Part 17

1.9K 79 8
                                    

Christian's pov

Sa kwento nya mararamdaman mo kung pano nya minahal si ashley. Halos maiyak pa sya pero pinipigil lang nya

Tinapik tapik ko ang balikat nya para ipakita na nakikiramay ako pero deep inside natutuwa ako sa nangyari at nabuhayan ng pag asa dahil patay na pala sya at wala na dapat akong ikabahala dahil wala na akong kaagaw

Napangiti ako ng palihim. Sasamantalahin ko na ang pagkakataon

Huminga ako ng malalim at humugot ng lakas bago magsalita

"N-nandito naman ako.." Napalingon bigla si cyfer. Nakatitig lang sya sakin

"Cyfer gusto kita.." tumitig narin ako sa mata nya "Ma..mahal kita" buong tapang kong pag amin tapos hinalikan ko sya sa labi

Nagulat sya sa ginawa ko kahit ako nagulat din anong kapokpokan ang ginawa huhu

Agad ko naman inalis ang labi ko saka umiwas ng tingin sa kanya nakaramdam ako ng kahihiyan baka kasi isipin nya na sinasamantala ko ang pangungulila nya.

Na ganun na nga ang ginagawa ko ngayon

Selfish na kung selfish pero mahal ko talaga sya. Saka mabuti narin yong alam nya yong narardaman ko para sa kanya

"Alam ko.." napalikon ako sa kanya. alam nya?

"Tulongan mo akong maka limot" patuloy nya

Nagulat naman ako sa sinabi nya. Totoo ba tong naririnig ko?

Mahirap kaya kalaban ang patay na

Or gusto nya lang akong gamitin para makalimot sya.

"Paano cyfer sabihin mo sa akin parang hindi mo pa tanggap na wala na sya..." Tanong ko para magkalinawan na

mahirap kalimutan yong minahal mo ng sobra tapos isa pa lalake sya

"lalake ka sa cyfer at ako hindi ako babae kaya mo ba akong mahalin gaya ng pagmamahal mo kay Ashley?

Mahirap na maging panakip butas lang baka pagdating ng araw makalimot na sya tapos isang araw iwanan na nya ako

"Sigurado akong iiwan mo din ako pag dating ng araw at hahanap ka rin ng babae.. Babaeng magbibigay sayo ng pamilya so paano—$#&$*.." patuloy ko pero hindi ko na natapos ang sasabihin dahil pinigil nya ako magsalita gamit ang daliri nya.

"—Shh.. Alam mo ang daldal mo" natatawang sabi nya.

"Ewan ko sayo" kunyaring naiinis ako. Tapos hinampas sya sa braso

"hahaha" mahinang tawa pa nya

"Pero mahal mo ako?"

Napatingin ako sa kanya. Pero nasa langit na ang tingin nya at wala na yong mga luhang nagbabadyang pumatak kanina

Napatitig nalang ako sa kanya. Yong mga mapungay nyang mata, matangos na ilong, kissable lips, mga matigas na abs at braso nya, Perfect na perfect na kaya sinong hindi mapapamahal sa kanya.

"O-oo" nauutal kong sagot saka umiwas ng tingin kinikilig na ako

"yang sagot mo ang sagot ko sa mga tanong mo" sabi nya.

Napakurap-kurap naman ako hayss para oo lang hindi nya masabi.

Naging tahimik naman ang paligid walang nag sasalita ni isa samin tanging huni lang ng kuliglig ang maririnig

"Alam mo kamukhang kamuka mo sya" basag nya sa katahimikan

Napabuntong hininga nalang ako alam ko naman kung sino ang tinutukoy nya,

Hot and Sexy DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon