Part 45 | s-2

557 42 2
                                    

Trivia no. 2 - Demons of Envy

Leviathan

Thomas Aquinas described Leviathan as the demon of envy, first in punishing the corresponding sinners (Expositio super Iob ad litteram). Peter Binsfeld likewise classified Leviathan as the demon of envy, as one of the seven Princes of Hell corresponding to the seven deadly sins.

(source wikipedia)



-------


Christian's pov

Hindi ko alam kung nasa tamang pag-iisip pa ba ako. Pakiramdam ko matutuloyan na talaga ang utak ko dahil sa mga nalaman ko.

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kung maramdaman, dahil halo-halong emosyon na ang nararamdaman ko ngayon, Galit, Lungkot, Nalilito, Nanghihinayang, at Nadidismaya.

Stress na stress na ako!

Paano ko tatanggapin na may kapatid akong demonyo, paano ko pa siya tatanggapin kung siya ang pumatay sa papa ko.

Tapos si papa nalaman kung wala na talaga. Sobrang nakaka lungkot man pero kailangan tanggapin ang lahat ng nangyari dahil una palang isa na daw yon sa parusa sa kanya nung nagkasala siya.

Masaya ako dahil nakilala ko siya at nalaman ko mula sa kanya na siya ang tatay ko, hindi man sapat ang lahat hindi ko siya makakalimotan sa puso ko.

Tapos yong tunay kung ina at si mama Marites na tiyahin ko pala ay pareho silang walang maalala sa pass life nila.

Pinaliwanag ni Nathaniel na mawawala ang ala-ala ng tao kapag namatay at mapunta dito sa Paradise of Heaven.

Pero ang pinagtataka ko lang kung bakit ako may naaalala?

Sabi niya patay na ako. Dapat wala na rin akong maalala.

Ngayon ko lang ito napagtanto. Itatanong ko nalang sa kanya mamaya, sa dami ng nalaman ko ngayon hindi ko na yon napagtuonan pa ng pansin.

---

Ilang minuto din akong natulala sa kisame gusto ko sanag magrelax kahit papano pero hindi ako hinayaan ng utak ko dahil sumagi sa isipan ko si,

Cyfer...

Hanggang nagyon hindi pa rin ako makapaniwala na isa pala siyang demonyo. Bakit hindi ko yon napansin at hindi ko lubos maisip na ang nakakasama ko sa isang bubong ay demonyo pala at higit sa lahat,

Demonyo ang boyfriend ko!

Nakipag sex ako sa demonyo!

Nainlove ako sa demonyo!

At ang pinaka sa lahat,

Nagmahal ako ng isang demonyo!

Sinong mag-aakala na mangyayari yon lahat sa akin. Huminga ako ng malalim at napabuga ng hangin.

Mariin akong pumikit at nagnilay-nilay.

"Kailangan mamatay ni Cyfer... "

Tela guni-guni kong narinig sa isipan ko ang boses ni Nathaniel. Naalala ko ulit yong mga sinabi niya at lalo na yong mga tanong niyang hindi ko nasagot.

Hindi ko rin lubos na maisip na hahantong sa ganun na kailangan ko pa talagang patayin siya para mabali ko ang pinangako ko.

"Pero kaya ko ba?" Yan ang paulit-ulit kong tanong sa sarili.

May nag-uudyok sa akin na gawin yon pero pinipigilan ako ng damdamin ko o mas tamang sabihin na hindi ko yon gustong gawin dahil hindi umaayon ang damdamin ko.

Hot and Sexy DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon