34: Let's Talk About Our Crush

134 11 16
                                    

Henry's POV

4:57 PM, alas kwatro ng hapon malapit mag alas singko, nag-uusap usap muna kaming apat ni Tenonto, Ryan at Ivan bago umuwi.

"Nakakahiya ka talaga kanina Hong!" dagdag pa ni Ryan. "Pero ang mas matindi pa don, nakatingin sa'yo si Miss Aerish! Hahahaha!"

Nagtatawanan na naman sila.

"Atleast pogi." Pasimple kong sagot.

"Pogi amp." Si Ivan.

"Nako talo tayo dyan." Sabi naman ni Tenonto.

"Psh! Haha! Wala pala kayo eh." Taas-noo kong pagkasabi sa kanila.

"Papangit ka rin pag tanda mo." Seryosong saad ni Tenonto na medyo may point.

"Pero atleast, kamukha ko si Hu Yitian."

"Oo na, wag kana magyabang!" sabay sabay nilang sinabi sa akin. Halatang nagseselos sila sa'kin. Hahaha!

"Kamukha mo nga, 'di naman kayo magka-height." Sabi ni Ivan.

"Paano mo naman nasabi? Ang tangkad ko kaya!"

"Oo nga, pero mas matangkad pa rin sya sa'yo. 5'8 ka lang, pero si Hu Yitian 6'2."

"Aba! Kung makapagsalita ka! Ikaw nga 5'3 lang! Mas matangkad pa nga ako kay Gio eh."

"Baket?" singit na tanong ni Tenonto. "Ilan ba height ni Gio?"

"5'7 lang 'yon."

"Paano mo nalaman? Sinukat mo ba!?" si Ivan.

"Oo kaya! Dun sa PE activity natin noon. Nalaman ko mga height niyo. Kaso nga lang absent si Tenonto non."

Naisipan kong tanungin si Tenon para malaman ko din yung height niya.

"Ah, nga pala, Tenonto. Ikaw ba? Ilan height mo?"

Nakayuko lang siya at nakatitig sa mesa, nakalagay ang mga kamay sa bulsa ng kaniyang pantalon.

Tinaas niya ang noo niya at tumingin sa akin.

Taena, nakaka-kaba naman 'tong si Tenonto.

"Mas mabuti nang hindi niyo malaman..." seryosong pagkakasabi niya na malamig ang tono ng pananalita.

"5'4 lang ang height niyan." Wika naman ni Ryan.

Tumingin si Tenonto kay Ryan, at nagsalita, "Inaano ka ba ng height ko?" si Tenon.

"Wala. Di nalang ako magsasalita." Sabi naman ni Ryan.

"5'1 kalang naman." Prangkang pagkasabi ni Tenonto sa harap namin at ni Ryan. Kaya nagtawanan kami.

"Hahahaha! Ikaw pala ang pinakamaliit dito eh!" pang-aasar naman ni Ivan.

"Oy, siya nga pala mga 'tol." Saad ni Ryan upang mapunta sa kaniya ang mga atensyon namin dahil parang may mahalaga siyang sasabihin.

"Baket?" sabi ni Tenon.

"Nakita niyo ba si Miss Aerish kanina? Ang ganda niya! Sobra! Dumagdag sa kagandahan niya yung medyo bukas na blouse niya kanina!" natutuwa nitong saad, na medyo nakakainis sa akin.

"Parang gusto ko na siyang pakasalan." Si Ryan.

Psh, pakasalan amp.

"Hoy! Ano ka ba, Ryan!? Wag mo naman solohin si Miss Aerish!" angal ni Ivan. "Pagbigyan mo rin kami no! Akala mo ikaw lang may gusto kay ma'am? Ako rin kaya! Tas madami pa dun sa classroom natin pati sa ibang section!"

2018: Wet DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon