IKA-LIMANG KABANATA:

109K 2.2K 144
                                    

Maaga akong pumasok kinabukasan. Hindi ko alam kung anong mood ko ngayon kaya maaga akong napagayak ni mama. Alas otso pa ang pasok ko, pero 7am palang ay tinatahak ko na ang daan patungo sa university. Hindi ko kasabay si Grace dahil mamayang hapon pa ang klase nito. Hinigpitan ko pagkakahaw nang strap ng bag ko nang matanaw ko na ang university. Mangilan ngilan palang ang estudyanteng pumapasok dito, karamihan ay mga lower year. pero ngayong umaga, iba yung pakiramdam ko, parang kinakabahan.

Nang makaapak na ako sa tapat ng gate ay biglang kumabog nang malakas ang puso ko nang matanaw ko ang big bike ni Thorin sa di kalayuan. Napaismid ako dahil ang aga n'ya ring pumasok. Nakahilig ito sa motor n'ya na tila malalim ang iniisip. Hindi ko nalang s'ya pinansin at dumiretso nang lakad.

"Ahh!" napasigaw ako nang malakas ng bigla nalang may humila sa buhok ko at nakaramdam ng isang tadyak sa balakang ko. Napangiwi ako sa lakas n'on at napaupo sa sahig habang patuloy pa rin akong sinasabunutan ng kung sino man. Ramdam ko ang masakit na hugot ng buhok ko sa anit. Alam kong hindi lang iisa y'on, marahil sa tingin ko ay apat sila.

"Isa kang malandi! Ang landi landi mo! Inaakit mo si Alexus! Malandi kang hampaslupa ka!" sigaw n'ong babaeng sumasabunot sa'kin habang naririnig ko ang ilang nagtatawanan at mukhang nag checheer pa.

"Sige Tonette! 'Yan ang bagay sa malalanding katulad n'ya! " Sigaw n'ong kasama n'ya.

"T--Tama na" humihikbi kong pakiusap. Hindi na bago sa'kin ang ganitong trato ng mga mayayamang estudyante. Simula kasi n'ong nangyari sa unang araw ng klase, naging ganito na sila, pero ngayon lang talaga ko nabugbog. Ngayon lang ako napagtulungan, dati kasi ay matatalim na tingin at salita lang ang natatanggap ko.

"You are a slut!" Mas lalo pa n'yang sinabunutan ang buhok ko at isang malakas na sampal sa magkabilang pisngi. Hindi ako lumaban, dahil oras na ginawa ko 'yon, kayang kaya n'ya akong patalsikin sa eskwelahang ito. Pakiramdam ko ay namanhid ako sa sampal na iginawad n'ya sa akin. Hindi pa s'ya nakontento at hinatak n'ya pa ang buhok ko at sumigaw.

"Give me a scissor!" hiyaw n'ya. Nanginginig akong tumingin sa kanya.

"No, no, no. Please, 'wag 'yong buhok ko, parang awa n'yo na." pakiusap ko sa kanila, ngunit tinawanan lang nila ako at sumenyas na hawakan ang dalawang kamay ko para 'di makapalag.

Iyak ako nang iyak habang ginugunting ni Tonette ang hanggang bewang kong buhok, wala akong magawa dahi hawak nila ako, hindi ako makahingi nang tulong sa guard dahil malayo na kami roon. Rinig na rinig ko ang tawanan ng ilang estudyanteng nagdaraan, rinig ko ang kalansing ng gunting habang ginugupit ang aking buhok.

Napahagulgol nalang ako nang matapos sila sa pambababoy ng inosente kong buhok, hinayaan lang nila akong nakasalampak d'on.

Hinaplos ko ang buhok na nagkalat at pinigilang wag umiyak muli. Naawa akong tumayo at muling pinasadahan ang buhok ko na ngayon ay hanggang lampas kili kili nalang, at kung hindi pa ako nagkakamali, urod urod ito. Inayos ko muna ang pagkakatayo ko at sinimulang humakbang ng may pumigil sa braso ko at iniharap ako.

"Don't cry." dalawang salita, ngunit bigla na namang bumuhos ang luha ko, hindi alintana kung sino man ang nasa harapan. Impit na naman akong umiyak nang nakayuko at natatakot akong itungo ang ulo ko sa kanya, ayokong makita ang kanyang mukha, ayoko, hanggang maramdaman ko ang marahan nyang pagpunas ng panyo sa pisngi ko habang nakatabon ang gulo gulo kong buhok sa aking mukha. Amoy na amoy ko ang kanyang imported na pabangong panglalake.

Lumakas ang pagtibok ng puso ko nang maramdaman ko ang pag angat nang kanyang kamay at inilagay ang panyo sa aking kamay.

Titingin na sana ako sa kanya, ngunit pinihit nya ako patalikod at nagsabi

The Lust SufferWhere stories live. Discover now