Part 62 | s-2

554 36 6
                                    

Cyfer's pov

Napangisi ako ng makita ko ang takot sa mukha ng mga anghel at mga archangel. Dapat lang sila matakot.

Pero maliban kay Gabriel. Kalmado at seryooso lang itong nakatingin sa akin. Tela balewala lang sa kanya ang presensya ko.

Ang mga archangel na nasa likoran nya ay nakahanda ng sumugod. Mahigpit ang pagkakahawak nila sa kanilang mga espada. Samantalang sya ay hindi makikitaan ng takot sa kung ano man ang gagawin ko. Ang mga kamay nito ay nasa likoran nya lamang.

"Pinapayohan kitang kumalma. Mag-ingat ka sa iyong mga sinasabi at gagawing hakbang.." kalmado nitong saad. "Wag kang mag-alala ipapahanap ko si Christian"

Kanina ko pa hindi maramdaman ang presensya nya. Simula pa ng makatapak ako rito.

Talaga bang nawawala sya o baka naman tinatago lamang nila.

Sa pagiging kalmado nya hindi ako naniniwalang nawawala si Christian. Nakakatiyak akong tinatago lamang nila ang mahal ko. Napakuyom ako ng kamay.

Umiling ako. "Hindi ako tanga.." mariin kong sabi. "Kung inaakala mong mauuto mo ako nagkakamali ka!" pinanlisikan ko sya ng mata.

"Ilabas mo si Christian ngayon din.. Sinasabi ko sayo gagawin kong imperyo ang lugar na'to" sa kabila ng pagbabanta ko kalmado pa rin sya, nagawa pa nyang umiling. Habang ang mga archangel ay nanlilisik na ang mga mata nila sa akin.

"Kaawaan ka ng dyos.." mahina nitong sabi at bumuntong hininga. "Matuto kang makiusap ng maayos, walang magagawa yang galit mo sa paghahanap sa kanya." suminghal ako at nginisihan sya.

"Hinding-hindi ako makiki-usap sayo hangal o kahit kanino man.." sabi ko habang tinitignan silang lahat. Mga hangal.

"Hoy! demonyo magdahan-dahan ka sa pananalita mo sa aming pinunong Archangel!" galit na sabi ng isa. Sya ang inutosan na magsundo kay Christian kanina.

"Kung may hangal dito ikaw yon!. Marahil tumukas na si Christian para magtago dahil ayaw ka nyang makita kasi kasukalm-suklam ka!"

Nagpintig ang mga tenga ko sa sinabi nya.

Mabilis akong naglaho sa kinatatayoan ko. At lumitaw sa harapan nya. Sinakal ko sya ng mahigpit at buong lakas ko syang binato sa pader. Nagkaroon ng biyak ang pader ng tumama ang likod nya roon.

"ack!" daing nito pagkabagsak nya sa sahig. Narinig ko rin ang hiyawan ng mga sundalo ko at sumugod na rin sa iba pang archangel.

Mabilis akong tumungo sa kanya. Muli ko syang sinakal pataas at dinikit sa pader kung saan ko sya hinambalos. Nginisian ko sya habang nakatingila sa kanya. Pilit nyang kinakalas ang pagkakasakal ko sa leeg nya.

"Anong sinabi mong inutil ka? Nasaan si christian ikaw ba ang nagtago sa kanya ha? Nasaan sya ilabas mo! Kung ayaw mong patayin kita!" lalo ko pang hinigpitan ang pagkakasakal ko sa kanya. Namumutla na ang mukha nya.

"Bitawan mo sya!" sabi ng isang archangel habang pasugod sa akin.

Bago pa man sya makalapit binato ko na sa kanya ang sakal-sakal kong archangel. Hindi sya naka iwas. Natumba sya habang nakadagan sa kanya ang archangel na binato ko.

Pinanlisikan ko sila ng mata. Tumalon ko papunta sa kanila. Hinanda ko rin ang espada ko para itarak sa kanila. Iwawasiwas ko na sana sa kanila ang espada ko pero lumitaw sa harap nila si Gabriel. Sinilag nya ang espada ko na nakaamba ng itarak.

Hugis krus ang espada nito at nagliliwanag na puti. Seryoso at kalmado pa rin ang ekspresyon sa mukha nito. Nginisahan ko lamang sya. Binawi ko ang espada ko at winasiwas sa kanya ngunit nasalag nya ito.

Hot and Sexy DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon