58: Scandal

187 9 2
                                    

Tenonto's POV

"Class dismissed." Sabi ni sir Flores at nag-uwian na kami pagkatapos maglinis sa classroom namin.

"Oh sya, Villamor. Uuwi na'ko sa'min." Sabi sa'kin ni Quesadaz bago kami maghiwalay ng landas kase uuwi na din siya sa kanila eh.

"Sige Rusca ingatan mo yung mainit-init na ebidensya d'yan sa camera mo ha, hahaha!" napatawa kong saad sa kaniya, at alam kong nakikinig yung dalawang ulupong sa'min na talagang napakasama ng tingin at parang gusto kaming tuklawin.

Kilala nyo na kung sino 'yon. Si Mia at Gio. Mga ulupong sila eh kung makatitig parang nananabik na tuklawin kami.

"Makakaasa ka Villamor. Ingatan mo din yang iyo na nasa selpon mo! Hahaha!" sabi nya sa'kin at naglakad na.

"Hoy! Quesadaz!" tawag ko sa kaniya bago siya tuluyang naglakad palabas sa classroom at napalingon siya sa'kin.

"Bakit, Villamor?" sabi nya.

"Mag-ingat ka sa mga ulupong sa daan! Baka matuklaw ka eh! Baka mamaya pag natuklaw ka, eh madagit pa pati yung ebidensya!" bilin ko.

"Anong ebidensya yung sinasabi niyo d'yan, Villamor?" napatanong si sir Ronaldo na nakikinig sa'min.

Bago ko sagutin, napaisip ako at napatingin ako sa dalawa habang nag-aayos sila ng mga gamit nila sa bag.

Si Shanel parang kinakabahan eh, sinasabi ng mukha niya na wag ko daw sabihin kay sir.

At si Gio naman, soplado yung tingin. Soplado ka pala ah, humanda ka.

"Ah, yung ebidensya po ser, ebidensya ng mga estudyante na hindi naka uniform kanina sa flag ceremony! Nilista namin 'yon eh. Ihahatid pa namin 'yon sa SSG office bukas ng umaga. Hehehe." Pabiro kong saad.

At sumagot naman si sir. "Ah sige. Mag-ingat ka'yo sa pag-uwi niyo ha."

"Opo ser.." sabay kaming sumagot ni Rusca ng ganon. At tuluyan na nga siyang lumakad pauwi sa bahay nila habang inaayos ko pa mga gamit ko.

"Ang hirap pala maging te ey en ji ey, tetet terentenenten, hay..." kumakanta ako habang naglalakad pauwi sa'min, kase, nakakabit yung earphones ko sa tenga ko eh at sinasabayan ko yung kanta ni Yeng.

"Penapaasa mo lang ako kase alam mo na krash keta!~ oo na krash ketaha!~ Pambihira oh date pa!~"

Walang tao dito sa block na nilalakaran ko kase inabandona 'tong lugar na to eh, yung mga bahay nakasara kase idedemolish 'tong lugar na 'to kaya walang tao.

Kaya kumakanta nalang ako.

"May patanong-tanong ka pa kong seno yong nasa peysbuk status ko!~ tungkol 'yon sa'yo~~ yun sana~ ako nalang ang g-"

Natigil ako sa pagkanta nang biglang sumulpot si Gio sa harapan ko at sinuntok nya ako sa mata nang malakas.

"Aray!" napasabi ako, ikaw ba naman suntukin sa mukha kung di ka mapapa-aray.

At pinalo niya pa talaga ako ng bakal na tubo nang ilang beses! Kaya napahiga ako sa lupa.

"Aray ang sakit ng likod ko hayup ka Gio!" nagsisisigaw nalang ako.

Pinalo na naman niya yung tubo sa dibdib ko at tyan.

At tinuluyan niya pa akong paluin, tuhod ko naman yung binugbog niya.

"POK!" tunog ng tubo nang hinampas niya ito ng malakas sa ulo ko.

At habang nakahiga ako dahil sa pagbugbog sa'kin ni Gio, may nararamdaman akong kamay na pumapasok sa bulsa ko kung san naroon yung selpon ko.

2018: Wet DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon