Part 11.2 old house

2.3K 90 2
                                    

[continuation of flashback]

Cyfer's pov

                   Heart beats fast color's
                  and promises
                  How to be brave how can i love
                  When i'm afraid to fall

Nagising ako sa mahimbing na pag tulog dahil sa may naring akong tela mala anghel na boses. Minulat ko aking mga mata at nakita ko nga si Ashley sa kabilang sofa naka upo at hawak ang kanyang cellphone at sinasabayan ang kantang tumutugtog doon.

                     But watching you stand alone
                     All of my doubt, suddenly goes
                    somehow

Napako ang mata ko sa pag titig sa kanya habang sya ay kumakanta. Ang sarap pakinggan ang kanyang mga tinig.

Pinagmasdan ko ang  bawat parte ng muka nya. Napako ang mga mata ko sa kanyang mga labi at sinusondan ko bawat galaw nito. Napa ngiti ako ng naalala ko ulit nung una ko syang nahalikan. Napa lunok ako ng matakam ako sa mga labi nyang mapula.

Habang naka titig sa kanya nasabi ko sa sarili ko na parang hindi ko na talaga kaya  na mawala pa sya sa akin. Simula nung may mangyari sa amin ay lalo akong napa mahal sa kanya. Sya na ang buhay ko ngayon ikamamatay ko kung mawala sya sa akin. Handa akong iwan lahat handa akong labanan sino man ang humadlang sa amin kahit si Devies pa o si Ama.

                 One step closer...

                 I have died everyday waiting
                 For you

Naka ngiti lang ako habang pina panuod sya. Bigla syang tumingin sa akin naramdaman nya atang may naka tingin sa kanya kaya ito napalingon sa akin. ngumiti rin sya ng  makita akong naka ngiti sa kanya. Bigla namang lumakas ang tibok ng puso ko. para akong natutunaw sa paraan ng pag ngiti nya sa kain.

"sorry na istorbo ko ba ang tulog mo? " tanong nya sa akin. Umiling ako at ngumti ng todo. "hindi.. sige lang tuloy mo lang nakikinig ako" sabi ko at sabay kindat. Tumabi ako sa kanya at sumandal sa sofa at tinuloy na nya ang pag'kanta.

                Darling don't be afraid, i have
                loved you for thousand years
                I'll love you for thousand more

Pagkasabi nya ng huling linya ay tumingin sya sa akin. Sumandal sya sa balikat ko nabigla ako sa ginawa nya pero gayon paman ay inayos ko ang kamay ko para mayakap sya at marahan kong sinusoklay 
ang mahaba nyang buhok gamit ang kamay ko.

"A thousand years". bulong nyang sabi pero narinig ko parin.

"A thousand years paborito ko ang kantang ito." dugtong nya at pinatugtog ulit nya ang kantang yon.

"Gusto ko pag kinasal ako yan ang maririnig kong tutugtog habang dahan dahang akong naglalakad papunta sa altar kung nasaan naka ngiti at masayang naka tayong nag hihintay sa akin ang lalaking mamahalin ko, habang nag papalitan kami ng i do sa harap ng altar at sa harap ng diyos." Napa ngiwi naman ako sa sinabi nya. parang nasusunog ang tenga ko sa narinig ko.

"a-ahh uhm sa-saan ba yan?" nabubulol kong tanong sa kanya. Shit tinanong ko pa talaga.

Tumingin sya sa akin. "sa our lady of manaoag" naka ngiting sabi nya. shit yong tenga ko umuusok. Ayaw na ayaw kong naririnig ang pangalang diyos kumukulo ang dugo ko tuwing naririnig yon. sinumpa nya kami at ang buong lahi namin.

Hot and Sexy DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon