13: I Wish I Could Be Her

343 16 0
                                    

Micaella's POV


"Kompleto na ba ang lahat?" Tanong sa amin ni sir.

"Hindi pa po." Sagot ng kaklase ko.

"Sino pa ba ang wala dito?" sir asked again. "We need to start our activity now."

Nasa ground na kami, nakatayo at naghihintay sa sasabihin ni sir.

"Ah, ser! Alam ko ho kung sino pa yung wala dito. Si Gio po at si Shanel. Sino pa nga ba yung isa? Hmm, si Maddie din po wala pa!" sabi pa ni Tenonto.

"Okay. Let's wait them." Si sir.

"Hayst! San ba pumunta si Maddie? Ket kelan talaga ang kati ng paa nun!" reklamo ni Arian na nasa tabi ko, pinapawisan at inip na inip na.

"Bumalik daw sa classroom. Napansin daw niyang nawawala yung relo niya." Sabi ko sa kaniya.

"Jusko! Napaka-burara naman nung babaeng 'yun!" sabi pa niya.

"Napaka-laitera mo talaga eh, noh?" ani ko sa Arian na 'to. Ang sungit eh stress na yata. Wala namang jowa. Pft.

"Uy, ayan na!" "Andito na yung prinsesa!" "Wow! Si Mia!" bulong-bulungan ng mg boys.

Hayst, boys nga naman. Pag nakakita ng maganda parang mawawala na sa sarili.

Pero, ako. Maganda naman ako ah? Cute naman ako at sexy. Madami ngang boys na nagcha-chat sa akin. Pati si Tenonto crush yata ako noon.

Palagi akong kinukulit non eh. Pero ngayon, sinusungitan na din ako.

Tiningnan ko si Mia na naglalakad papunta dito. Lahat ng boys ay sa kaniya nakatingin. Pati yung mga boys sa kabilang section na nasa 4th floor buildings ay naikisip rin para tingnan siya.

Grabe talaga yung ganda ni Mia. Nakakainggit. But I have my own beauty too. I can be beautiful with my own flaws.

Hindi ko sila kailangang gayahin.

I know I'm beautiful, but I'm not like her na parang superstar na ginagawang red carpet yung daan habang naglalakad.

Simple lang ako. Pero hindi ko talaga maiwasang di mainggit sa mga babae na gaya niya. Kasi aman, gusto ko din ma-feel na ang ganda ko.

"Hoy! Dalian mo yung paglalakad!" sigaw naman ni Tenonto kaya nabulabog yung mla-red carpet na paglalakad ni Shanel.

"Hindi ito fashion show! Bilisan mo na babagal-bagal ka pa eh! Kanina pa nag-aantay si ser oh tas ikaw nagbabagal-bagal lang dyan! Sipain kita dyan eh!" dagdag pa ni Tenon.

Nagsingbalikan din sa mga classroom nila yung mga boys sa 4th floor buildings nang umepal si Tenonto.

Hayy.. si Tenon talaga. Apaka hyper! That's what I like in him.

Pero bigla nalang siyang naging cold sa'kin eh. I will be falling for him na sana eh, kaso ewan.

"Mica? Natutulala ka na naman?"

"Hoy, Mica."

"Mica!" panggugulo sa'kin ni Arian na inaalog-alog pa ang braso ko.

Nagkamalay ulit ako.

"Huh? Baket?"

"Form your line na daw." Si Maddie.

"Ay, andito ka na pala."

"Kanina pa."

Napansin kong nakatingin sa akin si sir. Naka-folding arms pa siya.

Umayos na ako sa linya.

2018: Wet DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon