IKA-WALONG KABANATA

96.4K 1.8K 101
                                    

"Matagal kapa ba d'yan babe?" Naiiritang tanong sa'kin ni Thorin habang kinakalampag ang pintuan ng comfort room ng mga babae, kung saan ako kasalukuyang nagbibihisHalos tatlong linggo na rin ang mabilis na lumipas, magmula noong sinabi n'yang mahal n'ya ako at gusto n'ya akong maging kasintahan-- pero ang gusto n'ya ligawan n'ya muna ako bago ko raw s'ya sagutin.

Hindi ko pinatagal ang panliligaw ni Thorin. Alam ko naman sa sarili ko na mahal ko s'ya. Alam ko rin na tanggap s'ya ng pamilya ko dahil kasabay ng panliligaw nito sa'kin ay kinuha rin nito ang tiwala ng mga magulang ko na lalong nagpahulog sa'kin sa kanya.

Sa mga araw na nagdaan, tila naging bodyguard ko ang mga barkada n'ya kapag hindi ko sya classmate sa ilang subject. Madalas si Andrei ang nagiging classmate ko kaya mas malapit ako sa kanya. Si Rhys at Nicolo kasi ay mas'yadong maloko. Si Azul at Helios ang seryoso at medyo nakakatakot. Si Jodidiah ang pacool at maingay, At si Mckenzie ang matatawag kong goodboy at stick to one sa isang relasyon.

"Teka lang." sagot ko naman bago hinagod ang maiksi ko ng buhok na kulay brown na ngayon. Medyo curly na ngayon sa dulo at mayroon na rin akong bangs na pa side. Nang magkita kasi kami kanina ay may inihagis s'ya sa'king paper bag. Isuot ko raw.Hinagod kong muli ang buhok ko at inilagay ang suot kong T-shirt sa aking sling bag. Hinawakan ko ang seradura ng pinto at huminga ng malalim nang buksan ko iyon.

'Kita ko ang simangot na mukha ni Thorin habang nakahalukipkip na nakasandal sa sink. Okey, nasa loob s'ya ng cr-- na pambabae.

The Lust SufferWhere stories live. Discover now