman ang ginawa ko dahil medyo tumahan siya. Aktong yayakap na sana siya sa akin pero natigil siya na makita ako. Bakit?  Ituloy mo anak. Gusto ko sanang sabihin pero hindi pa pwede. Hindi pa ngayon ang tamang panahon.

Agad naman siyang humingi ng patawad sa akin pero hindi ko papalagpasin ang pagkakataong ito. Kailangan niya ng karamay at gagawin ko yon kahit ngayon lang.

"it's ok" ngumiti ako sa kanya para sabihing ayos lang na yakapin niya ako. "Hug me if you want, any time you want. Aasahan mong yayakapin din kita pabalik. Come and hug me.. anak" sincere kong sabi. At tanging pagbulong nalang ng anak ang magagawa ko ngayon.

Mabilis na yumakap sa akin ang anak ko "anak" tanging bulong ko sa aking isipan. Tuwang tuwa ako dahil sa muling pagkakataon ay nayakap ko muli ang anak ko ang anak namin ni Ashley.

Lalong humigpit ang yakap nito sa akin na tela na'ulilang mosmos. Dahil sobrang miss ko rin siya ay hinigpitan ko na rin ang yakap ko sa kanya.

At pinaramdam ko sa kanya kung paano yumakap ang isang tunay na ama na nangungulila rin sa anak.

Hindi ko inaasahan na luluha ako sa tagpong ito. Bawat patak ng luha ko ay agad kong pinupunasan.

Gusto kong maalala niya ang gabing ito at pagkatapos nito ay gusto kong hahanap hanapin niya itong yakap ko.

------

TO BE CONTINUED...

please don't forget to VOTE!

THANK YOU!

Hot and Sexy DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon