01: Four Of The Boys

1.5K 32 3
                                    

Henry's POV

The year is 2018.

I am Henry Hong. Just a normal 17 years old boy and a Grade 10 student at Banyaga National High School.

Gwapo naman ako. Hawig ko naman si Hu Yitian. Pero malas ako sa lovelife. Bakit kaya ganon?

Pero kahit malas sa lovelife, andito naman yung mga kaibigan ko na nagpapasaya sa akin.

Si Ryan Ambrose, gwapo din, pero torpe. Si Ivan Montecarlos, medyo nakakainis kung mang-asar pero mabait naman. At si Tenonto Villamor. Ewan ko ba kung lalaki talaga 'to kasi allergic daw sa babae tapos crush naman si Hyeri.

"Hindi ko siya crush. Kung ano-ano pinagsasabi mo dyan sa POV mo eh." Sabi pa ni Tenon.

Kumakain kami sa cafeteria. Luchbreak kasi.

Nagku-kwentuhan kami doon habang kumakain.

"Oy, Hong. Naalala mo pa yung Ms. Intrams 2018?" Saad ni Ivan, na nilalapit ang mukha sa akin dahil parang napaka-importante ng pag-uusapan namin.

"Oo naman." Sagot ko sa kaniya. "Bakit?"

"Ang ganda at ang sexy niya! Nabalitaan ko nasa section daw ni Ma'am Anne 'yon. Pag ako pinansin non jojowain ko talaga 'yun!" masayang pagkakasabi niya.

"Huli ka na sa balita. May boypend na 'yon." Sabat ni Tenonto sa pag-uusap.

"Weh? Saan mo narinig?" nai-intrigang tanong naman ni Ivan sa kaniya.

"Alam kong may boyprend na siya. Kasi ako yung boyprend niya eh." Ani ni Tenon.

Nasimangot nalang ang mukha ni Ivan sa narinig. At biglang dinampot ang kwelyo ni Tenon at hinila ito.

"Mang-aagaw ka ha!" nagsisisigaw pa si Ivan at inaangat ang kamao niya para suntukin si Tenon.

Ewan ko ba, basta para silang mga timang.

Biglang nag-ring ang school bell at agad akong napatingin sa relo ko. 1:00 PM na pala. Kailangan na naming bumalik sa classroom.

"Oh sige. Mauna na'ko ha! Balita ko may iaannounce si ser mamaya. Dyan na kayo." Wika naman ni Tenon na nagmamadaling iligpit ang mga gamit para makaalis.

Umalis na siya matapos niyang ligpitin, at kaming tatlo nalang ni Ivan at Ryan ang naiwan.

Nagtinginan kaming tatlo.

"So ano? Tara na?" si Ryan.

Tumango ako, at sabay-sabay na kaming tumayo at lumakad palabas sa cafeteria para bumalik sa classroom.

"Ewan ko ba, basta nagagandahan ako sa Ms. Intrams 2018. Parang, gusto ko siya yakapin ng mahigpit." Sabi ni Ivan habang sabay kaming naglalakad papunta sa room.

"Ivan. Tapatin mo'ko. Crush mo ba yung Miss Intrams?" saad ni Ryan.

"Oo. Hihi" nahihiyang saad naman ni Ivan sa kaniya.

"Sandali lang." Sabi ko naman na dahilan ng paghinto naming maglakad.

"Kahapon si Mia yung gusto mo. Tapos nung nakaraang araw, yung maganda don sa kabilang section. Ngayon naman, yung Miss Intrams?"

"Ivan! Masyado kang ambisyoso! Wala ka namang chance sa mga 'yon! Tumigil ka na sa kaka-shabu ha!" sigaw ni Tenon, kaya naman lumingon ako kung saan nanggagaling yung boses niya.

Nakita namin siyang naglalakad na sumusunod kay sir.

Napatingin sa amin si sir. Kaya bumati na kami.

"Hi sir!" bati naming tatlo.

Ngumiti si sir, then nagpatuloy na sa paglakad kasama si Tenon.

"Siraulo 'yon." Mahinang saad ni Ivan na sinisiguradong kaming dalawa lang ni Ryan ang makakarinig.

"Totoo naman yung sinabi ni Tenon, Ivan. Wag ka kasing ambisyoso! Hahaha!" natatawang saad ni Ryan kay Ivan.

"Ikaw nga umaasa na magugustuhan ni Micaella. Hindi ba ambisyon din 'yon?" ganting buwelta ni Ivan sa kaniya.

"Alam niyo, mabuti pa't maglakad na tayo papunta sa room. Male-late na tayo eh." Sabi ko sa dalawa.

Dumaan sa harap namin ang isang babaeng medyo maganda at sexy yung katawan. Sinundan ng tingin ni Ivan yung babae. Maiksi yung palda kaya yumuko pa si Ivan para makita yung ilalim ng babae.

"Huy, Ivan! Kalokohan mo." Saway ko sa kaniya kasabay ng pagsapak ko sa ulo niya.

"Aray! Oo na." Sigaw pa niya.

Nasa room na kami. Nag-umpisa na ang afternoon class at si Gio ang naglead ng prayer.

Si Gio. His full name is Gio Villanueva. He is the Top 1 in the class. Siya ang pinakamatalino sa amin, at sumunod naman si Tenonto. Medyo hindi halata sa itsura ni Tenon na matalino siya kasi mga tarantado ang mga kaibigan niya.

At sa sobrang talino ni Gio, lahat ng mga babae ay nagpapa-tutor sa kaniya kasi may kagwapuhan din siya.

Mga babae nga naman.

Naglakad na si Gio papunta sa harap para umpisahan ang pagdadasal.

"Okay, let's bow our heads and close our eyes." Aniya. At nag-umpisa na sa pagdarasal.

2018: Wet DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon