11: Man Of My Destiny

391 15 0
                                    

Micaella's POV

Hayst. Boring ang mood ko. Matamlay ako at walang gana mag-aral.

Maingay ang classroom, lalo na yung boys.

Kailan pa kaya darating si sir?

"Ang tagal naman ni sir. Nami-miss ko na siya!" wika pa ni Dinah na nakaupo sa upuan niya.

So napalingon ako sa kaniya dahil sa sinabi niya.

Nabo-bored na'ko. Nakatukod yung siko ko sa mesa at pinatong ko nalang yung baba ko sa palad ko at pinaikot-ikot ang ballpen sa aking notebok.

After a while, may narinig akong foot steps na papunta dito.

Sana naman si sir na 'yon.

The door opens, and finally I got sir on my eyes again! He's entering the classroom, and closing the door.

Naglakad na siya papunta sa table sa harap.

Agad naman silang nagsingtayuan, so tumayo na din ako.

"Good morning, sir Chunhyo!" sabay sabay naming bigkas.

"Good morning. Please take your seats." Sabi pa ni sir.

Ang gwapo talaga ni sir! Pero nakakatampo, hindi niya pa ni-confirm friend request ko sa fb.

"Okay, for todays lesson, we are going to have our PE activity." Si sir.

"Ano po bang gagawin ser?" pasingit na tanong naman ng classmate kong si Mark.

"Gagawa tayo ng cardio exercises." Sabi ulit ni sir.

Naghiyawan na naman yung boys dahil sa narinig. "Yes! Activity na naman!" "Magiging masaya 'toh! Hahaha!"

"I hope you will participate on our activity." Kalmadong saad ni sir sa klase.

"Ser!" malakas na boses naman ni Tenonto na narinig namin kaya natahimik ang room.

"Para mag-participate kami sa activity, kantahan mo muna kami!" dagdag pa niya.

"Ay, oo nga ser! Kantahan mo kami!"

"Kumanta ka, sir!"

"Oo nga ser kumanta ka!"

Ang kukulit naman nitong mga boys. Ini-stress nila yung future husband ko. Char.

"Di'ba sumayaw na'ko last time?" sir proclaimed.

"Kanta ka naman ngayon ser para maiba!" si Tenon.

"Oo nga ser!"

"Sige na. Sir!"

Sir Min started to talked again and the boys are not making any noise as sir talks.

"Okay, dahil mapilit kayo, kakanta nalang ako."

The boys began to shout again and being noisy.

"Woohh!!" nagpalakpakan pa sila.

When sir is going to start singing, everyone is silent.

Pumorma siya ng astig para sa kaniyang kakantahin. Wow sir may paganon pa.

Ayan kakanta na siya.

"Araw-araw, ikaw ang gusto kong kasama~
Buhay ko'y kumpleto na tuwing nandidito ka~"

Luh?

Ba't ganon? Ang ganda ng boses niyaaa!!

"Sa tabi ko, oh, aking giliw, 'di pa din ako makapaniwala~
Na ang dati kong pangarap ay katotohanan na~"

Awet, sir, para sa'kin ba 'yan?

"Ikaw ang tanging inspirasyon~
At basta't nandito ka, ako'y liligaya~"

Nagpalakpakan at naghiyawan na naman ang mga classmates ko dahil sa performance ni sir. May dance steps pa siya habang kumakanta.

"Dahil sa 'yo, ako'y matapang~
Dahil sa 'yo, ako'y lalaban~
Para sa 'yo, pagmamahal na walang katapusan~"

Luh, sir? Bakit naman ako yung tinuturo ko? Owemji!!

"Dahil sa 'yo, mayro'ng pangarap~
Pagmamahal ko sa iyo'y tapat~
Para sa 'yo, pagmamahal na higit pa sa sapat~"

Bakit habang kumakanta si sir, kinikilig ako!? Sir nemen enebee ee ne shenesheget ne ketaaa! Ehehe!

Charot.

Patuloy pa rin sila sa paghihiyawan at nagkakasiyahan kami imbes na nasa labas at ginagawa yung activity.

"Gagawin ko ang lahat para lang sa 'yo, sinta~
Basta't nandito ka, ako'y liligaya~"

I think his final line is for me! Ako talaga yung tinuturo niya, since the beginning of his song and his last post pagkatapos ng kanta, sa akin siya nakatingin!

"Wooohh!!" Nagpalakpakan at naghiyawan na naman sila. Nagmistulang concert ang naganap sa classroom namin.

"Ang galing mo, sir!"

"Idol na kita ngayon! Wohh!!"

And suddenly, kinindatan pa'ko ni sir! Aaacckk!! Si sir talaga! Pag ako lalong na-fall sa'yo, dapat mo talaga akong panindigan!

"I've finally met the man of my destiny." Mahinahon at proud na pagkasabi ko.

"Who says he's the one for you?" pa-epal naman na tanong ni Arian, friend ko.

"Aish! Basher ka talaga! Support ka na lang kaya." Naiirita kong saad sa kaniya.

Nakaupo kaming magkakaibigan sa isang upuan sa labas ng classroom, sa ground.

Nakabihis PE uniform kami para sa gagawin naming activity.

Habang busy pa si sir, nagkwentuhan muna kami.

"Paano mo naman nasabing he's the man of your destiny, Mica?" Maddie asked me.

So sinagot ko siya. "Kase, kanina habang kumakanta siya, sa akin siya nakatitig!"

"Yun lang?" si Maddie.

"Hindi lang 'yon. Kase I think the song he sang earlier in the class is for me! Para sa'ken talaga 'yon. I'm sure!"

"Kase?"

"Kasi tinuturo niya ako habang kinakanta niya yung 'Dahil sa'yo."

"Ehh? Napaka-assumera mo naman, Mica." Saad ni Arian.

Napatayo nalang ako sa pagkairita. "Hayst, ano ba! Para sa'ken talaga siya, girls."

"I think he likes me. Based on his actions earlier." Dugtong ko.

"Hindi lahat ng nagpapakita ng sign na gusto ka niya ay gusto ka talaga niya. Minsan false alarm lang 'yon." Sabi ni Maddie.

"Hayst. Para namang hindi ko kayo kaibigan. Support nalang kaya kayo?"

"Uy, si sir Min oh!" biglaang sabi ni Arian at napatingin ako.

Dumaan si sir sa harap namin, at bigla nalang akong natumba.

"Oy, Mica! Okay ka lang?" saad ni Maddie sa akin pagkatapos niya akong sinalo.

"Hayy.. I'm falling for him na talaga." Sabi ko.

Bigla nalang bumitaw si Maddie sa pagkakasalo sa akin at tuluyan akong bumagsak sa lupa.

2018: Wet DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon