Part 42 | s-2

590 48 4
                                    


Christian's pov

Kanina pa kami naglalakad sa napaka habang pasilyo. Kung saan kami pupunta hindi ko alam. Basta nalang niya ako pinasunod.

Naiinis nga ako sa anghel na'to. Nakasimangot lang ako habang naka tingin sa likod niya. Ang dami kong tanong sa kanya mula nung nakabalik siya pero hindi niya ako sinasagot.

Ang sungit sungit niya pa akala ko ba mababait ang mga anghel. Bakit ito hindi ata mabait. Hindi rin ngumingiti.

Supladong anghel!

Kanina ko pa rin iniisip yong babaeng nagngangalang Ashley kanina hindi na siya mawala sa utak ko. Kamuka ko siya. Kahawig pa siya ni mama.

At isa pa sa tinatanong ko sa kanya kung nasaan ang tatay ko ay wala akong makuhang sagot sa kanya.

"Ah—aray" daing ko ng bumngga ako sa matigas na bagay.

"Wala ka sa sarili" kumento niya. Don ko lang napansin na huminto na pala siya at sakanya pala ako bumangga.

"May iniisip lang po" magalang kong sagot. Nasermonan niya kasi ako kanina. Dapat daw akong gumalang sa nakakatanda sa akin. Ayaw din daw niya sa madaldal as if naman na madaldal ako nagtatanong lang naman.

Namalayan ko nalang na bumukas ang malaking pinto na nasa harap namin.

"Pasok" utos niya sa akin. Pero nauna na siyang pumasok sa loob.

Pagkapasok ko bumungad sa akin ang mga larawan ng mga anghel na nakasabit sa bawat taas ng pader. Tama lang ang liwanag hindi masakit sa mata. Nung una akala ko kwarto ito pero parang pasilyo ulit.

Narinig ko ang pagsara ng pinto.

"Tara sa silid na yon" sabi niya at tinuro ang isa pang pinto.

"Ha?" maang kong tanong.

Namumula akong napatingin sa kanya. this is it naba?. "Sure ka? Wala bang makakarinig sa atin diyan?" pagbibiro ko sa kanya.

Nangunot ang nuo niya. "Wala, tayong dalawa lang ang nandito"

Nakangiti akong tumango-tango sa kanya. "Uhm.. So malaki ba yarn?" nang aakit kong tanong sa kanya.

Hindi ko naman masisi ang sarili ko dahil gwapo siya at makisig pa ang katawan. Hindi ko alam pero parang may nagbago sa akin o talagang dati na akong malandi.

Nagsalubong ang makakapal niyang kilay. "Malaki ang ano?" balik nitong tanong sa akin.

Tumingin ako sa bukol ng harapan niya at nginuso ko yon sa kanya nahihiya kasi akong sabihin eh. hehe

Marahas siyang bumuntong hininga na parang nauubosan na ng pasensya.

"Umayos ka, nakakalimutan mo ata kung nasaan ka at kung sino ang kaharap mo?" paalala niya.

Nagkunyari naman akong nag isip sandali bago siya sagotin.

"Hindi naman, Sabi mo nga nasa langit ako—tayo at ikaw si Nathaniel ang pinaka gwapong archangel na nakita ko, at higit sa lahat ang matcho at sure akong walo ang abs mo kasi naman sa muscle mo palang...—" hindi ko na natuloy ang sasabihin dahil nakita kong namumula na ang leeg at mukha niya. Nag-iigting narin ang panga nito.

Napakagat ako sa ilalim ng labi ko at nanahimik nalang dahil sa uri ng tingin nitong pinupukol sa akin. Seryoso yan ang nakikita ko sa mata niya pero may napansin akong uri ng tingin nito sa akin na hindi ko lang masabi dahil natatabunan yon ng napaka seryoso nyang mukha.

"Sa dami ng gusto mong malaman yan pa talaga ang inuuna mo?" panenermon niya.

Hindi ko mapigilang mag taas ng kilay  sa kanya. Naiinis ulit ako anghel na'to ay hindi kanina pa pala.

"Duh! Kanina pa kaya ako nagtatanong sayo pero hindi mo ako sinasagot" sumbat ko naman sa kanya.

"Hindi ko masagot dahil kailangan ko munang ipakita sayo—

"Ang alin?" putol ko sasabihin niya at ngumiti ako ng nakakaloko sa kanya. Tignan natin kung hanggang saan ang pasensya ng anghel na'to.

Sinamaan ako nito ng tingin.

"Hindi ako nakikipag lukohan sayo bata.. tsk! Nauubos ang pasensya ko sayo, sumunod ka nalang sa akin para malaman mo ang mga sagot na gusto mong malaman" sabi niya at tumalikod na sa akin.

"Napaka harot mo" rinig ko pang bulong nito at umiiling habang naglalakad.

Naiwan akong nakatngin sa naglalakad na anghel. Tama ba ang narinig ko. Sinabihan ako ng anghel na yon na maharot.

Nainsulto ako ha. Marunong pala mang insulto ang mga anghel.

Inis akong sumunod sa kanya. Pasalamat siya at gwapo siya.

--------

Nathaniel's pov

Hindi nyo alam kung anong klasing pagpipigil ang ginawa ko sarili kanina. Aaminin kong tinatablan ako sa pang aakit niya sa akin. Hays!

Napailing nalang ako. Hindi pwede!

Hindi ko siya papatulan dahil alam kong nasa sakop siya ng pagnanasa.

Iba talaga pag napasa ilalim ka ng Demons Lust.

Kahit na hindi siya mapasa ilalim ng demons lust ay hindi ko siya papatulon takot ko lang na magaya sa ama niya. Sigurado akong mapaparusahan ako at lhuhulog sa lupa gaya ng ama niya. At hindi na ako kikilalaning Archangel.

Dapat kong sundin ang batas at kung hindi mapaparusahan ako.

Maya maya naramdaman ko nalang na sumusunod na siya sa akin. Napa buntong hininga nalang ako.

Madaldal ang batang to.

Nang makalapit na kami sa silid binuksan ko na ang pinto at inaya siyang pumasok. At nang masara ko na ang pinto nakita ko siyang abala sa pagmamasid sa paligid.

"Ano ang una mong gustong malaman?" tanong ko sa kanya pagka upo ko.

"Marami" hindi lumilingon niyang sabi.

Lumingon ito sa alin. "Una po sa lahat uhmm.. patay naba talaga ako?"

Pangalawa, bakit ang sungit mo?

Pangatlo, nasaan ang tatay ko?

Pang apat, bakit walang maalala ang mama ko?

Panglima, sino yong Ashley ang pangalan? Bakit kahawig siya ng mama ko?  At bakit kamuka ko siya?

Pang anim, Nasaan si Papa Jesus? Saan ko siya makikita? Makikipag friends sana ako sa kanya tapos yayain ko siyang mag inom walwal ba tapos lalasingin ko siya tapos uutoin ko siyang ibalik na ang alala ng mama ko" diretsong mga tanong niya. Sandali naman akong napatahimik dahil sa mga narinig ko.

Pagkatapos mariin akong pumikit at napahilot sa sentido.

Nauubos ang pasensya ko sa batang to!


------

TO BE CONTINUED...

    Don't forget to VOTE! ❤

Hot and Sexy DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon