IKALAWANG KABANATA:

127K 2.5K 166
                                    

"Tara na Johanna, malalate tayo sa klase." Anyaya ni Grace habang hinahatak ako palabas ng apartment na tinitirhan namin. Ngumisi ako sabay tapik sa kanyang braso. "Masyado kang excited na makakita ng gwapo!" Buska ko dito. Sumimangot ito at humalukipkip. Si Grace ang pinakamatalik kong kaibigan, sabagay s'ya lang naman ang kaibigan ko. Hindi naman kasi ako ganoon kalapit sa ibang tao.

"Susme naman, hindi ka pa ba nagsasawa sa mga 'same person' na kaklase natin noong highschool? Johanna naman, kailangan naman nating makakita ng gwapo para ganado tayo mag-aral." Sagot n'ya sa'kin. Tumawa kami parehas. Ibang klase talaga si Grace. Sa aming dalawa, s'ya talaga 'yong vocal sa mga gusto n'yang sabihin.

"Ma, alis na kami." Paalam ko kay mama. Lumabas ito sa kwarto namin. Kumaway naman ako nang makalabas na kami sa gate. Kung saan saan napunta ang kwentuhan naming dalawa, pero mas nangibabaw kung gaano karaming gwapo ang pwede naming makita sa Wesbern. Ang university kung saan kami nag-aaral. Ilng minuto lang ang lalakarin bago makarating doon. Hindi naman nakakainip maglakad, dahil kahit nasa metro na kami nakatira ay masasabi kong maayos pa naman ang lugar.

"Excited talaga ako Johanna." Nangigil na saad nito nang makarating kami sa napakatayog na gate ng Wesbern. Hindi naman maipaliwanag na kaba ang nararamdaman ko nang sumalubong sa amin ang napakaraming estudyanteng pumapasok at lumalabas sa gate na 'yon. Nang yakadin ako ni Grace papasok sa loob ay parehas kaming napahinto nang sa harap mismo noon ay may pumaradang single na motor bike. Medyo malayo sa amin 'yong paghinto pero parehas kaming napatigil dahil agaw pansin talaga ang sakay noon. Kahit my helmet at nakasuot ng leather jacket ay mapapansin mo ang kgwapuhang taglay.

"Tang ina besh." Bulong ni Grace sa tabi ko. Dahan-dahan kasing nagtanggal ng helmet 'yong lalaki. Bumungad sa amin ang magulo nitong buhok, ngunit isang pasada lang ng daliri ay kaagad itong umayos.

Humalukipkip ito sa tabi ng motor at bahagyang tumingala. Kumislap ang silver nitong hikaw sa kaliwang tenga. Mas lalong nadepina ang matangos nitong ilong nang bahagaya itong tumagilid. Parang tumigil ang paligid nang unti-unting lumingon 'yong lalaki sa pwesto naming ni Grace. Parang alam n'yang tinitingnan naming s'ya.

"Tara na." Aya ko kay Grace, sabay iwas nang tingin. Ngunit bago ko pa magawa iyon ay nagtama na ang paningin naming dalawa. Kumalabog ng husto ang dibdib ko sa simpleng titig na iyon. Titig ng isang estranghero na mayroong kulay abong mga mata.

________________________________

Nagising ako sa ingay na nangagaling sa labas. Dala marahil ng pagod ay nakaidlip ako habang pinapatulog si Taurein. Lumingon ako at tiningnan ang mahimbing n'yang pagtulog habang nakadagan ang maliit n'yang binti sa t'yan ko. Napangiti ako at hinaplos ang kanyang buhok. Maayos kong inilagay ang kumot sa kanyang katawan nang bumangon ako. Hinalikan ko rin ang noo nito bago ako lumabas ng silid ni Manang Edith.

Napakalaki ng Mansyon ng mga De Vera. Dalawang palapag ito na ang sahig ay yari sa narra. Ang mga kagamitan ay mamahaling Muebles at sa ibang bansa pa talaga sinadya. Sa ikalawang palapag ay may apat na silid. Ang balkonahe nila ay nakaharap sa lupang kinasasakupan nito. Habang papunta ako sa kusina ay ipinupusod ko ang mahaba kong buhok. Naabutan ko sila Anne na nagtatawanan kasama sila Joward.Nandoon din sila Manang Edith na kahit busy sa pag aayos ng mga pagkain ay nakikitawa rin sa mga kwento ng dalawa. Nang mapansin nila ako ay sabay-sabay silang ngumisi sa akin. Hinatak ako ni Anne, at ibinagay sa akin ang isang Tray.

"Tayo ang maglalabas ng drinks." Hagikgik nito. Tumango naman ako at sumunod sa kanya.

Naging abala kami sa paglalabas ng mga inumin nang magsimula na ang programa. Napatigil lamang kaming lahat nang pukawin ang atensyon namin ng tinig ni Don Alberto.

Lahat kami sa kusina ay napalabas at naghilera sa isang sulok kung saan kitang-kita namin ang paligid. Napakarami na palang tao. Halos lahat ng upuan ay bigating mga tao ang nakaupo, ngunit isang grupo ng kalalakihang ang umagaw ng pansin ko.

Pito silang nakapaikot. Lahat ay nakaitim na suit habang masayang nagtatawanan at nag- iinuman. Marahil isa sa kanila ang nakabili ng Hacienda dahil na rin sa ngayon ko lamang sila nakita. Pinasingkit ko pa lalo ang mga mata ko para maaninag ko silang mabuti, ngunit bago ko pa mamukhaan ay muling nagsalita si Don Alberto sa mikropono.

"Hrmm." tikhim ng Don upang maagaw ang atensyon ng mga bisita. Napatigil ang lahat at natutok ang pansin sa Don na ngayon ay nakangiti. Sa edad nitong mahigit sesenta'y bakas pa rin ang kag'wapuhan nito. Maputi na nga lang ang hibla ng buhok. Nakasuot ito ng itim na americana habang hawak sa kaliwang kamay ang isang kopita na may alak. Sa kanang kamay ay hawak nito ang mikropono.

Natahimik ang lahat ng magsimulang magsalita ang don. "The most painful part of leaving someone is : Leaving without saying goodbye" Sa unang binitawang salita ng don ay parang may sumuntok ng kung ano sa dibdib ko. Napapikit ako na para bang para sa akin ang katagang iyon. Habang nakapikit ako, isang imahe lamang ang nakita ko. Isang imahe na kaytagal ko ng pilit kinakalimutan dahil 'yon ang tama. Iyon ang makakabuti para sa aming dalawa. Ayoko ng balikan kung saan iniwan ko s'ya habang nagmamakaawang 'wag kong ituloy ang pag alis. Ayoko nang makita ang kanyang mukha, dahil masasaktan lang ako kapag isinumbat n'ya sakin kung gaano ako kasamang babae na ibinigay n'ya sa'kin ang mundo pero nagpabuntis lamang ako sa iba. Masakit sa akin na nasaktan ko s'ya. Ayoko ng mangyari ulit 'yon kaya lumayo ako.

Nagpatuloy ang pagsasalita ng Don ngunit wala na akong maintindihan. Nanikip ang dibdib ko nang muling bumalik ang nakaraan. Kung paano ko s'ya iniwanan. Kung paano ako naghirap, at kung paano nawala ang anak ko. Maraming nawala sa akin at kung tatanungin ako~ ay hindi ko na kakayaning mawalan pang muli. Kahit anong pilit kong kalimutan ang nakaraan at magfocus nalang sa kasalukuyan ay hindi ko magawa dahil parte na yon ng buhay ko.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko at muli~ rumihestro sa aking isipan ang kanyang mukha. Ang kanyang ngiti at ang namumuhi nitong ekspresyon nang huli kaming magkita.

Thorin Alexus Dela Fuente. Kung magkita man tayong muli, sana mapatawad mo ako. Sana nahanap mo na ang kasiyahang tinanggal ko sayo sa nakalipas na taon. Sana... Puro sana. 

Nagtatawanan ang nasa paligid ko ngunit wala na akong maintindihan. Nanatili akong nakapikit habang pinapakalma ko ang aking sarili, ngunit kaagad ding iyong napukaw nang sumigabo ang malakas na palakpakan. Napamulat ako at tiningnan ang paligid, ngunit parang may puwersang tumulak sa akin na bumaling ang paningin ko sa kalalakihang tinitingnan ko kanina.

Mula doon ay may tumayong matangkad na lalaki na napakag'wapo nga naman. Nakangiti s'ya habang nagpapalakpakan ang lahat. Lumakad s'ya palapit sa Don upang abutin ang mikropono, ngunit bago pa s'ya makalapit ay napadako ang tingin n'ya sa p'westo namin at doon nagkatitigan kami. Hindi ko alam kung anong meron pero kinabahan ako sa klase ng tinging iyon. Para bang nagulat s'ya na nakita n'ya ako roon. Hindi ko rin mapaliwanag ang biglang higit ko nang paghinga. Parang may kakaiba sa kanyang tingin. Parang magkakilala kami? Parang parte sya ng nakaraan ko?

Napawi rin ang ngiti n'ya kaya nagbaba na ako nang tingin at umalis sa lugar na iyon at tinungo ang silid kung saan naroon ang aking anak. Napailing ako habang naglalakad. Kung ano ano na ang naiisip ko.

________

The Lust SufferTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon