Part 55 | s-2

483 43 2
                                    

A|N: Ang istoryang ito ay kathang isip lamang po. Salamat!

Christian's pov

Mahal na mahal kita Christian..

Babawiin kita..

Patawad hindi ko sinasadya..

Napamulat ako dahil sa panaginip na yon—na parang hindi. Kasi parang totoo at boses lang ang naririnig ko na parang nasa tabi ko lang at bumulong.

Napa aray nalang ako ng maramdaman ko ang paghapdi sa aking kanang pisngi kaya automatikong napahawak ako sa aking pisngi at hinaplos.

Napakunot ako ng noo ng maramdaman kong parang may basa at malagkit. Ng tignan ko ang kamay ko ganon nalang ang gulat ko dahil may kunting dugo sa kamay ko galing sa aking pisngi.

Dali-dali akong pumunta sa harap ng salamin upang tignan ang pisngi ko. Pero wala akong nakitang sugat na pinagtaka ko. At ang hapdi na nararamdaman ko kanina sa aking pisngi ay nawala bigla.

Sandali akong natulala sa harap ng salamin. At napaparanoid sa nangyari.

"Bakit gising kapa—

—Ay shit!" nagulat ako sa nagsalita.

Sinamaan ko ng tingin si Nathaniel na  kakapasok lang mula sa bintana. At talagang sa bintana pa siya dumaan.

"Bakit ka ba nanggugulat?" inis na tanong ko. Paranoid na nga yong tao nanggulat pa.

"At bakit ka nagsasalita ng bawal na dapat sabihin dito?" balik na tanong  nya sakin.

Tsk. Kasalanan naman nya eh.

"Bakit pala nandito ka? At sa bintana kapa talaga pumaaok ha?" pang iwas ko sa tanong nya.

Nakalimotan ko nasa langit pala ako bawal mag mura.

Huminga siya ng malalim. Pansin ko ring malungkot ang mga mata nya. Kahit seryso sya mapapansin parin ang kalungkotan kahit hindi nya ipahalata.

"Wala lang..." maiksing sagot nya. Tapos titig na titig pa siya sa akin actually kanina pa.

Kaya nag-iwas ako ng tingin dahil nakakatunaw ang titig nya. Tinitigan ko ang repleksyon ko sa salamin. "Talaga ba? Baka namimiss moko kaya ka sumilip dito" pagbibiro ko.

Saka ko ulit hinaplos ang pisngi ko na may dugo kanina.

Hindi sya umiimik. Pero ramdam ko parin ang pagtitig nya sa akin.

Maya-maya narinig ko nalang ang hakbang nya na palapit sakin. Hanggang sa nasa likoran ko na sya. Nakatitig sya sakin mula sa salamin.

At kaninang malungkot na nakikita ko sa mata nya kanina ay wala na.

Ngayon seryoso pero malagkit ang pinupukol nyang tingin sakin ngayon.

"Alam mo bang napakalakas ng tukso mo" pabulong nyang sabi.

Ha?!

"Nong unang beses palang kitang nakita natukso na ako nilabanan ko yon pero nabaliwala yon ng akitin mo ko dahil sa pagnanasa mo.." hindi ako naka imik dahil guilty ako ginawa ko nga yon.

Inakit ko nga sya noon pero akala ko hindi sya tinablan? At hindi ko rin alam kung bakit ko nagawa yon.

"halos mabaliw ako araw araw.. lalo nong halikan mo ako"

Hindi ako makapagsalita. Hindi ako sanay na ganito ang inaakto nya. Lagi kasi itong seryoso.

"total nagkasala na ako at naparusahan bakit hindi ko nalang sulitin yon diba?" nagulat ako sa sinabi nya.

Hot and Sexy DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon