IKA-SAMPUNG KABANATA

83.8K 1.9K 108
                                    

Johanna's Pov

Maaga akong umalis ng bahay kinabukasan. Buo ang pasya kong iligtas ang anak ko sa anumang paraan. Kung ang pagluhod kay Thorin ang tanging paraan upang mabuhay ang anak ko ay gagawin ko. Hindi ko yata kayang muling mawalan ng anak. Baka sa pagkakataong ito ay bumigay ako ng tuluyan. 

Kahit na namumugto pa ang mata ko at masakit ang ulo ay hindi ko na lamang ininda. Mas masakit pa ang nararamdaman ng anak ko kaysa sa pisikal na nararamdaman ko ngayon. Uutang ako ng pera para maipagamot ko na ng tuluyan ang anak ko. Buo na ang aking desisyon, kahit magmakaawa ako kay Thorin, kahit lumuhod ako, kahit halikan ko ang kanyang talampakan basta makautang ako ng pera. Kahit na nga ba habang buhay kong pagbayaran 'yon ay ayos lang.

"Nay, kayo na po muna ang bahala kay Taurein." paalam ko kay nanay. Dito na sila nagpalipas ng gabi nila tatay, habang sina Anding naman ay nag-ayos ng mga gamit para sa paglipat nila sa bayan.

Hinalikan ko ang noo ni Taurein na mahimbing na natutulog matapos mag mano kay nanay. Si tatay naman ay maagang nagtungo sa bukid para magsabog ng pataba.

Huminga ako nang malalim bago lumabas ng aming munting tahanan. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon hindi ko masabi-sabi sa kanya ang katotohanan tungkol sa anak ko. Natatakot lamang ako ng kapag nalaman nilang may maliit na Dela fuenteng nag eexist sa mundo, siguradong kahit ano gagawin nila makuha lang sa akin si Taurein, at dun ako hindi makakapayag. Kahit na ilaban ko ng patayan ang anak ko ay hinding- hindi ko ibibigay sa kanya ang aking anak. Akin lang s'ya.

Nagsimula akong maglakad patungong mansyon. Sa tagal ng paninirahan ko rito ay ngayon lamang ako nangilag umapak sa malaking bahay na iyon, ngayon lamang ako nangamba at natakot sa mga p'wedeng mangyari. Ngayon lamang sumisiksik lahat na muling naglandas ang daan naming dalawa.

Nang makarating ako sa mansyon ay naabutan kong nakagayak na si manang Edith sa pag alis. Sinalubong n'ya ako ng yakap at hinalikan ang aking pisngi.

Nangilid ang luha ko at gumanti nang yakap kay manang. Halos tatlong taon ko rin s'yang nakasama, at alam ko, itunuring n'ya akong tunay na anak. Itinuring n'ya ang anak ko na parang tunay na apo, kaya nalulungkot akong aalis na s'ya.

"Oh, Joan, ikaw na bahala sa mansyon. Ikaw na ang bahala kay Anne at kay Joward. Alam mo naman ang dalawang iyon." paalala n'ya habang pinupunasan ang luha sa kanyang mata. Ina kung ituring namin si Manang. Eto ang nagturo sa amin ng lahat kayat nakakalungkot isipin na iiwan nya na kami. Hindi ko naman ito masisi dahil isa rin itong Ina kagaya ko.

"Malaki na ang mga 'yan manang, alam na nila ang tama at mali." Nakangiti kong saad nang magbitaw kami.

"Malalaki na nga, mga isip bata naman!" Sagot nito.

"Manang naman. Nagdadalaga palang kasi ako." sabat ni Anne. Alam kong biro iyon, ngunit bakas parin sa kanyang mata ang kalungkutan.

Ilang habilin pa ang sinabi ni manang sa amin bago dumating ang kanyang sundo.

Nagkaiyakan pa kami bago tuluyang makaalis si manang. Parang ayaw ko na syang bitawan. Magiging malungkot ang mansyon sa pagkawala ng kanyang presenya.

Hikbi at walang patid na pamamaalam ang naging ingay sa mansyon na iyon. Iyak nang iyak si Anne. Nakayakap ito sa akin habang tinatanaw ang papaalis na sasakyan lulan si Manang.

"Magiging okay rin tayo." Anas ko kay Anne. Ngunit sa kaibituran ng puso ko, parang sinasabi ko ito sa aking sarili pati narin sa aking anak~ sa aming dalawa.

"Oo. Magiging okay din ang lahat." Sagot ni Anne sabay bitaw sa akin. Pinunasan nito ang kanyang luhaang mukha at ngumiti.

"Naku nga pala Joan, sabi nga pala ni sir Alex, puntahan mo daw s'ya sa library." Anas nito sa pagitan nang paghikbi.

The Lust SufferTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon