Part 60 | s-2

456 32 9
                                    

Narrator

Lumitaw na nga ang hukbo ni Cyfer sa kalangitan ilang metrong layo mula sa palasyo. Siya ang nasa harapan bilang isang pinuno. habang ang mga sundalo nya ay nasa likoran nya. Nakangisi ang mga ito. Tuwang-tuwa sila dahil nakikita nila ang takot sa bawat isa mga anghel na naroroon.

Napahinto ang mga nasa langit sa kanilang ginagawa. Napapatanong sila kung bakit nakapasok ang mga demonyo sa kanilang lugar.

Yong iba ay nakaramdam ng takot at kaba. Ang iba naman ay nasusuklam sa kanilang nakikita. Dahil hindi kaaya-aya ang kanilang itsura.

Tanging si Cyfer lamang ang makikitian ng katangi-tanging mukha at katawan. Ngunit hindi na pinansin ni Cyfer ang bawat tingin na pinupukol sa kanila. Hindi rin makikitaan ng emosyon ang kanyang mukha. Malamig ang mga mata nito habang nakatingin sa mga naroroon.

Maya't maya nyang nililibot ang paningin sa paligid. Iisang tao lang ang hinahanap ng kanyang mga mata.

"Tandaan nyo ang sinoman ang humarang sa atin ay wag kayong mag aatubiling paslingin" malamig nyang utos. Sabay-sabay naman sumagot ang lahat.

Nang humakbang na si Cyfer patungo sa bungad ng palasyo ay sumunod na rin ang mga sundalo.

Nakakailang hakbang pa lamang sila ay hinarang na sila ng mga sundalong anghel na nagbabantay sa buong paligid.

"Hanggang dyan lang kayo mga demonyo!" sabi ng isang sundalong anghel. Nakakatutok ang espada nito kay Cyfer.

Ngumisi lamang Si Cyfer at nanunuya nyang tinignan ang anghel.

Maya-maya lang lumitaw sa kanyang kanang kamay ang kanyang espadang nagliliyab.

Mabilis na naglaho ang kanyang pigura. Lumitaw sya mismo sa harapan ng anghel na humarang sa kanya. Nagulat ang anghel dahil sa bilis na kinilos ng demonyo.

Walang anu-ano'y, walang awang tinarak ni Cyfer ang espada nito sa dibdib ng anghel. Mabilis nya itong hinugot at muling tinarak ang espada sa dibdib ng anghel. Nagulat ang lahat. Nagsigawan ang mga naroroon. At nagtakbohan ang mga walang kakayahang lumaban upang magtago.

Nagngitngit sa galit ang isang sundalong anghel. Kinasusuklaman nya ang mga demonyo noon pa man. "Wag nyong hahayaang makapasok sila sa palasyo, at protektahan ang mga walang kayang lumban" sigaw nito sa kanyang mga kasama. "Jericho, tawagin mo si Archangel Gabriel, kami na ang bahalang haharang sa kanila" utos nya. Hindi na sumagot ang lalaki dali-dali na itong umalis upang tawagin ang kanilang archangel.

Pagkaalis ng nagngangalang Jericho. Mabilis na kumilos ang mga sundalo ni Cyfer agad silang sumugod sa mga anghel na humarang sa kanila. Ang mga anghel naman ay naging handa. Tahimik silang nanalangin sa dyos na sana walang mapahamak sa kanila at matapos na ang panggugulo ng mga demomyo.

Ang maaliwalas at tahimik na kalangitan ay wala na, ngayon ay nababahiran na ng dugo, makikita rin kahit saan ang mga nakahandusay na demonyo at anghel. Ang mga iba ay putol na ang mga bahagi ng katawan kung saan-saan.

Kalinsingan ng mga espada at hiyawan ang maririnig sa paligid. Nagmistulang digmaan ng mga anghel at demonyo ang lugar.

Ang sundalong anghel na nagsalita kanina ay syang humarap kay Cyfer. Buong lakas at tapang nyang nilalabanan ito. Mahigpit ang pagkakahawak nya sa kanyang espada habang pinapatapaan si Cyfer. Ngunit si Cyfer ay nakangisi lang sa kanya habang sinasalag ang espada ng anghel. 

"Napakahina mo naman, bakit hindi mo tawagin ang pinagmamalaki nyong dyos sa akin" panunuya nito sa anghel. Lalong nakaramdam ng galit ang anghel dahil sa pang iinsulto nito.

Hot and Sexy DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon