IKA-LABINGANIM NA KABANATA:

95.9K 1.8K 222
                                    

~ Beginning.

"Nay, hindi ka po talaga sasama sa amin nila tita Anding? " tanong ni Taurein habang inaayos ko ang mga gamit n'ya na dadalhin.Kahapon ito nakalabas ng ospital, kahapon din ay napagdesisyunan ko nang tanggapin ang suhestyon ni Anding na isama na lamang ang anak ko sa paglipat nila sa Cabanatuan, dahil doon mas matutukan at mas malapit ang ospital na p'wedeng magmonitor sa kondisyon ng aking anak. Tutal naman ay may panimula ako sa pagpapagamot nito.

"Dadalawin naman kita doon tuwing day off ko diba? " nakangiti kong sagot. Ginulo ko pa ang buhok nito para 'di magtampo. 

"Mas masaya pa rin po Naynay kapag magkasama tayo e." Nakayuko nitong sagot. Agad ko naman itong nilapitan at niyakap. Masakit at nakakalungkot na mawalay ako sa aking anak. Kung p'wede nga lang na sumama rin ako sa kanila para magkasama kami ay gagawin ko, ngunit mayroon akong obligasyon para madugtungan ang kanyang buhay.

Tama pala ang sinabi nila. Kapag naging ina ka na, lahat gagawin mo. Lahat susubukan mo para sa anak mo. Kahit mali ang mag-isip na sana may mamatay na tao para magdonate ng puso para sa kanya, hihilingin mo pa rin iyon sa panginoon. Ganoon ang pakiramdam ng isang ina para lang makitang buhay ang kanyang anak.

"Magkakasama pa rin naman tayo hindi ba? Hindi nga lang madalas. Palagi ka naman tatawagan ni nanay tsaka diba sinabi ni nanay, kapag and'on ka kila tita Anding mas madali kang mapapagaling ni Nanay." marahan kong sagot sa kanya, habang hinahaplos ang kulot nitong buhok..

"Mamimiss po kasi kita nanay ee" sagot n'ya, bago hinigpitan ang kanyang yakap sa bewang ko.

"Mamimiss ka din ni nanay, kaya dapat kapag nandoon ka, susundin mo si tita Anding aa... 'Wag kang magpapagod, iinumin mo lagi 'yang mga gamot mo. T'saka 'wag magpupuyat para hindi mag-aalala si naynay, at para maging strong man ka, Okey ba? " usal ko sa kanya matapos kintalan ng halik ang kanyang ulo. Tumango-tango naman ito at tinulungan akong ayusin ang kanyang mga gamit. Habang ginagawa namin iyon ay pasimple ko ring inaayos ang mga gamit na dadalhin ko sa mansyon. Kasama kasi sa usapan namin ni Thorin ay ang pagtira ko sa mansyon.

"Naynay, p'wede po ba akong magtanong?" maya-maya'y tanong nito.

"Naku! Masasagot ba 'yan ni Nanay? Baka naman mahirap aa" pagbibiro ko sa kanya na ginantihan naman n'ya ng ngiti.

"Kasi po nay..." Nakayuko na ito at pinaglalaruan ang maliliit n'yang daliri..

"Taurein.." tawag ko sa kanya. Gamit ang daliri ko ay iningat ko ang kanyang baba upang magtama ang aming paningin.."Ano 'yon anak? " tanong ko.

"K-Kasi nay, n'ong nandoon po ako sa ospital, 'yong katabi kong bata, may papa. Nay.... Wala po ba akong papa?" mahina n'yang tanong. Napabuntong-hininga naman ako bago ko s'ya buhatin at ikinandong.Iniyakap ko sa kanyang katawan ang mga braso ko na parang doon kumukuha nang lakas.

Kahit papaano, napaghandaan ko na rin naman kung sakaling dumating sa punto na magtanong na ang aking anak tungkol sa kanyang ama. Alam ko rin na napakabata pa n'ya para maintindihan ang sitwasyon namin, pero ayoko namang paasahin ang anak ko sa isang bagay na malabong mangyari.

"Makinig kang mabuti kay nanay huh." sabi ko na tinanguan n'ya lang habang ang mga daliri ko naman ngayon ang ginalaw- galaw n'ya.

"Mahal ka ni nanay, at s'yempre may papa ka. " sagot ko. Bigla n'ya akong nilingon na na may nakapaskil na ngiti sa kanyang mukha.

"Talaga po nay? Pero-- " bigla ding nagbago y'on ng may maisip. "Pero bakit hindi po natin s'ya kasama?" mahina ulit nitong tanong. "Hindi n'ya po ba ako mahal?" dugtong n'ya. Pakiramdam ko ng sandaling iyon ay tila may tumarak na punyal sa puso ko sa malungkot na tinig ng aking anak, kaya naman niyakap ko s'ya nang mahigpit.

The Lust SufferWhere stories live. Discover now