35: Scene Like A Dream

171 12 3
                                    

Tenonto's POV

Naglalakad ako papunta sa highway para mag-abang ng tricycle pauwi sa'min, palubog na ang araw at unti-unti nang dumidilim ang paligid.

Hindi ko pa rin maalis-alis sa isip ko si Dinah. Habang nagle-leksyon si Miss Aerish kanina, ang tingin ko ay laging naroon kay Dinah.

Hindi naman siya ganoon kaganda kagaya ni Miss Aerish at Mica, pero hindi ko alam kung bakit ko siya gusto.

Siguro dahil sa ugali niya. Ewan.

Si Mica talaga sana yun, kaso gusto rin ni Ryan si Mica kaya nagparaya nalang ako.

Naiinis talaga ako pag pag-ibig ang pinag-uusapan eh, kaso hindi talaga maiiwasang magkagusto sa isang tao.

Isang malakas na busina ng tricycle ang narinig ko kasabay ng bigla niyang paghinto galing sa pagharurot niya ng takbo.

Napalingon ako sa kaniya matapos kong huminto sa paglalakad.

"Hoy, totoy! Tumingin ka sa dinadaanan mo! Punyeta!" sigaw ng tricycle driver na pangit ang mukha tapos nagpatuloy na sa pagmaneho paalis.

Hindi ko namalayan malapit na pala akong mamatay, yawa.

"Oh! Hindi pa rin kayo natututo!? Ilang beses ba naming sinabi sa inyo na magsuot kayo ng proper uniform?" pambubulyaw ni John sa mga estudyanteng nahuling nagva-violate sa proper school uniform.

Nakalinya sila sa harap namin. Ako, si John na SSG President at si Rusca Quesadaz.

Nasa gawain ulit kami, alas otso ng umaga at napakainit na. Puno ng pawis ang aking noo at panay bantay sa main gate kung sino ang mga pumapasok.

Hindi ko maiwasang maalisto pag may pumapasok sa gate, parang may inaantay akong kung ano na hindi ko matukoy.

Hanggang sa unti-unti ko nang nakikita ang liwanag, lumalapit siya sa akin ng unti-unti.

Tiningnan kong maigi ang liwanag pa pumasok galing sa gate at nakikita ko na si Dinah.

Ahh, yung noo niya pala yung nagpapaliwanag. Alisto agad ako't tinitigan ang buo niyang katawan mula paa hanggang ulo kung may violations ba, ngunit wala.

Dumaan lang siya sa harap ko dahil nakaharap ako sa kaniya at sina Rusca at John naman nakaharap sa likuran ko kasi nakaharap sila sa mga estudyanteng nahuli.

Kaya humarap na ulit ako sa mga estudyante.

Naramdaman kong mukhang wala na'kong hinahanap at binabantayang pumasok sa gate.

Ahh! Hahah! Si Dinah pala yung inaantay kong makita. Yawa.

"Tenonto, gawin mo na yung dapat mong gawin." Maawtoridad na wika ni John sa akin.

"Ah, oo." Tumingin ako kay Quesadaz at may inutos, "Rusca, ilista mo ang mga pangalan nila isa isa para maihatid ko sa principal's office."

"Opo Villamor." Ani niya, at pagkatapos ay nag-umpisang kunin ang mga pangalan nila.

Seryoso akong nakamasid sa ginagawa ni Quesadaz. Nakakaramdam ako ng pawis na lumalabas sa aking noo dahil sa init ng sinag ng araw, at napatingin ako doon.

Nakakasilaw tingnan. Nahihirapan akong tingnan ang araw kasi nga nakakasilaw, ngunit tinitingnan ko pa rin.

"Nakakasilaw talaga yan, Villamor. Nasan ba yung shades mo? Suotin mo kaya." Singit na pagkasabi ni Rusca sa akin habang naglilista siya, kaya napatingin ako sa kaniya.

"Oo nga noh? Tama ka naman." Saad ko, at kinuha yung panyo ko sa bulsa para punasan yung pawis ko.

Pinunasan ko ito at sumunod na kinuha ang shades na nasa bulsa ng polo ko at sinuot.

2018: Wet DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon