IKA-LABINTATLONG KABANATA

109K 2.1K 128
                                    

~

Kapag naging Ina kana~ Hindi na sayo ang buhay mo. Iikot na ito sa anak mo. Ilalaan mo na ang bawat paghinga mo sa kanya. Ang pangarap mo, ay hindi na sayo, kung hindi parati ng sa kanya. Palaging sya ang una.

Hindi ako nakatulog magdamag. Hindi ko nagawang pumikit o kahit magpahinga saglit dahil oras ang kalaban ko. Kahit na nang sabihin ng doctor na nasa mabuting kalagayan na ang anak ko, ay hindi parin ako mapanatag. Hindi kailanman ako mapapanatag, sa kaalaman na may karamdaman ang aking anak.

Sa nanginginig na mga palad, ay dahan dahan kong hinaplos Ang
mukha ni Taurein na mahimbing na natutulog. Napakagwapo talaga nito. Kuhang kuha ang bawat anggulo ng kanyang ama.

'kung sana ay kaya ko' pipi kong kastigo sa aking sarili. Kung sana, kagaya ng aking anak ay kaya ko ring lumaban para mabuhay.

Ang lungkot lungkot ng buhay ko bago ko isinilang ang mga anak ko. Gigising ako sa umaga na walang plano, at matutulog sa gabi na puro sana. Sana bukas ayos na. Sana bukas wala na.

Unti unti ay bahagyang gumalaw si Taurein kaya nahinto ako sa pagmumuni muni. Tahimik akong tumikhim at naglagay ng mumunting ngiti sa aking mga labi, upang ipakitang, malakas ako at ako ang kanyang lakas.

"Kamusta na ang pakiramdam ng gwapo kong anak?" nakangiti kong tanong sa kanya nang unti-unti n'yang idinilat ang kanyang mapupungay na mga mata. Nakangiting tumungo ito sa akin at inabot ng kanyang maliit na palad ang braso ko at idinantay sa kanyang tyan. Marahan ko naman hinahaplos ang kanyang kulot na buhok gamit ang libre kong kamay. Kahit na ilang beses kong sabihin na okay na ang lahat at naagapan ang anak ko ay hindi pa rin maitago ang takot na naramdaman ko nang sumpungin ito kagabi. Magdamag kong binantayan ang kalagayan n'ya at aaminin kong hanggang ngayon ay natatakot akong maulit iyon. 

Alam kong mahina pa ang katawan ng anak ko, ngunit nakikita kong pinipilit n'yang maging malakas para 'di ako malungkot.

Habang pinagmamasdan ko ang marahang pagbukas-sara ng kanyang mumunting mga mata ay hindi ko maiwasang isipin kung sadyang ako nga ba ang nagpapahirap nang sitwasyon naming dalawa. Hindi ko maiwasang isipin na mali na naman ba ang desisyon ko. Madali lang naman na sabihin na ikaw ang ama ng bata, pero napakahirap tanggapin kung ano man ang p'wedeng mangyari. Nawalan na ako ng isang anak noon sa mismong harapan ko at ayoko ng maulit muli iyon. Baka ikabaliw ko na ng tuluyan-- baka ikamatay ko.

"O--Okay na po. Sorry po naynay, pinag-alala ko po kayo." sambit n'ya sa mahinang tinig. Hinagkan ko naman ang kanyang noo at hinawakan ang maliit n'yang mga kamay.

"Hindi anak. Hindi ba nangako ako sayo na hindi na sasakit 'yong dibdib mo? 'yong kagabi last na 'yon." nakangiti kong tugon sa kanya kahit na nagbabad'ya ang luha sa magkabila kong mata.

Walang Ina na gustong makitang nahihirapan ang kanyang anak. Kung p'wede lang akuin kung anumang sakit na nararamdaman ng anak ko, ay noon ko pa ginawa. Kung p'wede ko lang akuin ang sakit na mayroon ang anak ko, ako na ang aako. Kahit na ako ang mahirapan 'wag ko lang makitang hirap si Taurein.

Naawa ako sa aking anak. Napakabata n'ya pa para maranasan ang mga ganitong bagay. Napakabata n'ya pa para maramdaman n'ya iyong ganitong sakit. Hindi n'ya pa nararanasang tumakbo nang mabilis at malayo. Hindi pa s'ya nakakapaglaro ng matagal. Hindi pa nga s'ya napagpapawisan ng todo. At lalong hindi pa s'ya nakakatawa nang malakas at walang tigil, dahil kapag ginawa n'ya yon maari n'yang ikamatay.

Sa kabila man ng masalimuot Kong sitwasyon, nagpapasalamat ako na nabigyan ako ng anak na napakabait.
Sa murang edad nito ay naiintindihan na nya Ang sitwasyon namin.

"Napaginipan ko po nay si ambal." sabi ng anak ko. Ngumiti naman ako sa kanya at tinitigan ang kanyang mukha.

"Ano naman ang nangyari? May sinabi ba s'ya sayo?" tanong kong muli bago ako kumuha ng mansanas sa katabi n'yang mesa. 

The Lust SufferTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon