22: Friendship Test 2

209 13 3
                                    

Tenonto's POV

Pinilit ako ni Henry Honghang na sumama sa kanila kahit masakit sa kalooban ko yung makasama ang lalaking nagkakagusto rin sa babaeng gusto ko.

"Tenonto, magsabi ka na. Ano ba kasi yung nangyari?" pangungumbinsi ni Hong sa'kin na sabihin yon.

Tinitingnan ko si Henry sa mata, tapos napadpad naman kay Ivan yung pagtingin ko.

Nang tinitingnan ko na si Ryan, parang nananakit yung mata ko. 'Di ko siya kayang tingnan ng diretso.

Tinanggal ko agad yung pagkakatingin ko sa kaniya.

"Tenon, broken ka ba?" nakakapangngilong tanong ni Henry sa'kin.

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.

Napaisip ako kung anong sasabihin ko.

"Medyo." Diretsong pagkasabi ko para wala nang paligoy-ligoy.

Nakita ko ang mga reaksyon nila, lalo na si Ivan. Parang nabunutan ng tinik sa paa.

"Sabi ko sayo broken siya eh!" sabi ni Ivan.

"Kung ganon, wag kang mahiya magkwento. Handa kaming makinig sayo." Si Henry.

Pinapagaan talaga ni Henry ang pakiramdam ko. Pakasalan nalang kaya kita, Henry.

"Oo nga Tenon magkwento ka." Sabi ni Ivan.

Silang tatlo ay sa'kin nakatingin.

Nahihirapan akong ikwento pag nakatingin sa'kin si Ryan. Naiilang ako.

"Magkwento kana." Si Hong.

At dahil mapilit sila, napilitan na talaga akong ikwento, kahit nakakahiya.

"Ano kase, sabi ni Ryan may pagtingin nga siya kay Mica." Sabi ko.

"Oh ano namang meron don?" si Ivan.

"Eh gusto ko rin siya." Sabi ko.

Kaya inasahan ko na yung mga hindi dapat inaasahang magiging reaksyon nila pagkatapos nilang madinig yung sinabi ko.

"Nako." Wika ni Ivan.

"Hay.. sabi ko na nga ba." Sabi naman ni Henry pagkatapos niyang magbuntong-hininga.

Si Ryan naman, parang nanghihinayang.

"Dapat sinabi mo sa akin na gusto mo rin pala siya. Para 'di na'ko makasakit pa." Sabi sa'kin ni Ryan na parang siya pa yung nasaktan.

"Nung Grade 7 palang may gusto na'ko sa kaniya. Palagi nga kaming magkachat noon hanggang sa sinabi mong may gusto ka din pala sa kaniya. Akala ko nagbibiro ka lang non, pero kahit nagbibiro ka, sineryoso ko yung sinabi mo kasi baka malay ko totoo talaga, kaya mula non 'di ko na kinakausap si Micaella. Nirereplyan ko lang siya pag may importanteng pinag-uusapan." Mahabang pagpapaliwanag ko.

Lahat sila ay maiging nakinig, lalo na si Ryan na parang maluluha na.

"Mula nung sinabi mo sa amin matagal na, na gusto mo si Mica, pati siya sinusungitan ko na rin. Eh siya nalang yung babae na kinakausap ko ng maayos. Pero nung sinabi mong gusto mo siya, ako na yung lumalayo sa kaniya." Dagdag ko pa. Nabitin kanina eh.

Parang hindi makapaniwala si Ryan sa sinabi ko.

Napatingin si Ivan kay Ryan.

"Ay ano ba kayo! Dahil lang kay Mica may bubuwag na?!" Sabi ni Ivan. "Diba nagsumpaan pa tayo noon na walang babae ang makakasira sa pagkakaibigan nating apat?"

Napayuko nalang si Ryan.

"Pero, infairness ang ganda talaga ni Mica. Parang gusto ko na rin siya." Dagdag pa ni Ivan.

"Alam mong seryoso yung usapan eh." Saad ni Henry at sinampal ng mahina si Ivan.

"Haysst, paano ba natin 'to maaayos?" naiistress na pagkasabi naman ni Henry.

"Maaayos 'to pag may isang magparaya." Sabi ni Ivan na nagpasampal sa'kin papunta sa katotohanan.

Magparaya? Parang palagi ko namang ginagawa yan mula pa noon.

Nakikita ko si Ryan na parang nahihirapan. Nakikita ko na ang mga luha sa kaniyang mata na papunta na sa pagpatak.

Ayoko namang masaktan yung kaibigan ko kaya ako na yung lumalayo sa babaeng gusto ko para kay Ryan, kahit na ako yung masaktan.

"Kaya nga lumalayo na'ko diba? Kasi nga sumuko na'ko sa kaniya!" maligayang pagkasabi ko.

"Oo nga naman." Si Ivan.

"Okey na'ko masaktan basta wag lang yung kaibigan ko. Kaya, Ryan! Unahan mo na si Mica! Wag ka nang magpahuli baka magbago pa isip ko." Sabi ko.

"Ayt, Hahahaha! Sabi ko na maaayos pa rin to eh!" napatawa nalang ang mokong na si Ivan dahil yata sa tuwa.

Bumalik na sa ngiti ang mga labi ni Henry at napangisi pa si Ryan.

"Pero, Tenonto. Pa'no ka?" tanong sa'kin ni Ryan. Concern pa ang gago.

Kaya sinabi ko na ang kailangan kong sabihin para gumaan na din ang loob ni Ryan at gumaan din yung loob namin sa isa't isa.

"Wag ka na mag-alala. Sa'yo na si Mica. May bago na din kasi akong natitipuhan ngayon." Sabi ko.

Bigla na naman silang napaisip kung sino yung tinutukoy ko. Letse talaga 'tong bungangang 'to, di nag-iingat.

"Sino?" sabay sabay na pagbigkas nila at sabay din nilang nilapit yung mga mukha nila sa akin kasabay ng pasabi nila ng sino ng sabay-sabay.

Tarantado talaga 'tong mga 'to. Mga chismoso.

"Si Dinah." Sabi ko.

"Ayiiieee!!" sabay-sabay din nilang pagsigaw.

"Pero, bakit ang sungit mo sa kaniya?" tanong ni Ivan.

"Yan yung paraan ko para ipakita sa kaniya na gusto ko siya."

"Ayiiieee!!" sigaw na naman nila. Tarantado talaga 'tong mga 'toh. Napangisi nalang ako.

"Hoy! Ang ingay nyo!!" sigaw naman ng matabang cashier na babae dito sa cafeteria.

"Alas singko na ng hapon at tumatambay pa kayo dito! Umuwi na kayo! Isumbong ko kayo sa teacher niyo eh!" dagdag pa ng masungit na panget.

"Opo, uuwi na po!" sabi ni Henry.

At sa huli, nanaig pa rin ang pagkakaibigan kaya maayos na ulit kami.

Sasamahan ko na ulit sila Henry sa mga katarantahudan at ka-walang hiyaan na ginagawa nila. Kung mapagalitan kami, kailangan sabay sabay kaming apat na pagalitan.

Dahil kahit anong mangyari, magkakaibigan pa rin ang magtutulungan sa huli.

Magkaibigan kami eh.

At ang magkakaibigan, hindi nag-iiwanan. Kaya kahit anong mangyari, dapat hindi kami mag-iiwanan.

Kung mapagalitan ang isa, dapat mapagalitan din kaming lahat.

Maayos na kami.

Kaya umuwi na kami sa sari-sarili naming bahay na magaan ang loob sa isa't isa.

2018: Wet DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon