Part 10 old stories

3K 108 4
                                    

Cyfer's pov

*flashback*

Sa inferno...

Panay buntong hininga nalang ako dito sa kinaka upoan ko. Nakaka inip mag hintay. Ewan ko ba sa demonyo kong ama to kung bakit pa kailangan nyang gawin to.

Isa pa naiirita na ako sa mukha ng kaharap ko. Mahinang nilalang naman. Panay ang ngisi sakin. Kung hindi ko lang talaga sya kapatid wala ng ulo to.

Pinag tuonan ko nalang ng pansin yong mga pagkain sa mesa napaka rami nito nilalangaw narin---oo may langaw rin dito at may Sungay din. Kung hindi ka naniniwala tanungin mo si author galing na sya dito.

                (A/N; ulowl!!)

"Haring panginoon" tawag nya sa ama ko. Isa sa mga kawal namin. "narito na po ang panauhin".

"Papasukin mo!" ama ko. Ilang sandali ay pumasok na nga ang bisita. Isang babae??

Babae nanaman... Tss!!

Matangkad, may dalawang maliit na sungay kulay asul ang kanyang kutis. mahaba ang buhok at ang buhok lang nya ang tanging bumabalot sa kanyang malalaking dibdib. At kulay puting maiksi na manipis naman ang bumabalot sa kanyang ibabang  parte ng katawan. Kakaiba sya sa lahat ng pinakilala na sakin ng ama ko.

Marami ng pinakilala sakin ang aking ama at maraming beses ko narin sila tinalikuran dahil kapangyarihan lang naman ang habol nila.

"a-ama.." inis na tawag ko sa aking ama. "hindi bat ang sabi ko sa inyo na ako nalang ang pipili ng mapapangasawa ko" inis na sabi ko at Tumayo saking kina uupoan at handa sanang umalis.

"wala ka nang magagawa pa" ama.

"sa ayaw at sa gusto mo kailangan nyo ng makapag isang dibdib sa lalong madaling panahon!" dagdag pa nya.

"ayaw ko ama!" matapang na sabi ko.

"huwag kang suwail Cyfer" galit na sigaw nya sakin. "kailangan mong magka anak bago ko ipasa sayo ang trono!" sabi nya. Nalito naman ako kung bakit sya nagmamadali gawin yon. Gayum pa man hindi naka ligtas ang galit at inis ng kapatid ko sakin. sa tingin palang nya sakin siguradong aangal nanaman sya.

"ama!" si davies.  "bakit sa kanya ipapasa ang trono?" galit na tanong nya sa aming ama.  "ako ang mas panaganay saming dalawa dapat ako ang mag mana sa trono ama!".

Sabi na ehh...

"huwag kang maki alam" sabi nya sabay duro kay davies. "hindi ka kasali dito!  Lumayas ka sa harapan ko!" dagdag pa ni ama. "alis.. " sigaw ulit nito kay davies.

Bago pa man sya umalis ay tumitig muna sya sakin ng masama. Hindi naman ako nag patinag sa kanya at tinignan ko rin sya ng masama. Nang hindi nya  na nakayanan tuloyan na syang umalis.

Nagpa tuloy ang pag tatalo namin ni ama. Naka upo at nakikinig lang ang babae samin. Ngunit ang walang hiya hindi man lang makaramdam.

"ayaw ko.... ayaw ko sa kanya!" sabi ko at tinuro kopa ang babaeng demonyo na naka upo at kumakain ng ubas. Aalis na sana ako biglang humarang ang mga tapat na kawal ni ama sa dadaanan ko.

"Kala nyo naman kung kaya nyo akong pigilan"  bulong ko at tinignan sila ng masama. Sa huli sa isang kurap nila naglaho ako na parang bula at tanging itim na usok nalang ang naiwan sa harap nila.

Pinag sisipa ko ang mga bato papunta sa ilog na umaapoy. Sa bato ko nalang binunton ang galit ko.

Narito ako ngayon sa tabi ng umaapoy na ilog. Dito ako nag papalipas ng oras o kaya nag tatago kapag may tinatakasan.

Dito ko rin binuboksan ang lagusan papunta sa mundo ng  mga tao.

Sa ibabaw ng lupa..

Matagal tagal na rin akong hindi naka punta sa ibabaw na lupa.

Tumingin tingin muna ako sa paligid at pinaki-ramdaman kung may ibang pang nilalang na nandito bago ko buksan ang lagusan. Mahirap na baka may maka kita sakin at isumbong ako sa amang haring demonyo.

Nang maka siguro ako na wala ngang ibang naririto ay agad kong binuksan ang lagusan. At bago dumaan luminga linga muna ako sa paligid para sigurado.

------

*Sa mundo ng mga tao*

Tahimik ang lugar na ito. Malayo sa isa't isa ang mga bahay. Madilim na rin. Tahimik ang paligid dahil siguro gabi na tanging liwanag nalang ng buwan ang nag bibigay liwanag sa paligid. Mga tahol nalang ng aso ang naririnig ko mula sa malayo.

Inakyat ko ang punong nasa harapan ko. dito ang tamabayan ko kapag lumalabas ako ng inpyerno. Matuyog itong puno, matibay ang mga sanga at sumasayaw ang mga maberdeng dahon dahil sa ihip ng hangin.

Medyo malapit na sa tuktok ang inupoan kong sanga para walang makakita sakin. Nangunot ang nuo ko ng mapansin kong nag iba ng posisyon ng sanga. Sumandal nalang ako sa katawan ng puno at ninamnam ang hampas ng hangin na tumatama sa'king balat ang sarap sa pakiramdam. Marahan kong pinikit ang aking mga mata.

Nakaka relax ang hangin na tumatama sakin katawan. Pero biglang,

"T-tulong..."

Napa mulat ako ng mata dahil sa...

Dahil sa boses ng babaeng sumigaw. Lumingon ako sa baba pero wala namang tao.  Marahan ko ulit pinikit ang aking mata.

"T-tulong... Tulongan nyoko.." umiiyak at takot na sigaw ng kung sinong babae. Hindi ko nalang pinansin.

"T-tulong!!". Malakas na sigaw ulit nya. Minulat ko ang aking mata dahil malapit lapit lang sa pwesto ko sa di kalayuan ang sumisigaw.

Hindi nga ako nagkamali dahil isang babaeng umiiyak at tumatakbo papunta dito sa puno kung nasaan ako at hinahabol sya ng tatlong lalaki.

Nakikita ko sa mukha nya ang sobrang takot. Pero hindi masyado malinaw sakin ang itsura nya dahil sa mga dahon na nakaharang.

Maya maya pa ay nakita ko na ang buong itsura nya Napaka ganda nyang nilalang. Matangos ang ilong, mapula ang labi. mga mata nyang maganda pero lumuluha dahil sa takot. natitig lang ako sa kanya.

Pero sa di ko inaasahan parang nag slow motion ang pag takbo nya sa paningin ko. Bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko pa nararanasan ang ganito. Sya lang... Tanging sya lang ang nag patibok ng puso ko.

"t-tulong.. T-tulongan n-nyo ako!" . Malakas na sigaw ulit nya at patuloy parin sa pag iyak dahil sa takot.

Sumilay ang ngiti saking kabi at nasabi ko sarili ko na... sya na!  ANG BABAENG GUSTO KO! Ang gusto KONG MAKASAMA HABANG BUHAY!!!


*TO BE CONTINUED*

-------

A/N: oh alam na?!  wag masyado sa puno maliban sa kapre may demonyo rin sa mga puno!!  Hahaha.... 😆😆😆


THANKS FOR READING ❤❤❤

AND THANK YOU FOR VOTING!!  😉😘

Hot and Sexy DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon