Part 39

927 55 14
                                    

Christian's pov

Pinapanuod ko lang ang ginagawa nya habang ako naka'upo at nakalumbaba sa may mesa.

Actually yong malapad na likod lang nya pala ang nakikita ko. Bawat galaw nya ay nagfeflex yong mga muscle nya. Napapakagat labi nalang ako minsan.

Maya maya ignorante akong napangiti.

Nababasa ko lang yong ganitong eksena dati eh. Yong lalakeng naka boxer lang habang nagluluto. Tapos lilingon ang lalake sabay ngingiti at magpapa' cute sa pinaglulutoan.

Pero si Cyfer pala to hindi sya ganon.

Nanlaki ang mga mata ko ng bigla syang lumingon sa akin tapos ngumiti.

Umiwas agad ako ng tingin na kunayari hindi ko sya pinapanuod. Pero hindi ko maiwasang mapangiiti.

Randam ko ang pag'init ng mga pisngi ko. Narinig ko pa yong mahina niyang pagtawa.

"malapit na bhaby" sabi nya. lumingon ako sa kanya at ngumiti nalang ng bahagya.

Humarap sya ulit sa niluluto nya. hinalo-halo yon tapos may nilalagay sya na hindi ko na nakita.

Likod lang nya kasi ang nakikita ko.

Habang nakatitig sa kanya. Nagsimula na akong mag isip kong paano ko ba sasabihin na aamponin na ako ni kuya Daniel at sa kanya na ako titira.

kinakabahan ako!

Napaisip naman ako kung bakit ako kinakabahan. Hays. Napa'iling ako.

Ngayon nagsisisi ako dahil padalos dalos ang sagot ko.

"Kain na bhaby"

Hindi ko namalayang tapos na pala syang nagluto. Nilapag nya sa harap ko yong niluto nya. Ang bango naman, adobo.

Pinagsandok nya ako ng kanin at ulam. Tahimik lang kaming kumakain. Inienjoy ko ang pagkain. At infairness. Masarap ang luto nya.

Pagkatapos kumain pinagtabi ko ang kutsara at tinidor. Tapos pinanuod ko syang kumain.

"Cyfer may sasabihin pala ako" nag angat sya ng tingin sa akin.

"kukunin daw ako ni kuya Daniel sa kanya na daw ako titira" medyo kabado kong sabi.

Naiwan naman sa ere yong kutsara na dapat isusubo nya.

Kumunot ang nuo nya. Binaba nya yong kutsara saka uminom ng tubig.

Tumitig ito sa akin dahilan para lalo akong kabahan. Napa inom ako ng tubig.

"Bakit daw?  Kaano ano mo ba sya?" may binubulong pa sya pero hindi ko naman marinig.

"Nagmamalasakit lang siguro, kasi diba ulila na ako" malumanay kung sabi.

"Sasama ka naman?" sarkastimo nyang sabi. "Wag ka ngang sasama sa hindi mo kilalang tao" sabi pa nito.

"Mabait naman sya saka magaan din ang loob ko sa kanya, pero hindi naman na ako sasama na" huminga sya ng malalim.

"Buti naman kung ganun" sabi nito sabay subo ulit ng kinakain.

"Pero kasi nag oo na ako sa kanya, saka ngayon na yon, sure na hinihintay na nya ako sa bahay" tumigil sya ulit sa pagsubo.

"Di hayaan mo sya maghintay doon" seryoso nyang sabi. Napairap naman ako.

"Uuwi ako saglit para magpaalam sa kanya—"

"Subokan mo lulumpohin kita araw araw"  maloko nyang sabi. tapos kumindat.

"Parang tanga eh" kunyaring naiinis ako pero medyo kinilig ako. hehe. Maharot!

"Pero seryoso kasi sasabihin ko lang na hindi na ako sasama, kung gusto mo sumama ka. Samahan moko?" tumitig sya sakin. Pero sa hindi inaasahan kinabahan ako. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Weird.

Ngumisi sya. "Sige ba, para mapatay ko na sya" takte.

"H-huh? Wag ka ngang magbiro ng ganyan. Sira ulo to" pero hindi nya ako pinasin. kumain ulit sya.

Napaka weird talaga. Kinakabahan ako.

Dumidilim na ng lumabas kami. Ala sais pasado na rin pala. Naghihiintay kami ng sasakyan. Simula kanina hindi na maalis sakin ang kaba. Tinignan ko si Cyfer tahimik lang ito at napaka seryoso ng kanyang mukha.

Ng may dumaang sasakyan papunta sa amin ay pinara ko ito saka ko sinenyasan si Cyfer na sumakay.

Pagkarating sa bahay tahimik naming nadatnan yon. Bukas ang mga ilaw. Medyo bukas din ang pinto. Lalo akong kinabahan.

Bago pumasok nilingon ko muna yong kasama kong lalake. Seryoso din pala syang naka'titig sa akin. Ngumiti ako sa kanya, hinawakan ko sya sa kamay saka ko sya hinila papasok.

Naabotan naming naka upong mag-isa si kuya Daniel sa sala. Seryoso din itong nakatitig sa kawalan habang naka de kwatro. Nag angat sya ng tingin samin. Kay Cyfer lang pala.

Seryoso nya itong tinitigan. Tapos nginisian nya ito. Napataas ang kilay ko. Nilingon ko naman si Cyfer seryoso din itong nakatingin kay kuya Daniel. Walang emosyon. Gaya ng ginawa ni kuya Daniel, ngumisi rin ito sa naka upo.

Something weird. Parang lumiit ang espasyo sa aming tatlo.

Magka kilala ba sila?

Walang gumagalaw sa kanila. Animoy para silang nasa paligsahan ng titigan.  Ang unang bibitaw ay talo.

Umalingaw ngaw ang katahimikan.

Kahit ako ay hindi rin maka kilos. Tela napako ako sa aking kinakatayoan.

Tumikhim ako para maalis ang tensyon. Magsasalita na sana ako ng unahan ako ni kuya Daniel.

"May kasama ka pala Christian" medyo maangas na sabi nito. "Hmm tao ba to?" biro pa nitong sabi.

Mahinang tumawa tong katabi ko. Tela ba sinasabyan nito ang pagiging sarkastimo ni kuya Daniel. Pero seryoso paring ito nakatingin sa kanya.

Feeling ko magkakilala sila.

"uhm kuya Daniel.." pagkuha ko sa atensyon nya. "hindi na pala ako sasama ok naman ako sa boarding saka kasama ko sya"

Tumayo bigla si kuya Daniel. Kumuyom ang mga kamay nya. Saka tinignan nya ako ng mariin.

"Hindi" matigas na sabi nito. Galit sya.

"At sino ka para pigilan sya?" sabat naman ni Cyfer. Poker face pa rin sya. Naka kuyom na rin pala ang kamay nya.

Umiling si kuya Daniel habang tumatawa. Yong tawa na hindi natutuwa. Tapos napahilamos ito sa mukha. Galit nyang tinignan si Cyfer. Nag iigting rin ang panga nya.

"Anong pakay mo sa anak ko huh?!"  galit nyang tanong kay Cyfer.

"Anong kaylangan mo kay Christian!!" sigaw nito.

Napasinghap ako. Napahawak ako sa bibig ng ma'realize ko ang sinabi nya.

The revelation hits me. Hindi ako makagalaw. Paulit ulit yon umikot sa pandinig ko.

Anak ko?

Anak nya ako?

Tama ba ang narinig ko.

Tela nawala ako sa sarili. Para akong lumulutang sa kawalan. Parang lumiit ang paghinga ko.

Nananaginip ba ako.

Baka naman namali lang ako ng rinig.

——-

TO BE CONTINUED...

THANKS for VOTING! ❤

btw, isang chapter nalang pala ending na ng book 1. Share ko lang hehe.

Hot and Sexy DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon