Part 25

1.1K 62 1
                                    


Marites POV

Si Cyfer at ang kapatid niyang si Devies ang sumira ng buhay ng kapatid ko kaya hinding hindi ko sila mapapatawad!

"Christian may bisita ka pala sakto may meryenda ng nakahanda" magiliw na sabi ni Cyfer. Napa ngiwi nalang ako sa tinuran niya.

Tumingin ulit sa akin si Cyfer pero umiwas din agad. Tinignan ko ang pamangkin ko na namumutla na ang mga pisngi. Nagkatitigan ang dalawa para silang nag uusap gamit ang mga mata.

"amm.. Ma kumain kana ba? Upo ka muna Ma, kukunin ko yong meryendang gawa ni Cyfer" sabi nito. Saka tumingin kay Cyfer nagka ngitian pa sila.

Aalis na sana siya pero tinawag pa siya ni demonyo.

"Bhaby" tawag niya kay christian. Nagulat ako at nabigla. Tama ba ang narinig ko?

Lumingon naman si christian pero automatikong napalingon sa akin ang pamangkin ko.

Tumingin din si Cyfer sa akin mukhang sinadya niya iyon para makita ang reaksyon ko. Well! Nagulat nga ako. Tinaasan ko siya ng kilay. Pero ngumisi lang ang demonyo.

"Bhaby pakilala mo naman ako" naka nguso niya pang sabi.

Ngumiti ng tipid si christian at nagkatitigan kami. "huwag mong sabihin may relasyon kayo malilintikan ka sakin" sabi ko sa isip isip ko. Nag iwas ng tingin ang pamangkin ko. Halatang kabado.

"Uhmm.. Cyfer si mama pala" kabado niyang sabi. Tumingin naman sa akin si Cyfer at ngumiti pero hindi ko siya pinansin. "Mama si Cyfer pala classmate ko at boyfriend ko po" halos malaglag ang panga ko sa sinabi niya. Diyos ko!

Nilahad ni Cyfer ang kamay niya para makipag shake hands. Tinignan ko lang ang kamay niya. Hindi ko kanyang makipag kamay sa demonyo parang sinabi ko na ring sinasamba ko siya kapag nakipagkamay ako.

Mukhang nangawit na siya kaya binaba na niya ang kamay niya. Nagkatinginan sila tumango si Cyfer kay Christian. Tumingin muna sa akin ang pamangkin ko bago tumungo ng kusina.

Mamaya ka sa akin bata ka.

"Maupo po kayo" magalang niyang sabi. Nanlaki naman ang mata ko dahil sa gulat. Bakit naging magalang ang demonyo ngayon.

Tumawa ako ng mapakla. "Kailan pa natutong gumalang ang mga demonyo, pwede ba tigilan mo yang pag kukunwari mo hindi mo bagay"

Mahina lang ang boses ko sapat na para marinig niya. Umupo ako sa isang sofa ganun din ang ginawa niya.

Bago siya magsalita nilingon niya muna si Christian na nagsasalin ng juice sa baso.

"Mag-usap tayo mamaya tungkol kay christian" mahina niyang sabi. Parang huminto ang oras dahil sa sinabi niya. Kinakabahan ako may alam na kaya siya.

Tumikhim muna ako bago magsalita. "Wala akong oras makipag usap sa mga demonyo" mariin kong sabi. Nagkuyom ang mga kamao niya.

Tumawa siya ng mapakla at kinalma niya ang kanyang sarili.

"Tigilan mo ang anak ko Cyfer!" mahina lang boses ko pero may diin ang tono.

Ngumisi siya. "Anak mo? o Anak namin ni Ashley?" napalunok ako ng laway. Mas doble pa ang kaba ko ngayon.

Napa isip ako sa sinabi niya. "anak namin ni Ashley" inaakala ba niya na anak nila si Christian. Jusko!

"Wala kayong anak Cyfer wala!" mas madiin pa ang pag kakasabi ko para marealize niya.

Mas lalong nagkuyom ang mga kamao niya mas tumalin din ang tingin niya sa akin na tela ba handa ng pumatay.

Huminga siya ng malalim tapos tinaas niya ang isang kamay niya hindi ko na nakita pa ang ginawa niya bigla nalang lumutang sa ere si Christian na wala ng malay.

Sa isang kisap mata naglaho nalang si Christian. Kinabahan ako sa nangyari tumayo ako at dinuru duro ko sa  mukha si Cyfer.

"Hayop ka anong ginawa mo sa anak ko asan siya hayop ka demonyo ka!" sabi ko habang dinuduro ko siya.

"Anak mo? Hahaha hoy Marites nagpapatawa ka ba ha alam kong hindi ka magkaka anak dahil baog ka!" singhal nito sa akin. Nagalut ako dahil sa sinabi niya. Bakit niya alam.

Baog nga ako. Dahil doon iniwan ako ng asawa ko dahil hindi ko siya mabigyan ng anak. Nung namatay ang kapatid kong si Ashley ako na ang nag-alaga kay Christian.

"Oh ano hindi ka maka imik dahil totoo diba?" sabi nito sabay tayo at tatawa tawa pa. "hahaha!  Hay naku marites" sabi nito sabay iling.

Napalunok ako ng laway. Tela natuyo ang lalamonan ko dahil doon. Pero pinilit kong ikalma ang sarili ko para hindi ako mahalata nitong demonyo.

"Saan mo naman nasagap yan ha demonyo?! Hindi ka lang pala demonyo chismosong demonyo pa haha! Tang'*nang yan" singhal ko sa kanya. Nakipagsukatan ako ng titig sa kanya.

Tumawa siya ng mapakla. "Ehem.. Correction lang mahinang nilalang.." sabi nito sa akin tapos napapa iling

"hindi ako basta demonyo lang hahah ipapakilala ko lang ang sarili ko sayo ako si Cyfer anak ni Lucifer at ang ina ko lang naman ay isang diyosa at hindi mo natatanong ako na ang hari sa impyerno pero mas maganda kung tatawagin mo nalang akong panginoon" buong pagmamalaki nito sa akin.

Katanga naman ng diyosang yon nainlove sa demonyo yan tuloy may mayabang silang anak gaya ng ama niyang si Lucifer na ma pride pa.

Tumawa rin ako ng mapakla. "Wala akong paki alam kong sino ang mga magulang mo at kung ikaw pa ang hari ng kung ano man ang sa akin lang ay tigilan mo anak ko Cyfer kung hindi mapipilitan akong humingi ng tulong sa Demons Hunter" walang kurap kurap kong banta sa kanya.

Doon siya natigilan. Napalunok siya na laway. Maya maya lang ay may dinukot siya na kung ano sa bulsa niya.

"Ito paano mo ipapa liwanag sa akin to" tukoy niya sa hawak niyang kwentas "Bakit na kay Christian to? binigay ko ito kay Ashley noong nalaman namin na buntis siya at alam kong lalake ang magiging anak namin hindi ba't si christian ang anak namin?" patanong niyang sabi.

Hindi wala kayong anak! Hindi mo anak si Denver dahil si Devies ang ama ni Denver hindi ikaw. At si Christian ay anak ni Daniel.

Mga bagay na gusto kong sabihin pero mananatili nalang sekreto ang lahat para sa ikakabuti ng lahat at sa kaligtasan ni Christian baka sa kanya pa ibunton ang galit niya.

"bago mamatay si Ashley binigay niya sa akin yan kaya ng magka anak ako binigay ko yan kay christian" paliwang ko sana'y maniwala siya. "At sa sinasabi mong baog ako haha nagkakamali ka dahil nagka anak ako at si christian yon" dugtong ko pa.

"Nasaan ang anak namin ni Ashley?!" madiin niyang tanong.

"Wala na Cyfer.. Patay narin wala na sila kaya patahimikin mo na sila" yon nalang ang nasabi ko sana ay matanggap niya ang paliwanag ko.

Dahan dahan siyang lumapit sa akin. Tapos bigla niya akong sinakal. Ang higpit ng hawak niya sa aking leeg. Ramdam ko ring umangat ako ng kaunti.

"WAG MO AKONG GAGOHIN MARITES TANG*NA MO NASAN ANG ANAK NAMIN NI ASHLEY, ANG ANAK KO ASAN?!" sigaw niya sa mukha ko. Hindi ako makapagsalita dahil sinasakal niya ako. Ang mga kamay ko naman ay nasa kamay niyang nasa leeg ko pilit kong inaalis yon dahil hindi na ako maka hinga.

"HINDI KA SASAGOT HA?!" sigaw niya ulit. Galit na galit na siya. Lumabas pa ang sungay niya sa magkabilaang noo na kinabigla ko. Nakakatakot ang itsura niya. Nagbago na rin ang kulay niya naging pula ang kutis niya. Isa siyang diyablo!

Ramdam ko ang pag akyat ng dugo ko sa ulo ko tiyak kong putlang putla na ang pisngi ko at nahihirapan na rin akong huminga pero hindi pa niya ako binibitawan. Nan'lilisik na rin ang mga mata niya.


Diyos ko tulungan niyo ako sa diyablong to!




TO BE CONTINUED...

Hot and Sexy DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon