46: Last Chapters

104 10 3
                                    

Tenonto's POV

Nahahati ang katawan ko sa tatlo.

Una, yung mga dapat kong asikasuhin sa program ng SSG sa valentines day.

Pangalawa, ang mga kababalaghang nangyayari sa loob ng classroom at sa iba pang mga section. Kasama na dun ang mga tamod na pakalat-kalat sa sahig at yung mga lalaki ni Mia sa ibang.

At yung ikatlo, ang pag-amin sa pag-ibig ko para kay Dinah.

"Okeh! Ako na mauuna umamin!" masiglang saad ni Ivan. Nasa cafeteria kami, dun pa rin sa mesa namin. Saan pa nga ba.

Lunch break ngayon, may mga natitira pang oras bago mag umpisa ang afternoon class.

"Maiwan ko muna kayo ha, babalik ako dun sa SSG office." Saad ko sa tatlo kasabay ng aking pagtayo sa kinauupuan.

"Ah, sige Tenonto. Take your time. Naiintindihan ka naman namin." Si Henry.

Kaya tuluyan na akong umalis at pumunta sa opisina ng SSG.

Henry's POV

"Sigurado ka ba talaga sa gagawin mo, Ivan?" I seriously asked.

Baka kasi hindi seryoso yung sinasabi niya.

"Yun na nga yung gagawin ko eh! Sa kaniya ako aamin, dahil gusto ko siya maka-date sa valentines!" he cheerfully said.

"Hindi niyo ba ako narinig? Sinabi ko na sa inyo yan nung isang araw 'di'ba?" dagdag pa niya.

"Kino-confirm ko lang, Ivan."

"Subukan mo nalang yung swerte mo, Ivan. Madaming mas poging lalaki dyan na mas bagay kay Mia kesa sa'yo. Andyan si Gio, baka nakakalimutan mo, pareho silang campus crush." Si Ryan.

"Bakit ba napaka-negative niyo!? Hindi naman bawal mangarap eh!" naiiritang saad niya sa amin.

"Di nga bawal, pero hanggang pangarap ka nalang." Sabi ni Ryan.

"Tse! Bahala nga kayo dyan! Basta ako gagawin ko yun!" sabi ni Ivan na naglalakad palabas sa cafeteria.

"H-hoy, Ivan! Yung pagkain mo hindi mo pa inuubos!" sigaw ko sa kaniya ngunit hindi siya nakinig.

Napalingon nalang ako kay Ryan at nagtitigan kaming dalawa.

"Pa'no yan Henry?" tanong niya sa'kin.

Shina's POV

After chit-chatting with my classmates, I must take the stairs to go down and then pupunta ako sa canteen to have my lunch.

I was about to go down to the first floor but someone pinned me on the wall while walking in the stairs.

"Ikaw si Shina Laforteza, tama?" that guy who pinned me.

I don't know what to do. I was startled.

"Y-yes! What do you need?" I answered him, but his smile is suspicious, I think may masama siyang binabalak.

I am supposed to shout and ask for help but someone covered my mouth with a cloth, another guy again.

Wait, iba yata yung amoy ng panyo. I can't shout, and parang inaantok yata ako.

Damn this people, why are they doing this to me!?

"Ayusin mo yung paghawak sa kaniya, Rusca." Sabi nung isang lalaki nang hindi pa'ko tuluyang nakatulog.

Unti-unti akong nagkakamalay at dalawang nakakatakot na mukha ang bumungad sa'kin, sa isang madilim na lugar.

"Sino kayo!? Nasan ako!?? Why I can't move!" I suddenly shouted.

2018: Wet DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon