Part 3

6.7K 263 13
                                    

(A/N) "Counted daw ang Vote kahit naka offline.. Go go go vote na huhu"

Narrator' pov

After 3 years...




Tatlong taong nanahimik ang paligid ni Christian. Bagamat sa tatlong taon na yon nanatili ang alaala ng ginawa ng demonyo sa kanya. Samantala abala naman si Christian sa pag aayos ng kanyang gamit.

Sa kabilang dako sa mundo ng impyerno nagtagumpay nga si Cyfer sa kanyang misyon ang magpalakas at kunin ang trono bilang sunod na hari ng impyerno.. at naghahanda na para sa pagbabalik nya sa mundo ng mga tao.

Monday morning @ past 7:oo am

Cyfer's pov

Nakita ko syang palabas ng bahay at nag mamadali. pagkalabas palang nya ng pintoan ay agad ko syang sinundan. Balak ko sanang sipilin sya sa pagbabalik ko pero mukang nahuli ata Ako ng dating haysst. Di bale na may ibang araw pa naman para saming dalawa hahahah (evil laugh).

Ano bang meron sa araw na to at nag mamadali sya at mukang naghahabol ng oras hindi man lang nya maramdaman ang presensya ko tss.

Ilang saglit ay huminto sya bigla akong kinabahan naramdaman na nya kaya ako at alam nyang sinusondan ko sya.

Tingin sa kanan-tingin sa kaliwa ang ginawa nya at bigla syang tumakbo, sa kalagitnaan ng tinatahak nya may nahulog na bagay sa kanyang bulsa kulay itim ito. Saglit syang huminto at pupulotin nya iyon dahil mukang importanteng bagay iyon sa kanya.

Ngunit sa isang saglit lang ay nakarinig Ako ng malakas na tunog ito ay tinatawag ng mga tao na busina na galing sa malaking sasakyan sa bilis ng sasakyan hindi na magawang mag preno ng malaking sasakyan at ganun din si Christian hindi na nagawa pang gumalaw ni Christian.

Gamit ang kapangyarihan ko ay pinatigil ko ang oras. Sa ginawa ko malaya akong nalipitan si Christian at titigan muli ang muka nyang mala anghel. Alam kong lalaki sya at ganun din ako bakit nakikita ko sa kanya, sa mga mata at labi nya si ashley. Alam kong malabong si Christian at si ashley ay iisa. Ganun pa man ay itinawid ko na si Christian sa kabilang kalye at bumalik sa normal ang oras.

Bago ko sya iwan nag kakatitigan muna kami at bumulong sa kanya ng "Nice to see you again Christian". sabay (evil smile). "Hoy tumingin ka sa tinatawiran mo bata! Puta magkakasala pa ako dahil Sayo.." sigaw ng lalaki kay Christian. Tulala lamang si Christian sa nangyari.
May humintong jeep sa harap nya bago pa man sya sumakay ay lumingon lingon muna sya sa paligid nya. Laking tuwa ko naman na naramdaman nya ako.

Hindi ito ang huli nating pagkikita Christian...

Christian's pov

Pasokan nanaman at ayaw kong mahuli sa unang klase ko kaya lahat ay minamadali ko. Mag breakfast ay di ko na nagawa.

Dahil naghahabol ako ng oras lakad takbo ang ginawa ko. sa kabilang tawiran pa ang sakayan para mag abang ng jeep kaya tumawid ako pero sa di sinasadya nahulog ang wallet ko sa kalagitnaan ng kalsada akmang pupulotin ko na ito may malakas na busina akong naring laking gulat ko na sa deriksyon ko papunta ang teen wheeler truck. shit lang.

Hindi ako makagalaw puta hindi ko man lang magawang ihakbang ang paa ko, pikit mata nalang ang nagawa ko. katapusan ko na ba? Jusko lord sabi ko sa sarili ko.

Hinintay ko kung anong mangyayari.

Ganito ba ang pakiramdam ng masagasaan?

Mamamanhid ka. Pinaki-ramdaman ko ang sarili ko pero wala namang masakit sa katawan ko.

Pag mulat ng mga mata ko may lalake!

Laking gulat ko sa isang imahe ng lalakeng kulay asul ang mata, matangos ang ilong at makisig na lalake, oo isang lalake napaka gwapong lalake ang nasa harap ko ngayon.

Dikayay nasa langit na ako at isang anghel ang nasa harap ko sa gitna ng titigan portion namin "nice to see you again Christian" bulong na nag patayo ng balahibo ko sabayan pa ng mala demonyo nyang ngiti. ako tuloy ay nagulohan sa kaharap ko.

"Hoy tumingin ka sa tinatawiran mo bata! Puta magkakasala pa ako dahil sayo.." sigaw sakin ng driver ng truck.

Bumalik ang diwa ko sa sigaw na yon. Sa isang iglap nawala ang lalakeng kaharap ko kanina.

Luminga ako sa paligid pero wala!

Nawala na parang bula. Illusions ko lang ba ang lalaking yon. Pero parang totoo. Teka pano ako napunta dito sa gilid ng kalsada tanong ko sa sarili ko hindi ako nag iillusion.

Beep.. beep..

Saktong may humintong jeep sa harap ko. Naalala ko may klase pa pala ako. Nilingon lingon ko muna ang paligid bago sumakay at umasa na nandito pa sya. Sa sobrang pag iisip ko sa nangyari kanina muntik na akong hindi umabot sa klase buti nalang at may bumaba ding student sa papasokan kong university tss. Buti nalang naka abot ako sa klase ng ligtas.

Gaya ng sa high school isa-isa kaming nagpakilala sa buong klase. Btw, 4th year college na ako sa wakas gagradute na ako. Isang taon nalang titiisin ko.

Bago mag umpisa ang klase namin sandaling nag usap ang prof at ang sir dean ng university. Narinig ko sa usapan na may bagong enroll daw at sa klase namin napunta.

At ilang sandali lang ay pinapasok na nga ng prof ang new bae namin charot. Pag pasok palang nya bawat hakbang ibang awra na ang mararamdaman mo sakanya just like a tao gama leader.

He's wearing black shoes, black pants, black Long slave. Mapapansin mo din ang kanyang kagisigan may malalaking muscle. Silver na kwentas na may pendant na bongo. At isa mga napansin ko sa kanya ang mata nya at laking gulat ko na kulay asul ang mga mata nya at matangos ang ilong halos mapatayo ako sa kina uupoan ko ng tumingin sya sakin.

Titig na titig ako sa kanya. habang nangyayari yon para bang nangungusap ang mata nya at muli kong narinig ang boses na kanina ko lang lamang narinig.

"Yes.. i told you right. Just like i said to you an hour ago.." sabay winked sakin.. sya ba yon my Savior?

Pero Imposible...

Pakiramdam ko ako lang nakakaramdam ng ibang awra nya at feeling ko matagal ko na yon narinig at hindi ko maalala kung saan..

-----

To be continued😊😉

(A/N): sya ba ang Savior nya o ang mag papahirap sa sarap sa kanya..?!

Ennio as Cyfer

Ennio as Cyfer

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Hot and Sexy DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon