45: A Better Choice

88 11 2
                                    

Tenonto's POV

Unang araw ng pagiging presidente ni Maddie sa classroom na ito.

Okey naman. Matiwasay naman ang lahat at payapa. Naghihintay nalang kami sa darating na teacher para umpisahan ang ikaapat na klase namin. At pagkatapos nito ay lunch break na.

"Hay! Sa wakas! Kumpleto na ulit tayo." Masiglang sabi ni Ivan.

Nasa cafeteria kaming apat, doon pa rin sa mesang palagi naming pinupuntahan kapag kumakain kami.

"Nga pala, Tenonto. Ano bang event ng SSG ang mangyayari?" tanong sa'kin ni Henry nung tumigil siya sa pag kain.

Kaya tumingin ako sa kaniya at sumagot ako. "May ginawang event ang SSG. Mangyayari yun sa February 14. Sa miyerkules, kasabay sa araw ng mga puso."

"I think alam ko na kung para saan yung event. Related yun sa valentines day, tama?" hula ni Hong.

"Oo." Malamig kong sagot, at nagpatuloy sa pag kain.

"Malas! Walang ni isa sa atin ang natalo sa pustahan!" ani pa ni Ivan.

"Wala ngang nanalo, pero palpak naman lahat!" pambabara ni Ryan sa kaniya matapos siyang tumigil sa pag kain.

"Hoy, mga bugok." Sabi ko, kaya agaran silang tatlong napatingin sa akin.

"Tigil-tigilan niyo yang mga kalokohan nyo ha. Pag ako nadamay, kakalasin ko yang mga buto niyo! Pagbabali-baliin ko at dudurugin ko hanggang sa maging pulbo!" masungit kong saad kasabay ng masungit kong pagtingin sa kanila.

"Tandaan niyo yan!" dagdag ko pa kasabay ng pagturo ko sa kanilang tatlo na parang isusumpa ko.

At nagpatuloy ulit sa pag kain.

"Nakakatakot ka naman, Tenonto." Saad ni Ryan kaya napatingin ako sa kaniya.

"Natakot kapa!? Lakas nga ng loob mong agawin sa'kin si Mica eh! Di ka nga natakot nun eh!" sabi ko.

"H-huh? Bakit mo naman binabalik yan, Tenonto?" natatarantang wika ni Hong na para bang natatakot.

Nakakatawa 'tong mga toh! Hindi yata alam yung seryosong biro eh.

"Siyempre joke langg..." mabait na tinig kong pagkasabi.

At napa-buntong-hininga sila na para bang nabunutan ng tinik sa kanilang mga paa matapos kong sinabi 'yon.

Yawa, ganon ba talaga ako ka-nakakatakot? Whahaha!

"Iniiwasan ko na nga si Mica para sa'yo eh.." mabait ko ulit na pagkasabi kay Ryan.

"Bakit parang galit ka?" tanong ni Ryan na kinakabahan na.

"Magagalit talaga ako pag nadamay ako sa mga kalokohan ninyo ni Miss Aerish!" pagalit ko ulit na pagkasabi.

"Teacher yun eh! Tapos babastusin niyo! Porket maganda at seksi!?"

"Nakisali ka pa nga sa pustahan eh." Malamig na sagot ni Henry. "Kung galit ka pala, ba't 'di mo kami pinigilan nung nagplano tayo?"

"Mga kaibigan ko kayo eh! Di ko rin naman inasahang gagawin niyo talaga 'yon eh! Di naman kayo ganun ka-loko loko gaya nung inasahan ko maliban dyan kay Ivan." Sabi ko.

"Pero parang nahawa yata kayong dalawa kay Ivan eh!"

Si Ivan naman, naka-ngisi lang na nakakagigil yung itsura ng mukha na ang sarap sampalin ng sapatos.

Bwisit ka talaga.

"Oo nga, no? Parang dati, nung 'di pa natin nakilala si Miss Aerish, parang mas magkapareho kayo ng ugali ni Ivan." Sabi ni Henry sa akin.

"Nakakabaliw talaga ang pag-ibig. Minsan nasisira na ulo niyo dahil dyan at hindi na matino ang pag-iisip. Pinagnanasaan niyo na yata si ma'am eh." Ani ko.

"Alam niyo, ang mas mabuti niyong gawin ay umamin na kayo sa mga crush niyo. Tutal malapit na rin naman mag valentines day. Sakto sa susunod na linggo sa ikatlong araw ng klase, valentines day yun, may ka-date na kayo." Dagdag ko pa.

"Ay, oo nga no! Ba't di natin naisip yun?" sabi ni Ivan.

"Wow! May isip ka pala, Ivan?" asar ni Ryan sa kaniya at sinundan naman namin yun ng tawa.

"Mas magaling yun nalang yung gawin niyo. Wag niyo na pagtripan si Miss Aerish! Mas matanda yun ng mahigit limang taon sa'tin!" pangungumbinsi ko sa kanila para hindi na sila ulit gagawa ng kalokohan sa mga teacher.

"Good idea yan, Tenonto." Sabi ni Hong. "Oh, Ivan? Ano nang gagawin mo ngayon?"

Kaya napaisip si Ivan. Sana naman 'di na kalokohan ang gagawin ng asungot na yan.

"Aamin na ako sa aking crush!" napakasiglang pagkasabi niya kasabay ng pagtayo niya sa kinauupuan at napahampas sa mesa.

Napatingin sa amin lahat ng tao sa canteen.

"Wow. First time kong narinig na may gagawin nang matino, Ivan..." namamanghang saad ni Hong.

At nagppatuloy yung mga tao sa kanilang ginagawa matapos nila kaming tingnan.

"As what Tenonto said, Ivan grabbed the opportinuty to make a good decision." Saad ni Henry.

"Oo nga. Good decision talaga yon. Kasi aamin na rin ako sa valentines day." Impulsive kong pagkasabi na hindi ko sinasadya dahil nabigla lang.

"Ay shet!" saad ko at agad na napatakip sa bibig.

"Ehh!" sabay-sabay na nagtayuan ang tatlo matapos marinig yung sinabi ko.

"Aamin ka na kay Dinah!?" tanong ng tatlo.

"Wag kayong maingay madaming makakarinig!" bulong ko sa kanila na nanggigigil na.

"Kung ganon, aamin na rin ako kay Mica!" lakas-loob na sinabi ni Ryan sa aming tatlo.

"Magaling yan, Ryan."

"Nga pala, Henry, di ka ba aamin sa crush mo?" si Ivan.

"Oo nga. Sino ba talaga yung crush mo, Henry?" tanong na naman ni Ryan.

"Wag mo sabihing si Miss Aerish talaga!" si Ivan ulit.

"Tsk, secret na muna yun." Saad ni Hong, na nag folding-arms at naupo.

Napatingin si Hong kay Ivan at nagtanong. "Nga pala, Ivan. Sino ba yung crush mo? Kanino ka ba aamin?"

"Kay Mia." Sagot niya na dahilan ng pagtayo ng lahat ng balahibo sa buong katawan ko.

"Ehh!!?" sabay sabay namang nagulat ang dalawa sa narinig.

"Bakit ba palagi kayong sabay-sabay? Scripted ba yan?" napatanong ako.

"Eh yan yung sabi ng author eh." Ani ni Ryan.

"Nga pala, bakit ka nagka-crush kay Mia, Ivan?" tanong ni Henry sa kaniya.

"Kasi maganda siya! At sexy! Masarap ang katawan! Mwehehehehe!" sagot naman ni Ivan.

"Nga pala, ba't mo natanong kung bakit ko crush si Mia, Henry?" tanong ni Ivan kay Hong.

"Ah, ehh, wala lang. Idea kasi yun ni Tenon eh. Yung umamin." Sagot ni Hong.

"Ahh.." sabi ni Ivan. At umupo na sila ulit sa upuan.

"Nga pala, Tenonto. Bakit mo ba naisip yung ideya na yon?" tanong ni Ivan sa'kin.

Napatingin naman ako kay Ivan at sinabi, "Susuntukin kita pag kinausap mo pa'ko."

"Ahh.." si Ivan. "Nga pala, ba't mo naman ako susuntukin?"

At tuluyan na nga akong naubusan ng pasensya.

"Araaaaiiiyy!!!" sigaw ni Ivan na maririnig ng mga estudyante sa labas ng canteen.

Nag ring na ang bell ng paaralan. Dapat na kaming bumalik sa classroom.

2018: Wet DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon