24: I Badly Want You, Sir.

419 13 0
                                    

Micaella's POV


Crush ko talaga si sir. Ewan ko kung bakit.

Pero parang inaagaw yata ni Shanel yung para sa'kin. Eh andami na ngang nagkakagusto sa kaniya.

Gusto niya ba angkinin ang lahat!? Taena naman itira mo naman si sir para sa'kin, Shanel!

Naiinis ako, pfft!

"Hayss... I badly want you, sir." Pabuntong-hiningang saad ko.

"Want mo siya because?" sabi naman ni Arian.

"Want mo siya kase gwapo siya? Tas payat na matangkad pa? Psh! Tumigil ka kaya, Mica." Sabi din ni Maddie.

Tsk, pa-epal talaga 'tong dalawang 'to kahit kailan.

"Madaming babae dyan na ka-level at kaedad ni sir Min. Kaya, please, Mica, wag ka nang mangarap." Sermon sa'ken ni Maddie.

Inirapan ko nalang siya.

"Mga basher talaga kayo! Akala ko ba kaibigan ko kayo? Nagtatampo na'ko. Hmp!" ani ko sabay humalukipkip ang mga braso ko.

Nakaupo kaming tatlo sa isang bench sa labas, habang nakatingin sa mga tao na naglalakad sa ground. Si Arian ang sa kaliwa ko at si Maddie ang nasa kanan. Ako ang nasa gitna nila.

"Hay nako, Mica. Pinapayuhan ka lang namin, para hindi ka magsisi at masaktan sa huli." Nakakapanampal-papunta-sa-reyalidad na pagkasabi ni Maddie.

"Medyo may point ka dun." I awkwardly said.

"Pero hindi. Hindi ako susuko. Feel ko talaga may pag-asa ako kay sir, kaya, I'll never give up on him!" I hopefully said. Hindi ko nalang pakikinggan mga pambabash nila.

"Hays, kung gusto mo masaktan, edi bahala ka. Pilitin mo yung sarili mo sa taong wala namang pagtingin sa'yo. Gusto mo yon diba?" si Maddie.

"Oo nga naman, Mica. Pakinggan mo kami. Hello? Wala tayo sa wattpad, remember? Sa wattpad lang naman nangyayari yang mga nai-imagine mo. So please, payong magkaibigan 'to. Pakinggan mo kami." Sabi din sa'kin ni Arian.

"Bakit ba ang kukulit nyo!? Eh gusto ko nga siya eh!" naiirita kong saad sa kanila.

"Hay nako... pansin ko, parang may gusto rin si Mia kay sir." Sabi ni Arian.

"Karamihan naman talaga sa mga girls may gusto kay sir. Kamukha niya nga yung leadingman ko dun sa W, parang si Raiko Kang." Saad ni Maddie.

"Pero, kung 'di mo talaga susukuan si sir, you'll take the risk, Mica. Dapat handa kang masaktan." Dagdag pa ni Maddie.

Ehh? Masaktan? Ayokong masaktan! Dati nga feeling ko may crush talaga sa'kin si Tenonto, pero ngayon parang hindi na. Nasaktan ako sa part na yun.

Masakit masaktan, kaya ayoko nang masaktan ulit!

"Oh? ba't parang natatameme ka dyan, Mica?" sabi ni Maddie sa'ken.

"May iniisip ka ba? Iniisip mo ba yung future niyo ni sir?" si Arian.

Nilingon ko siya, at masama ang tingin ko sa kaniya.

"Oh? ba't ganyan ka makatingin?" wika ni Arian.

Magsasalita na sana ako at sasagutin siya, kaso biglang nag-ring yung school bell.

Napatingin ako sa relo ko, and it's 1:00 PM in the afternoon.

Tapos na ang lunch break. Kailangan na naming bumalik sa classroom.

2018: Wet DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon