33: Normal School Day

202 11 3
                                    

Henry's POV

Dali dali akong lumakad sa stairs papunta sa classroom namin. Hindi pa nagsisimula ang klase at magulo pa ang classroom, kaya pumasok na'ko sa loob at naupo sa chair ko.

Di ako nakatulog ng maayos kagabi. Napahawak ako sa noo ko at hinimas-himas ito. Masakit kasi.

Napagpasyahan kong iunat ang aking kamay at pagkatapos ay gagawin ko itong unan para maidlip nang sandali.

Ihihiga ko na ang aking ulo sa'king kamay...

"Hong!" Boses ng isang tarantadong lalaki ang narinig ko kasabay ng malakas niyang pagtapik sa mga balikat ko na dahilan ng biglang pagkawala ng aking antok.

Lumingon ako sa kaniya at nakita ko na naman ang kaniyang pagmumukha.

"Hehehe." Nakangisi pa amputa.

"Oh, bakit ang sama ng tingin mo sa'kin?" tinanong niya ako. Tsk.

"Puyat ka ba? Bakit, ano bang ginawa mo kagabi?" dagdag pa niya. But I didn't answered him, at inirapan ko nalang siya.

"Bakit ba ang sungit sungit mo makatingin sa'kin ha!?" sabi pa ni Tenonto. "Puyat ka siguro noh? Nakoo, ikaw ah, tigil-tigilan mo yan, masama yan!"

"Aish! Bakit ba ang ingay mo!" nabigla ako dahil sa sobrang irita.

"Hala grabe ka ha! Ang ingay ingay nga ng buong classroom tas sa'kin ka lang naingayan!?"

"Please lang! Manahimik ka! Kahit saglit lang, pwede ba!?"

"Sungit mo talaga..." huling sinabi niya bago siya nanahimik.

Hay sa wakas, matutuloy ko na rin ang pag-idlip ko.

Hihiga na ulit ako, at...

"Oh iingay na ulit ako. Sabi mo manahimik ako saglit lang. Tapos na ang saglit, kaya magsasalita na ulit ako."

Humihigpit na ang pagsara ng mga kamao ko, at hindi ko na mapigilang suntukin siya!

Iniangat ko ang aking braso at mabilis na lumilipad ang aking kamao patungo sa kaniyang mukha at,

Wapunch!!

...

"Hay nako. Sabi ko sayo mag-ingat ka eh. Yan tuloy nasuntok kita bigla." Sabi ni Tenonto.

May cotton na nakasuksok sa dalawang butas ng ilong ko para 'di umagos yung dugo, at may band-aid na nakalagay sa kaliwa kong pisngi.

"Pasensya ka na, nabigla lang ako. Matanong nga kita, bakit ba badmood ka ngayon, ha?"

Tumingin ako kay Tenonto at sinagot ang tanong niya. "Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi."

"Hong, di ka pa ba nakapag-almusal?" nakakapagtakang tanong niya.

"Bakit?" Sagot ko naman.

"Kasi kung makatitig ka parang gusto mo'ko lamunin eh."

Tangina.

"Bakit ba tanong ka ng tanong!? Kanina ka pa ah!"

"Oh, kalma. Baka yang dugo sa ilong mo lalong aagos." Saad niya.

"Hindi." Sabi ko, at tinanggal ang tingin kay Tenon.

"Anong hindi?" tinanong na naman niya ako. Bwisit talaga.

"Hindi pa'ko nakapag-almusal."

Napatawa nalang siya nang marinig ang sinabi ko.

"Ahh, hahaha! Kaya pala ang sungit mo ngayon kasi wala ka pang almusal, tsaka di ka pa nakatulog ng maayos kagabi!"

"Mismo."

"Magandang umaga po, sir Ronaldo!" sabay-sabay na bati at pagtayo ng aming mga kaklase.

"Magandang umaga rin." Saad naman ni sir habang naglalakad papunta sa table niya.

Si Tenonto naman agad ring bumalik sa upuan niya nang marinig niya ang pagbati ng classmates namin kay sir.

Naupo na sila matapos nilang batiin si sir.

After ng lunchbreak, 1st period na ng aming afternoon class at si Miss Aerish na ang nagtuturo sa amin sa subject niyang science.

While she's teaching in front of us, hindi ko talaga mapigilang pagpantasyahan siya. She's so beautiful.

Parang bumabagal ang aking mundo sa tuwing tinititigan ko siya. Lalo na yung blouse niyang medyo bukas kaya kita ang sexy niyang collar bone.

Konting bukas nalang, at makikita ko na din ang nakakaakit niyang dibdib.

Parang, parang ang sarap niyang gawing girlfriend. Ugh!

Yung tipo ng girlfriend na sinusunod yung lahat ng gusto mo. Gaya nung, sabay kayo matulog sa iisang kama, yayakapin ka niya, pahihigain mo siya at huhubarin niya ang mga damit niya, tapos, tapos, ugh!

"Hehehe, gusto ko ng ganon... kahit isang gabi lang."

"Hong."

"Ha? Baket? San tayo pupunta? Sa hotel? Tas mag a-ano tayo don?"

"Nakakahiya ka, Hong."

"Hindee, hindi naman 'yon nakakahiya. Tayong dalawa lang naman dun ehhh..."

"Hong!" Biglang may sumampal sa akin, kaya nagising ako.

"Ha!? Ano? Bakit?" natataranta kong saad, at unti-unting namumulat sa reyalidad.

Nakikita ko si Tenonto, nakatayo sa harapan ko. Siya pala yung nagsasalita na kinakausap ko kanina.

"Mukhang nagising ka nang animal ka." Saad niya sa'kin, at pagkatapos ay humarap kay Miss Aerish.

"Pasensya na ho kayo ma'am. Di siya nakatulog ng maayos kagabi. Ipagpaumanhin niyo po." Wika niya kay miss Aerish.

Nararamdaman kong may basa sa kanang bahagi sa ilalim ng labi ko, kaya hinawakan ko yun. Laway ko pala 'to.

Hinarap ulit ako ni Tenonto at umupo siya ng konti para magkaharap ang aming mga mukha. Tiningnan niya ako ng diretso sa mata.

"Nakakahiya ka." Saad ni Tenonto, at tumayo ulit at may kinukuha na kung ano sa bulsa niya. Pagbunot niya sa kaniyang kamay na galing sa bulsa ay may hawak nang panyo.

Iniabot niya sa'kin ang panyo at pagkatapos ay may sinabi, "Punasan mo ang laway mo." At tinapik niya ang balikat ko tas bumalik na siya sa kaniyang upuan.

"Okay?" sabi naman ni Miss Aerish na nasa harap. Kitang kita sa mga mukha niya ang pandidiri sa'kin habang nakatingin siya sa akin.

Nakakahiya nga.

Siguradong matu-turn off sa'kin si Miss Aerish ng husto. Aish!

"Oh? Kumusta ang tulog mo kanina, Hong? Masarap ba?" paasar na tanong sa'kin ni Ivan.

"Hahahaha!" Nagtawanan naman silang tatlo. Nasa cafeteria na naman kami nina Ryan, Tenonto, at Ivan, at the same table pa rin kung saan kami palaging kumakain.

4:57 PM, nag-uusap usap muna kami bago umuwi nang alas singko.

"Nakakahiya ka talaga kanina Hong!" dagdag pa ni Ryan. "Pero ang mas matindi pa don, nakatingin sa'yo si Miss Aerish! Hahahaha!"

Nagtatawanan na naman sila.

"Atleast pogi." Pasimple kong sagot.

"Pogi amp." Si Ivan.

"Nako talo tayo dyan." Sabi naman ni Tenonto.

"Psh! Haha! Wala pala kayo eh." Taas-noo kong pagkasabi sa kanila.

"Papangit ka rin pag tanda mo." Seryosong saad ni Tenonto na medyo may point.

2018: Wet DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon