Part 31

1K 51 3
                                    

(Hello! Im backkk haha!)


Cyfer's POV

"Totoo ba yan? Baka pinagtitripan mo lang ako?" tanong niya habang naniningkit pa ang mga mata niya.

Ngayon ko lang ulit siya natitigan ng diretso sa mga mata. Dahil hindi ko siya kayang harapin kanina dahil sa pagpatay ko sa kanyang ina.

Hindi ko nga alam kung bakit nakakaramdam ako ng konsensya. Na dapat hindi naman, dahil nararapat lang naman siya patayin.

Nakatitig lang ako sa kanyang mga mata gusto ko sanang umamin sa ginawa ko pero may takot sa puso ko na baka kasuklaman niya ako. At isa pa wala pa akong patunay na hindi niya nga ina si Marites.

Higit pa doon gusto ko na rin sana umamin na kung ano ba talaga pagkatao ko. Na hindi ako tulad nilang tao. Gusto kong maging totoo pero naduduwag ako umamin baka layoan niya ako. Kailangan ko pag isipan ito na mabuti.

Hindi ko kakayanin! Dahil alam kong sa sarili ko..

Mahal ko si Christian.

Mahal ko siya bilang siya hindi dahil kamukha niya si Ashley.

Hindi ko mawari kung bakit sa lalake din ako nagka gusto. Hindi naman ako tulad niya. Alam kong sarili kong lalake ako at mas matigas pa sa bakal.

"Bakit hindi ka maka sagot pinag lalaroan mo nga siguro ako?" tanong niya na nagbalik sa akin sa ulirat.

Napa kurapkurap ako sandali at huminga ng malalim.

"Totoo ang mga sinabi ko bhaby" sagot ko sa kanya habang nakatingin ng diretso sa kanyang mata. At marahang hinahaplos ang kanyang mga pisngi.

Taas kilay lang ang tinugon niya sa akin.

"Bakit mo ako sinaktan?" tanong niya.

"Hah? Sinaktan ba kita hindi naman ah" pagkukunyari ko hihi.

Sumama naman ang tingin nito sa akin. "Eh ano sa tingin mo yong ginawa mo kanina?" may inis na tanong nito sa akin.

"Hindi mo kasi ako na-iintindihan.. Saka hindi mo ako pinapatapos magsalita kanina.. Saka kalimutan na natin yong kanina ang importante yong ngayon yong bukas at yong tayo" saad ko. Bahagya naman siyang yumuko at kita ko ang kunting ngiti sa labi niya pero agad din nawala.

"Pwes ipaintindi mo sa akin at... at ano ba tayo?" nahihiyang tanong niya.

"tao tayo pero.. pero bagay tayo isa't isa hihi" ngumiti ako todo at kinindatan pa siya. Para hindi na balikan yong nangyari kanina.

"Kainis naman" maktol niya pero namumula naman ang pisngi at tenga niya haha.

"Mahal mo ako diba?" masinsinan tanong ko sa kanya.

tumingin ulit siya sa akin at dahan dahang tumango.

"Sana kahit anong mangyari at kahit na anong malaman mo tungkol sa akin.. sana mahal mo pa rin ako sana nandiyan ka parin sa tabi ko.. Kasi ako hindi ko kaya na mawala ka sa akin" lahat ng sinabi ko ay totoo dahil yon ang nararamdaman ko. Gusto ko na talagang aminin kung ano ba talaga ako pero naduduwag ako.

"Dapat ba akong maniwala diyan" sagot niya na nagpataas ng kilay ko.

"Oo kasi mahal mo ako diba?" tanong ko na parang siguradong sigurado.

"Oo" sagot naman niya. Oh diba!

"i-ikaw ba mahal mo ako?" paninigurado niya. Alam kong may agam agam siya sa kanyang isip at puso.

Hot and Sexy DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon