20: It's Three Of Them Now

302 13 0
                                    

Tenonto's POV

"Henry Hong! Ryan Ambrose! Ivan Montecarlos!" mga salitang bumungad sa kanila galing kay sir Ronaldo nang bigla silang pumasok sa room.

Agad naman silang huminto sa pagkakatakbo at napatayo sa harap ng white board at di sila napagalaw.

'Yan, buti nalang hindi ako sumama sa kanila. Mga loko-loko sila eh. Lalo na yang Ryan.

"Kayong tatlo! Pwede niyo ba ipaliwanag sa akin kung saan kayo nanggaling!?" nakakanginig at nakakapanindig balahibong pagkasabi ni sir.

Nakatayo si sir sa tapat nila.

Nakakatakot si sir. Parang dramatic actor. Dramatic actor na nga, kamukha pa niya yung artistang si Ronaldo Valdez. Tapos kapangalan pa niya!

Galing ah.

Idol na kita, ser. Kuhang kuha mo talaga yung mga kilos at galawan ni Ronaldo Valdez.

Buti nalang talaga 'di ako sumama sa tatlong bugok na 'yan. Kung sumama pa'ko sa kanila, siguro lagot na din ako ngayon.

Teka sandali, parang, parang may na-realize ako.

Parang mas mabuti na yata na hindi ako sumasama sa kanila para hindi ako malalagay sa pahamak gaya ng nasa sitwasyon nila ngayon.

Mas mabuti na yatang umiwas na ako sa kanilang tatlo nang para sa ganon ay hindi ako madamay sa mga ka-walang hiyaan, kabwisitan, kalintikan at katarantaduhang ginagawa nila.

"Eh, sir, kasi po," sinusubukang ipaliwanag ni Hong yung mga ka-walang hiyaan, kabwisitan, kalintikan at katarantaduhang ginawa nila.

Ngunit biglang sumingit si sir at binigla ang pagkasabi, "Walang kasi po kasi po!"

"Eh, ser. Sabi niyo ipaliwanag namin?" rason naman ni Ivan.

Nagtawanan nalang ang buong klase tapos nagalit si sir. "Tumahimik kayo!" sigaw pa ni Ronaldo.

"At ikaw, sasagot ka pa!?" sermon naman ni sir kay Ivan. Sige ser singhalan mo yan tarantado yan eh.

"Alam kong nasa inyong tatlo lang ang nambastos sa student teacher ko." Dagdag pa ni sir. "Pasalamat kayo wala dito si ma'am. kung hini ay malilintikan kayo!"

"Sir! Sandali lang po!" tinig naman na napaka-ganda at nakakainlove na biglang narinig namin sa buong klase kaya napatingin kami sa may pinto kung saan nanggagaling yung tunog.

Si ma'am Aerish pala 'yon. Naks, walang pinagbago. Maganda pa rin. Kamukha talaga niya si Lia sa Itzy.

Naglakad si ma'am papasok sa loob ng classroom at lumapit kay sir. Nagtapatan ang kanilang mukha.

"Um, sir. You don't need to scold them anymore. They already apologized to me." Sabi ni ma'am kay sir, na hinahawakan pa ang kamay ni sir Ronaldo at mukhang pinagtatanggol pa ang tatlong tarantado.

"The boy who accidentally kissed me is among the three of them but let's keep it private nalang po." Sabi pa ni Ma'am.

"Ah, ganon ba." Si sir. "Kung ganon, maupo na kay, boys." Mahinahon na pagkasabi ni sir sa tatlo kaya naglakad na sila papunta sa kanilang mga upuan at isa-isang umupo.

Pasalamat nalang sila pinagtanggol sila ni Ma'am Aerish.

Pasalamat din ako na hindi ako sumama sa kanila dahil kung sumama pa'ko, isa ako sa mga napagalitan ni sir idol.

Buti nalang talaga. Mwehe.

2018: Wet DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon