59: Solving Mysteries

114 10 0
                                    

Tenonto's POV

"Paano mo ba sila nahuli, Tenonto? Anong ginawa mo?" interesadong tanong ni Maypagasa sa'kin.

Hapon ng alas singko.

Nasa loob kami ng SSG office. Sarado ang mga bintana, nakababa ang mga kurtina. Madilim at tahimik sapagkat napaka-sensitibo ng pag-uusapan namin.

Si Maypagasa na siyang SSG President, si Quesadaz, si Henry, si Ivan, si Ryan, si Asuncion, si Shina, at ako.

"Nung papunta ako sa classroom namin kahapon para ilagay yung bag ko sa loob, may kutob na'kong kakaiba. Nararamdaman kong may kung ano sa aparador." Kwento ko sa kanila.

"Oh, tapos?" sabat ni Ivan.

"Kaya, kating-kati akong buksan yung aparador pero bigla akong tinawag ni Rusca eh pinapatawag mo na daw ako sa flag ceremony, John." Tuloy ko.

Pagkatapos kong sabihin, tahimik pa rin sila.

"So paano mo nga sila nahuli?" tanong ulit ni John.

"Matagal ko nang suspetsa ito eh. Matagal ko nang kutob na sila Gio at Mia yung gumagawa ng kabulastugan sa loob ng campus na ito eh. At kahapon lang napatunayan kong silang dalawa nga."

"So paano mo nga sila nahuli!!?" naiirita nang sinabi ni Maypagasa na mataas ang boses na parang gusto ako lamunin nang buhay.

"Sshhh!!" pagpapatahimik ni Henry at Ivan sa kaniya na nakaupo sa kanan niya't kaliwa kasabay ng pagtakip ng mga kamay nila sa bibig ni Maypagasa.

"Kumalma ka John. Wag kang maingay!" tugon ni Henry sa kaniya.

"So, paano nga, Tenon?" mahinahon na sinabi ni Jerald Ace Asuncion, dating fuck buddy ni Mia.

"Ganito. Nung alas dose kahapon, lunch break 'yon. Bago umalis ang lahat ng tao sa classroom namin para pumunta sa canteen, palihim na nilagay ni Ryan yung selpon ko sa mesa ni sir Ronaldo at nakaposisyon 'yon sa harap na naka-video at kitang kita ang mga pangyayari habang walang tao sa room. Sinigurado naming walang nakapansin sa paglagay ni Ryan ng cellphone ko sa lamesa ni ser."

Tumayo ako para ipagpatuloy ang pagkukwento. "Ngayon dahil may unnoticeable na camera na nakapwesto, makukunan ng video yon kung sino at anong ginagawa nila habang walang ibang tao sa classroom namin at doon mahuhuli na kung sino nga yung mga tao na yon."

"Paano ako maniniwala sa'yo?" tanong ni Maypagasa sa'kin. "Kung nagvideo kayo gamit yung cellphone ni Tenonto, mafu-full storage agad yon kase cherry mobile lang 'yon eh."

Napangisi lang ako at lumakad para ipagpatuloy yung kwento. "Syempre naman, nilagyan ko muna ng memory card na may malaking capacity na siguradong magkakasya ang video na kuha sa buong oras mula sa pag-alis hanggang sa pagsisimula ng afternoon class."

Parang diskumpyado pa rin si John sa pagkatao ni Mia ayon sa reaksyon ng mukha niya kase alam kong crush niya yung babaeng yon.

"At pagkatapos nalagay yung camera, siguradong walang tao ng mga oras na yon kase umalis kaming lahat para kumain sa canteen. At doon na nagsimula yung paggalaw ng plano." Saad ko.

"Pumunta silang tatlo sa iba't ibang lugar, lalong lalo na sa canteen, kung saan tumatambay o kumakain ang mga classmate namin para sabihin na walang tao sa classroom namin at umuwi ako at hindi makakabalik sa panghapon na klase." Tinuro ko si Ryan, Henry at Ivan dahil sila yung tinutukoy kong pumunta sa iba't ibang lugar.

"At pagkatapos non, hinihintay ko nalang kung sino'ng kakagat sa pain namin, na pupunta sila sa loob ng classroom para gawin ulit yung kabulastugan nila." Tuloy ko.

2018: Wet DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon