10: Accidentally Hit

490 18 2
                                    

Tenonto's POV

Kumakain kaming apat na magkakaibigan sa canteen. Si Henry, parang may sama ng loob.

Nakapatong yung baba niya sa kamay niya na tinutukod yung siko sa mesa. Nakatakip pa ang bibig niya sa mga palad niya. Ano kayang nangyari sa Hong-hang na 'to.

Si Ivan at si Ryan naman, nagtatawanan.

"Alam mo ba nung malakas ang hangin kanina, bumukas yung palda ni Shane!" kwento pa ni Ivan.

"Oh, tapos? Anyare?" tanong naman ni Ryan.

"Nakita ko yung panty niya. Dora yung design! Whahahaha!" sumunod non ay nagtawanan na silang dalawa.

Mga siraulo 'tong mga abnormal na 'to.

Napapansin ko parang bangkay yung mukha ni Henry. Parang puyat nga talaga 'to kagabi.

Kumaway ako sa harap ng mukha niya. "Hoy, okey ka lang ba, Hong?"

Ngunit wala pa rin siyang sagot.

"Bingi ka ba? Tinatanong kita kung okey ka lang ba, Henry."

"I'm not okay." Sa wakas sumagot na din siya.

"Bakit naman?"

"Hindi ako nakapasa ng quiz kanina."

"Ay, yun lang naman pala."

"Kasalanan mo yun." Seryosong sabi niya sa akin.

Nagtaka naman ako kung bakit naging kasalanan ko.

"Bakit naman naging kasalanan ko? Ikaw yung 'di responsable sa mga kailangan mong gawin sa sarili mo tapos ipapasa mo sa'kin yung katangahan mo?"

"Hindi mo'ko binigyan ng papel kanina!" sigaw niya sabay hampas ng dalawang kamay niya sa mesa.

Natahimik bigla ang buong canteen at napatingin sa amin ang lahat, pati ang dalawang gunggong na si Ryan at Ivan natigil sa ginagawa.

"Oh, ba't ka galit?" tanong ko kay Hong.

"Alam mo ba na nakakahiya kay ma'am Aerish dun sa part na hindi ako nakapasa ng quiz!?" emosyonal na pagkasabi niya sa akin.

"Nahiya ka pa. Ang kapal kapal nga ng mukha mo eh."

"Tsk! Para namang hindi kita kaibigan."

"Jusko ang OA mo naman. Ako nga hindi nagpapasa ng quiz pag zero yung nakuha kong score."

Pero sandali, bakit naman nahihiya si Henry kay ma'am Aerish? Baka siguro maganda si ma'am kaya nahihiya si Henry Hong-hang.

Hay sa wakas nagkaroon na din ng hiya 'tong Honghang na 'to.

"I'm not like you." Sabi niya. With english accent pa.

"Wag ka nga mag-english naaalala ko yung bwisit na si Mia eh."

"Psh. Crush mo yata si Mia eh." Sabi pa niya sa akin na siguradong ide-deny ko kasi hindi naman totoo.

"Hindi ko crush yung letse na 'yon. Sampalin ko ng hollowblock mukha ng asong 'yun eh."

Napapansin ko, habang nag-uusap kami, patuloy pa ring nakatingin sa amin yung mga tao. Naiilang ako.

"Hoy. Ano kami? Tv? Ba't niyo kami pinapanood? Kumain na kayo dyan!" sigaw ko sa mga taong nanonood sa amin.

At nagpatuloy kami ni Hong sa pag-uusap.

"Hindi ko siya crush." Panapos na saad ko.

"Weh?"

2018: Wet DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon