15: I Will Make A Bet

328 16 2
                                    

Henry's POV

"Tol, sa dinami-daming babae sa mundo, bakit si Micaella yung naging crush mo?" pabirong tanong ni Ivan kay Ryan.

Kumakain kaming apat sa cafeteria, dun pa rin sa table namin.

"Wala eh. Kyut siya eh tapos maganda. Anong magagawa ko dun eh siya na yung nagppatibok ng puso ko." Sagot naman ni Ryan.

"Oo nga eh. Grabe nga yung tingin mo kanina kay Micaella sa tyan niya nung nasa flexibility test tayo. Parang gusto mo siyang gahasain." Sabi ko naman.

"Hahaha! Tarantado talaga kayo!" napatawa nalang si Ivan sa kulit.

Hay nako. Sira talaga 'tong mga 'to. Kinain ko na yung pagkain ko.

Habang kumakain, napansin ko si Tenonto na parang matamlay. Hindi niya kinakain yung pagkain niya.

Kaya naman tumigil ako saglit sa pagkain at kinausap ko siya. "Oy, Tenon. Okay ka lang?"

Nakatingin lang siya sa plato niya at walang emosyon yung mukha.

"Huy, Tenonto. May problema ka ba?" dagdag ko pa.

"Wala." Sabi niya.

"Sigurado ka ba? Mukhang may problema ka eh. Hindi ka okay."

"Okey lang ako." Wika niya at tumatayo sa kinauupuan niya.

"Oh? saan ka pupunta? Hindi ka pa kumakain ah?"

"Ah, ipakain mo nalang yan kay Ivan. Paborito niya yang prayd chicken eh. Maiwan ko muna kayo." Saad pa niya at tuluyang naglakad paalis.

"Uy fried chicken! Salamat Tenon! Hehehe." Sabi naman ni Ivan at sabik na sabik kainin yung pagkain ni Tenon.

Hindi naman siya ganyan. Masiyahin naman si Tenonto ah?

Baka may problema talaga siya eh.

Tinuloy ko na lang yung pagkain ko para maubos na ito at para makabalik na kami sa classroom.

"Uy, nga pala. Parang mahal ko na yata si ma'am Aeish! Hehe." Sabi naman ni Ivan.

"Um, nagbibiro ka lang ba?" tanong ko naman.

"Hindi. Hahalikan ko yun mamaya! Tamo." Saad pa niya.

Nagbibiro nga. Loko-loko talaga 'tong si Ivan. Aagawin pa si ma'am Aerish sa'kin. Eh darling ko yun.

"Sigurado ka? Eh pa'no pag di mo siya hahalikan mamaya?" sabi ni Ryan.

"Kung hindi ko siya hahalikan mamaya, magpapabugbog ako sa inyo. Pero pag mahalikan ko siya mamaya, tig si-singkwenta ka'yo sa akin." Si Ivan.

"Ay, aba! Matindi ka rin." Sabi ko. "Oh sige. Sinabi mo yan ha."

"Ano? Pupusta ka ba?" nanghahamon na sabi ni Ivan. Gago talaga 'to.

"Sige!"

"Ikaw Ryan?"

"Pupusta ako." Sabi ni Ryan.

Napangiti naman si Ivan. Konting ngiti niya pa at magiging kamukha na niya si satanas.

Naglakad na kami papunta sa room namin. I'm not sure kung seryoso ba yung sinabi ni Ivan oh kaagaguhan lang.

We'll find out later.

Naglakad na kami sa stairs papunta sa second floor. Tapos papasok na sana kami sa classroom, ngunit napahinto kami banda sa may pinto.

Huminto kasi si Ivan.

"Oh? ba't nakatayo ka lang dyan?" tanong ko pa.

Kinakapkapan niya ang sarili niya.

Bigla nalang nag-ring ang school bell. Tas pagtingin ko sa relo ko, 1:00 PM na. Magsisimula na ang subject namin kay Ma'am Aerish at darating na siya maya-maya.

Pumasok na'ko sa loob, pero si Ivan at si Ryan ay nasa labas pa rin.

"Parang nawawala yata yung pitaka ko." Sabi pa ni Ivan.

"Hayy! Ano bang gusto mo? Babalikan natin yun doon? Eh magsisimula na yung klase." Pagpapaliwanag ni Ryan sa kaniya.

"Halika na!" naiinis na sabi ni Ryan habang hinihila si Ivan papunta sa loob ng classroom.

"Ilan ba ang laman nun?" tanong ko.

"Dalawang bente." Sabi niya.

"Hindi talaga ako mapakali. Kailangan kong balikan yun don." Wika pa ni Ivan at lumakad palabas sa classroom sa may pinto.

Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, bigla namang pumasok si ma'am Aerish kasabay ng paglabas ni Ivan sa pinto!

Nagkabanggaan ang mga labi nila at pasadya na lang na hinalikan ni Ivan si ma'am sa lips ng madiin.

Shock na shock ako sa nakita, ganon din si Ryan.

Napaatras nalang si ma'am Aerish at napaka-panget ng reaction ng kaniyang mukha. Nasimangot si ma'am.

Sino ba naman ang hindi sisimangot pag nahalikan ng isang loko-lokong lalaki?

Parang maiiyak yata si ma'am sa ginawa ni Ivan sa kaniya. Tumakbo si ma'am pababa sa stairs dahil siguro sa kahihiyan.

"Gago ang tindi mo Ivan!!" sigaw pa ni Ryan.

Proud naman ang gago sa nagawa niya.

Buti nalang at walang nakakita sa nangyari dahil busy yung mga classmates ko kaka-chismis.

"Hoy! Bakit ba nandyan pa kayo!?" sininghalan kami ni Dinah na nakaupo sa upuan niya. "Dadating na si ma'am mamaya! Maupo na nga kayo sa mga upuan niyo!"

"Manahimik ka, airport!" sigaw din ni Ivan sa kaniya.

Tumingin ako kay Ryan, at manghang-mangha pa rin siya sa nakita kanina. Di maka-move on.

"Yung singkwenta. Akin na." Sabi ni Ivan sa kaniya at kumuha ng pera si Ryan sa kaniyang bulsa at binigay ito kay loko-loko.

Naglakad na si Ryan papunta sa upuan niya pagkatapos niyang ibigay yung pera.

Inilapat naman ni Ivan yung palad niya sa harap ko at parang maniningil na.

"Tangina mo." Sabi ko kasabay ng pagbigay ng pera sa kaniya.

Ibinulsa niya na ito at masayang naglakad papunta sa upuan niya.

Gago talaga.

2018: Wet DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon