Part 36

1K 70 22
                                    


Third Person Pov

Naalarma ang grupo ng demons hunter dahil biglang naging kulay pula ang aparatong nakasuot sa pupulsoan nila. Hindi nila alam kung sino sa tatlong demonyo ang may presensya non tanging si Daniel lang ang nakaka alam. Kahit hindi na siya archangel ay nasa dugo pa rin niya ang pagiging magiting na archangel.

Dali daling umakyat si Eman sa kinaroroonan ni Daniel. Kinakabahan na binuksan niya ang pinto ng walang pasabi. Dahil na rin sa takot at kaba niya hindi na siya kumatok pa.

"Punong kun—" natigil bigla si Eman sa sasabihin dahil binalaan sila nito na wag siyang tatawaging punong kunseho sa harap ni Christian. "Detective Daniel uhm.. may mahalaga akong sa sabihin" halata sa boses niya ang kaba.

Bumitaw agad si Daniel sa pagyakap kay christian at nagpaalam. Lumabas sila ng kwarto upang doon mag usap.

"Punong kunseho may demonyo sa paligid hindi naman alam kung sino sa kanilang tatlo yon" pagbabalita ni Eman.

"Cyfer" maiksing sagot ni Daniel.

Napa awang ang bibig ni Eman. Hindi linid sa kaalaman nila na napakalakas ng demonyong iyon at isa pa ito ay ang panginoon ng mga satanas.

"Pero punong kunseho bakit siya narito?" nagtatakang tanong nito.

"Sa anak ko nakalimutan mo ba?" seryong sabi nito. "Hindi ko alam kung anong pakay niya sa anak ko pero isa lang ang nasa isip ko alam kong gagamitin niya ang anak ko laban sa akin"

"Alam niyo po pala bakit hindi kayo kumikilos baka maghasik ng lagim ang satanas na yon dito sa burol ni Marites" sabi nito na parang nanunumbat. Agad naman siyang sinamaan ng tingin ni Daniel.

"Hindi mangyayari yon Eman hindi siya kikilos agad kung may balak man siya sana kanina pa natin siya nakaharap" sagot niya. Parang hindi naman nakuha ni Eman ang ibig sabihin ni Daniel.

"-Dahil hindi alam ni Christian- ng anak ko kung ano si Cyfer" patuloy niya.  Napatango nalang si Eman.

Pala isipan pa rin kay Daniel kung bakit naglalapit ang satanas sa anak nito. At kung alam naba ng satanas na anak niya si Christian. At kung anong balak niya. Sandali pang nakatayo ang dalawa sa harap ng pinto. Hinihintay kung ano ang mangyayari.

Maya maya lang ay nawala na ang lakas na presensya ng satanas.

"Punong konseho wala na.. Wala na ang satanas!" sabi ni Eman. Sabay tingin sa aparato na nasa pupulsohan niya. Iilaw lamang ang aparato ng kulay pula kung may demonyo sa malapit berde naman kung wala.

"Nandito pa siya" walang emosyon na sabi naman ni Daniel. Bumalik naman ang takot at kaba ni Eman.

"Bago tayo nagpunta dito narito siya at nasa malapit lang siya ngayon." patuloy ni Daniel.

Napatango-tango nalang si Eman sa nalaman niya.

"Bumalik kana sa baba at sabihan mo ang grupo na kumain muna" sabi niya. Tango at ngiti nalang din ang nasagot ni Eman.

Kumpyansado siyang hindi susugod ang demonyong iyon ngayon gabi. Nahihiwagaan siya. Malakas ang kutob niyang may balak ang demonyo sa anak niya. Kaya sa lao't madaling panahon mailayo niya ang anak sa demonyo.

---

Daniel's Pov

Napahawak nalang ako sa aking sentido dahil sa sakit ng ulo. Dami kong problema ngayon. Una si Denver na naghahasik ng lagim sa kabilang bayan. Si Cyfer na hindi ko alam ang balak sa anak ko. Buti nalang hindi pa dumagdag ang isa pang satanas.

At si Christian paano ko sasabihin na anak ko siya at tatay niya ako. Kung nandito lang sana si Ashley. Paano ko ipapaliwanag ang lahat!

Paano ko ipapaliwanag na ako tatay niya at patay na ang nanay niya at may kapatid siyang satanas. At tiyahin lang niya si Marites na pinagluluksa niya.

Napabuntong hininga nalang ako ng malalim bago pumasok muli sa kwarto.

Napatigil ako sa paghakbang ng makita ko ang anak ko na nakahiga sa kama at yakap ang larawan ni Marites at malawak ang ngiti. Nangunot ang nuo dahil sa nakita. Mugto ang ilalim ng mata. Pula pulang ang mga ito dahil sa kaka iyak. Pero ngayon malawak ang ngiti nito habang nakatitig sa kisame.

Maya maya lang ay nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga. At naglaho ang mga ngiti pero agad din naman bumalik ang mga matamis niyang ngiti sa labi. Kinabahan ako sa nangyayari sa kanya. Sana naman hindi.

Sana naman hindi pa nawawala sa tamang pag iisip ang anak ko.

Tumikhim muna ako bago magsalita para maagaw ang atensyon niya.

"Uhm Christian?" napa baligwas siya ng bangon dahil sa gulat.

"D-Daddy ay este kuya!"

Gulat niyang sabi.

Lumapit ako at tumabi sa pag upo sa kama.

"Ayos ka lang ba? Kung may problema ka magsabi ka lang sa akin" panimula ko. At ginulo ang buhok niya. Kamukhang kamukha niya talaga si Ashley.

"Ayos lang po ako" sabi niya. Sabay iwas ng tingin. Alam kong malungkot pa rin siya dahil sa pagkawala ni Marites.

"May sasabihin sana ako" nag'aalangan pa ako baka hindi siya pumayag. "Hindi ka naman na bago sa akin kaibigan ko ang mama mo, Ano sana pagkatapos ng libing ng mama mo kukunin na kita doon kana sa bahay ko ako na mag aalaga sayo" para mailayo na rin kita sa demyong si Cyfer. Pero hindi ko na sinabi yon.

Ayos na rin yon. Magandang simula kung magkasama kami. Makikilala namin ang isat isat. At nang sa ganun madali ko din maipapaliwanag ang lahat lahat sa kanya. Para maprotektahan ko na rin siya laban sa mga demonyong nagsikalat.

Agad siyang nag angat ng tingin sa akin at tumitig.

"Aamponin mo ako" hindi makapaniwala niyang sabi. Natuwa naman ako dahil mukhang nasabik siya at namula ang pisngi niya.

Pinaningkitan ko siya ng mata at tinaas taas ko ang mga kilay sabay ngiti. "Oo sana kung gusto mo, Pero sa ayaw at sa gusto mo kukunin talaga kita kahit sapiltan pa" sabi ko sabay tawa.

Napakagat siya ng labi sabay iwas ng tingin at nakita kong namula lalo ang parehong pisngi niya.

"Pero nag aaral pa po ako" nahihiyang tugon niya.

"Wag kang mag alala hindi naman kalayoan ang bahay ko sa paaralan mo, may service ka din naman si Eman na bahala sayo"

Sandaling katahimikan ang namayani sa paligid.

"S-sige pag iisapan ko po kuya Daniel"

Ngumiti ako sabay tango. Ginulo ko ang buhok niya bago nagpalaam.

Napa'isip ako sa sagot niya. Bakit kaylangan pagisipan?. Mukhang malapit na sila sa isa't isa. Hindi pwede. Kung kaylangan kong kaladkarin ang anak ko ay gagawin ko.

Mailayo ko lang siya sa satanas na yon.






TO BE CONTINUED...

      don't forget to VOTE! 😊❤

Hot and Sexy DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon