Part 58 | s-2

407 31 1
                                    

SPG! hahaha...


Cyfer's pov

"Nasaan na ang itim na diyamante. Ibigay mo na sakin ngayon" mariin kong utos. Habang nakalahad ang kamay ko sa kanya.

Kakatapos lang namin sa naganap na kasundoan. Kung saan pinaghalo namin ang aming mga dugo at ininom ko iyon. Upang patunayan na ang kasundoan namin ay kailangan kong tuparin.

Masasabi kong naging matalino ang kinikilos nya. At napaghandaan ng lubos ang mga bagay nato.

Kanina ko pa sya inu-obserbahan. At alam kong may binabalak sya. Siguradong plano nila itong mag-ama. At kung inaakala nilang mapapaikot nila ako sa mga kamay nila ay nagkakamali sila. Kung tuso sila pwes mas tuso ako sa kanila.

Ang kailangan ko lang gawin ngayon ay sakyan ang mga gusto nya. Gagawa nalang ako ng paraan para mapawalang bisa ang naging kasundoan namin. Sa oras na magawa ko ang pakay ko sa itim na diyamante. Pagkatapos non sisiguradohin kong buburahin ko silang mag ama sa inferno.

Wala na rin akong ibang pagpipilian pa. Dahil mahirap makahanap ng itim na diyamante. Dahil ngayon ko lang napagtantong tanging sa Dyosa lamang ng mga brilyante makakakuha ng itim na diyamante.

At kung susubokan ko mang kumuha sa dyosa na yon ay siguradong hindi ako nito pagbibinyan. Dahil ang itim na diyamante ay gumagana lang sa kagaya kong hindi makakatapak sa langit. Ito rin ay makapangyarihang diyamante na iniingatan ng Dyosa. Iniiwasan nilang hindi mapasakamay sa mga kagaya naming nasa inferno ang diyamanteng yon.

Hindi ko rin lubos maisip kung paano nagkaroon nito si Myris. Mamaya ko nalang sya uusisain.

"Masyado ka namang atat Cyfer hmm.." nagsalin sya ng alak sa baso at inisahang nyang ininom yon.

"Alam mo matagal-tagal na rin yong panahong may nangyari sa atin. Simula nung araw na may nangyari sa atin pinangako ko sa sarili ko na tanging sayo ko lang ibibigay ang buong katawan ko.." sabi nito at inubos nya ang alak sa baso bago ito ibaba.

Tumungo sya sa kama at humiga doon. Pinaikot-ikot nya sa kanyang daliri ang mahaba nyang buhok, at habang ginawa nya yon ay naka ngiti ito sa akin.

Pero hindi ako nagpakita ng kahit na anong emosyon sa kanya. Gusto ko ng matapos ito. Kung ayaw ko lang dagdagan ang problemang kakaharapin ko ay kanina ko pa sya pinatay at kinuha ang itim na diyamante. Pero dahil ayaw ko nang magsayang ng oras at panahon ay hindi ko gagawin yon.

Dahil sabik na sabik na akong makasamang muli si christian.

Hindi rin lingid sa aking kaalaman na matagal na siyang may gusto sa akin. Kaya ganon nalang ang pagsang-ayon nya sa kanyang ama na ikasal kami.

"Tungkol sa una na gustong kong kapalit, gawin na natin dito hindi ko pa nararanasan na magtalik sa ganitong lugar. hmm" sabi nya. At sinenyasan nya akong lumapit sa kama.

Malalim akong napahinga. Mariin akong pumikit para kalmahin ang sarili. Minulat ko ang aking mga mata bago nagsalita ng malamig para ipakita kong hindi ako natutuwa sa gusto nyang mangyari kwartong ito.

"Kung gusto mong may mangyari pagbibigyan kita pero hindi sa kwartong ito Myris" malamig kong saad. Dahil tanging si christian at ako lang ang pwedeng magtalik sa kwartong ito. Wala ng iba. Kami lang.

"ops.. Ipapaalala ko lang Cyfer na alipin kita pagdating sa kama. hmm" naka ngisi nitong sabi. Napakuyom ang mga kamay ko.

"Hindi ko nakakalimotan Myris pero wag dito. Kahit ngayon lang pagbigyan mo ako." at sisiguradohin ko ring babaliktad ang mundo. Sisiguradihin kong sya ang magiging alipin ko sa kama mamaya.

Hot and Sexy DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon