Part 18

1.7K 72 1
                                    


Hingal na hingal akong umupo sa sofa habang hawak ang dibdib.

Kapagod!!

Magtatanong na sana ako kung bakit kami  tumakbo at nagmamadali na parang may tinatakasan ng biglang abotan niya ako ng tubig.

"tubig" alok niya sakin. Kinuha ko na at agad na nilagok.

blokk.. blokkkk...

"Bakit ba nagmamadali ka?" medyo habol hininga parin ako habang nagtatanong.

"w-wala.. Kasi may ahm may ano may m-mabangis na hayop akong nakita" utal nyang sagot tapos nagkamot ng batok.

Hindi naman ako kumbinsido sa sagot niya. Ganun pa man ay tumango tango nalang ako hindi ko nalang inabala ang sarili sa pagtatanong kung bakit. Pagod ako talaga eh.

"sige magpahinga kana" tapos naglakad na sya papuntang hagdanan.

Nagmamadali? Pero bago pa man sya maka akyat. Tinawag ko muna siya.

"c-cyfer..." taka naman nya akong nilingon

"g-goodnight" utal kong sabi.

Ngumiti naman sya sakin saka nagkamot ng ulo "goodnight.. din".

Tuloyan na syang umakyat. Ako naman ay naiwang naka ngiti at kilig na kilig kahit na mukhang pilit lang siyang nag goodnight.

Sweet dreams and see you in my dreams...

Bulong ko pa habang naka tingin sa kinakatayoan nya kanina.

Napa lingon ako sa wall clock na naka sabit sa taas ng pinto pasado alas dos na pala antok narin ko. Sinigurado ko munang naka lock ang mga pinto at bintana bago umakyat.

Pagkatapos umakyat na ako at pabagsak akong nahiga sa kama jusko napagod ako sa kakatakbo namin kanina. Gustohin ko pa sanang magbihis ay hindi ko na nagawa dahil papikit pikit na ang mga mata ko hanggang sa tuloyan ng nilamon ng antok ang diwa ko.

. .  .

Cyfer's pov

Hindi ko alam kung papaano kami natutunton ng archangel na yon at sino siya?

Tiyak kong hindi siya si Daniel dahil iba ang pwersa nya kumpara kina Nathaniel at Daniel.

Marahil siya na siguro ang sinasabi sa akin ng mga Minotaur na bagong archangel.   Bakit ganun kalakas ang pwersa nya at ano ang pakay niya at bakit siya naroon?

Hmmm..

Huminga ako ng malalim kaylangan ko ng impormasyon. Masyado na pala akong abala dito sa lupa hindi ko na alam kung ano ang nagaganap sa kabilang mundo.

Matikas akong tumayo at dumiretso sa harap ng salamin at sinindihan ang dalawang pulang kandila sa magkabilaang gilid ng salamin at gumalaw ito nung hinawakan ko sa ginta at saka lumitaw si frèancòu ang pinuno ng mga Minotaur.

"sino ang archangel na yon?" tanong ko agad rito sa malalim na boses. At nagsalin ng alak sa baso.

Yumukod muna sya bago sumagot.

"Gabriel ang ngalan niya panginoon siya ang bagong archangel" sinasabi ko na nga ba sabay lagay ng alak.

"Gabriel? Saan ito nagmula?" tanong ko muli.

"bagong likha ni jesus panginoon upang labanan kayo—tayong lahat" sagot niya.

Ngumisi naman ako hanggang sa nauwi sa malakas na pagtawa.

Hot and Sexy DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon