Part 11.3

2.1K 86 0
                                    

[continuation of flashback]

Cyfer's pov

Bago pa man makalapit si devies sa amin ay ginamit ko ang kakayahan kung mag evictus para mag laho sa harap nya. Napadpad kami sa hindi ko kilalang lugar. Maraming puno sa paligid hindi ko rin masabi kung gubat nga ba ito dahil muka namang hindi dahil may kalsada sa hindi kalayoan.

"ayos ka lang nasaktan kaba?" agad kong tanong kay Ashley, pero hindi nya ako pinansin abala sya sa pag pipindot sa kanyang cellphone. Lumapit na ako sa kanya para sipatin kung may sugat ba sya pero tinulak lang nya ako.

"totoo ba!?" madiin nyang tanong sakin. Alam ko kung para saan ang tanong nyang yon. Hindi ako maka sagot o mas tamang hindi ko kayang umamin sa ngayon. Umiwas ako ng tingin sa kanya.

"Ano?.. Sagotin mo ako?!"  mangiyak ngiyak nyang tanong. Hindi pa rin ako nag sasalita naka titig lang ako sa kanya. kung mahal mo ang isang tao wala kang ililihim at kung mahal ka nya tatanggapin ka nya kahit ano pa pagkatao mo. Pero paano pag hindi?. Kaya hindi ko pa kayang umamin sa ngayon.

"Ano!! Sumagot ka?!!" halos mapaos na sya sa pag sigaw nya sakin. Ngunit hindi ko pa rin sya sinagot. Hindi ko na kayang salubongin ang titig nya yumuko ako para iwasan ang titig nya alam kong nasasaktan na sya. Sorry Ashley.. Sorry mahal ko.

Nagulat ako ng bigla nya akong hampasin sa dibdib. Umiiyak parin sya. Shit hindi ko na kayang nagkaka ganito sya, nahihirapan akong makita syang nahihirapan dahil sakin. "patawad kong nagsinungaling ako.." hindi ko na natapos ang sasabihin dahil sa paghampas nya saking pisngi. Napahawak ako sa panga ko dahil sa sakit. Dahil sa sinabi ko napahagulgol na sya. Kinuha ko ang pagkakataon na yon para yakapin sya.

"Patawad mahal ko hindi ko.... " hindi ko natapos ang linya ko dahil

"Lapastangan ka Cyfer!!" malalim at nanggigigil na saad ni ama. Nakakatakot man pero nilabanan ko ang tingin nya. Kasama nya si devies na naka ngiting demonyo sa likod naman ang ilang kawal.

"Anong ginagawa nyo dito ama?" tanong ko sa kanya.

"Nandito ako para kumpirmahin kung totoo ang sinabi ni Devies! at totoo nga" galit na sabi ni ama. Tumingin ako sa naka ngiting devies sinamaan ko sya ng tingin pero kindat lang ginanti nya.

"Ano naman ama kung tao ang aking mahalin. Mahal ko sya ama magkaka anak na kami" sabi ko sabay hawak sa tiyan ni Ashley. Si Ashley naman ay tahimik lang. Hindi mapinta ang mukha sa takot.

"Kalapastanganan ito Cyfer!! Huwag mong suwayin ang batas natin!" si ama

"Pero ama mahal ko sya.."

"paslangin ang babae pati ang nasa sinapuponan!" utos ni ama sa mga kawal.  Bago pa man makalapit ang mga kawal ay tinago ko na si Ashley sa likoran ko. Tinaas ko ang aking kanang kamay kasabay non ang pagliwanag ng palad ko na kasabay sa pagliwanag ng palad ko ay ang paglabas ng naglalagabgab na apoy kong espada.

"Ama huwag mong pilitin na lumaban ako sa inyo!" banta ko kay ama. Masama ang tingin nya kay Ashley. Tumingin muna ang mga kawal sa aking ama at tumango naman ang ama ko. pahintulot na labanan ako.

Pwes wala akong magagawa kundi labanan sila. Para sa mag ina ko.

Sumugod ang limang kawal. Agad ko naman silang napatumba. Taas noo akong tumingin sa kinaruruonan nila ama at kay devies.  Sumulong paharap naman ang apat pang kawal. Nag tinginan si ama at si devies. Tumango si ama sa aking kapatid.

Don ko nakuha ang ibig sabihin ng tinginan nila. Nasa gitna si devies ngayon samantalang nasa magkabilaan nya ang dalawang pang kawal.

"Cyfer" bulong sakin ni Ashley dahil pinalibotan nila kami. Hinawakan ko ang kamay ni Ashley.

"huwag kang magkakamali" banta ko kay devies.

Sabay sabay silang sumugod. Hindi pa man ako nakaka palag isang sipa ang dumapo sa mukha ko at tumilapon sa di kalayoan. Babangon na sana ako pero agad akong nilapitan ng apat na kawal. Si devies naman ay nasa likoran ni Ashley at nakaka tutok sa leeg nya ang espada ni devies. Shit!!

"cyfer" takot na bigkas ni Ashley. Nakitingin sakin na humihingi ng tulong. Hindi na ako natutuwa. Sagad na sagad na ang pasensya ko. Ayaw ko sana tong gawin pero sa kaligtasan ng mag ina ko ay dapat na. Muli kong tinignan si devies na naka ngisi. puta nakaka asar na ang pag mumukha ng demonyong ito.

Inupon ko ang lakas ko at wala pang ilang minuto lumabas na ang tunay na ako. Demonyong hindi mo papangaraping makita. Hindi mo nararapat kalabanin. Naramdaman ko ang pag siklab ng apoy sa sungay ko. Mahabang buntot na may talim sa dulo. Gulat ang nakita ko kay Ashley. Pero sinantabi ko muna ang reaction nya. Kaligtasan muna nya ang iisipin ko bago ang takot nya sakin.

"Cyfer!!" suway sakin ni ama. Pero hindi ko ito pinansin. Kayo ang nagsimula puwes ako ang tatapos.

Ngunit hindi pa man ako nakakatayo isang palaso ng pana ang tumama sa bandang likorang balikat ni devies. Nagulat ang lahat maging ako at si ama. Tuloyang nanghina si devies. Pero papaano nangyari  samantalang palaso ito ng isang anghel na may nakaka lason. Na'alarma ang lahat sa nangyari.

Nagulat ang lahat ng biglang lumabas si Daniel. Kasabay nya ang mga demos hunter kasama ang mga kunseho ng hunters at si marites na kapaitid ni Ashley.

"Ashley!!  Jusko paki usap tulongan nyo ang kapatid ko!" paki usap ng kapatid ni Ashley.

Don na simula ang kagulohan. Kanya kanyang laban mula sa mga demons hunter at mga kawal ng impyerno. Lalapit na sana ako kay Ashley ng humarang si Daniel sa harap ko.

Si Daniel na kapatid ni Nathaniel na minsan ko ng nakaharap ko na noon at napatay ko na kaya malaki ang galit sakin ni Daniel dahil nawala ang kapatid nya at ang pinuno ng sundalo nila.

"saan ka pupunta demonyo?!" angas nya sakin. Ngumisi naman ako sa kanya.

"Huwag ka ng humarang sa dadaanan ko mahinang anghel!" saad ko sa kanya. Nginitian nya ako ng pilit. "Huwag mong sabihing gusto mo ng sumunod sa kapatid mong si Nathaniel?" pang aasar ko pa dito. Nagtiim ang panga nya at sya na ang lumapit sakin para itama ang hawak nyang espada.

Hindi ko maikukubli na mabilis sya gumalaw at mahusay sa pakikipag laban pero wala lang ito sakin. Sa bandang huli nakulong ko sya sa mga braso ko at handa na sana syang pugutan ng ulo.

Pero nabitawan ko sya ng maramdaman kong nanghihina ako. Pano nangyari ito? Tanong ko sa sarili. Mahapdi ang likorang bahagi ng kaliwang balikat ko.

At don ko napagtanto na may nakatarak na palaso saking balikat. Nilingon ko kung sino ang may gawa at ang walang hiya naka ngiting kunseho ang nakita ko. Tuloyan na akong nanghina at bumagsak sa lupa.


Hindi maaari ito.

--------

TO BE CONTINUED...

Hot and Sexy DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon