IKA-DALAWAMPUT TATLONG KABANATA:

96.2K 1.8K 233
                                    

JOHANNA

It's him...

Napatakip ako ng bibig kasabay nang pagbagsak ng mga luha. Hindi ako makapaniwalang nasa harapan ko lamang s'ya. Nasa harapan at masayang nakapahalukipkip ang dalawang kamay sa suot nitong pantalon habang nakapaskil ang napakalaking ngisi sa kanyang mga labi.

Hindi ako makapaniwalang, sa loob ng apat na taon magkikita kaming muli. 'Yong tipong mapapaiyak kana lang habang parang ayaw mong ialis ang paningin mo sa kanya sa pangamba na baka mawala s'yang muli. Na baka kapag kumurap ka, bigla s'yang maglaho. Na baka kapag naalis ang paningin ko sa kanya ay bigla s'yang maglaho. Iyong pangambang pinaglalaruan ka lamang ng imahinasyon mo, at kapag nilapitan mo na s'ya ay tila isa itong usok na sasama na lamang sa hangin.

Inilang hakbang ko ang natitirang baitang ng hagdanan at hindi ininda kung nanlalabo man ang paningin ko. Hindi alintana kung matisod o madulas ako sa bilis nang paghakbang na binibitiwan ko. Wala na akong pakialam, ang nais ko na lamang ay tuluyang marating ang dulo na iyon at patunayang hindi ito isang halusinasyon o imahinasyon lamang. Gusto kong patunayan na hindi ito isang panaginip na bigla ring maglalaho kapag nagising ako.

Nang marating ko ang dulo ay tumayo ako sa kanyang harapan at...

PAK!

Inundayan ko s'ya nang malakas na sampal sa kaliwang pisngi na nagpaatras rito. Napatakip ako ng bibig at tuluyang humikbi at umiyak.

"Aww.." nakangiwing turan nito habang hinihimas ang nasaktang pisngi. Diretso s'yang tumingin sa akin sabay nang pagtawa. Walang anu-ano'y niyakap ko s'ya nang mahigpit habang rinig ko ang paghalakhak n'ya. Naramdaman kong kinawit nito ang bewang ko at bahagya akong iniangat.

"Buhay ka" nanghihina kong turan, habang patuloy ang paglandas ng mga luha ko sa magkabilang pisngi.

"Buhay ka." ulit kong muli. Paulit-ulitkong sinabi iyon na parang hindi makapaniwala. Buhay ito. Humihinga at kayakap ko. Nang maramdaman ko ang pagtugon n'ya sa yakap ko ay lalo akong naiyak.

Si Rhys...

"Hindi madaling mamatay ang masamang damo Johanna" Seryoso n'yang turan. Naramdaman ko ang mainit nitong hininga sa gawing tenga ko. Lalo ko na lamang hinigpitan ang yakap ko sa kanya at paulit- ulit akong nagpasalamat sa isip ko. Nagpapasalamat ako at hindi pinabayaan ni Lord si Rhys sa kabila ng mga pinagdaanan n'ya.

Just to keep me safe, just to keep me alive.

S'ya 'yong kasama ko sa panahon na dapat si Thorin ang umaalalay sa akin. S'ya 'yong nandoon n'ong oras na nalaman kong buntis ako, na dapat si Thorin ang unang nakaalam, Si Rhys ang kasama ko, n'ong-- N'ong panahong gustong ipatanggal ng tatay ni Thorin ang batang nasa sinapupunan ko. Si Rhys ang s'yang tumulong sa aking makatakas sa pamilya ni Thorin, ngunit sa kasamaang palad.... Hindi rin kami nakaligtas.

"Alam na ba n'ya?" tanong nya, na hindi bumibitaw sa yakap naming dalawa.

Umiling-iling ako at mas lalo pang sumubsob sa dibdib nito.

"Bakit kaba umiiyak?" nag-aalalang tanong nito bago ako inilayo at ikinulong ang pisngi ko gamit ang kayang dalawang palad. Hinawakan ko naman ang braso n'ya at mahinang humikbi. Para akong tanga na naiiyak dahil sa katuwaan.

"K--Kasi buhay ka." impit kong sagot dito.

"Bakit iniiyakan mong buhay ako? Diba dapat nakangiti ka? " nakangiti n'yang turan sa'kin.

"Ee, bakit ba, sa naiiyak ako." Sagot ko dito na ikinatawa n'ya.

"Ayokong umiiyak ka Johanna. Hindi ako nagpunta rito para lang paiyakin ka." turan nito bago marahang punasan ang luha sa magkabila kong pisngi.

"S--Sorry Rhys, nadamay ka pa." saad ko rito.

"Kaibigan kita." tipid n'yang sagot.

"A--Akala ko, pinatay ka nila. A--Akala ko, hindi na kita mapapasalamatan." hikbi kong turan sa kanya.

"Hindi nila magagawa 'yon. Tingnan mo o, ang gwapo ko. At ang gwapo, mahirap patayin." biro n'ya sa'kin sabay pitik sa ilong ko.

"Masaya ako at nagkita tayo Rhys." turan ko rito.

"Masaya rin ako. Kamusta ang anak mo? A--Alam n'ya ba? " naging malikot ang mga nito.

"Ayos lang. Hindi ko sinabi sa kanya. Hindi n'ya na dapat malaman." turan ko dito.

"W'ag mo nang sabihin sa kanya Johanna. May a--" naputol ang sasabihin sana ni Rhys ng mula sa likuran ko ay may nagsalita.

"Oy! Tama na y'an. Ang sakit sa mata, hindi talaga bagay."

Napalingon ako at tumambad sa akin ang nakangiting mukha ni Andrei. Galing ito sa kusina, base nadin sa hawak nitong baso na may lamang tubig.

Napabitiw ako kay Rhys, habang bumadha sa kanyang mukha ang paghihinayang.

"Wala si Thorin? " tanong nito.

"Wala." sagot ko at inayang sa sala na lamang kami magkamustahan. Naunang umalis si Andrei, at muli, naiwan kaming dalawa ni Rhys. Akmang tatalikod na ako nang hawakan ni Rhys ang braso ko.

"Alam ko, kung bakit nandito ka." Napatitig ako sa kanya na nakaawang ang labi. "Alam ko ang lagay ng anak mo Johanna. Kaya, Kaya gusto ko sanang, tulungan ka. Umalis kana rito. I--Iwan mo na si si Thorin."

Nanlaki ang mata ko sa huling tinuran nya.

Iiwan?

Si Thorin?

At ano?

Malalagay na naman s'ya sa panganib.

______________________________________

Thorin's

Mahihinang mura ang pinakawalan ko habang binabaybay ang daan pauwi sa manila.

Naiinis ako. Nagagalit ako dahil, 'yong nararamdaman ko na hindi ko dapat maramdaman kapag nasa tabi ko si Johanna ay unti-unti akong tinatraydor.

Isabay pa ang kapatid ko na mukhang makikisawsaw sa mga balak kong gawin. Alam n'yang nasa poder ko muli si Johanna, kaya malamang nakarating na y'on kay Daddy, at mukhang magkakaproblema na naman sa mga plano ko.

Ipinagpasalamat ko na hindi traffic, kaya naman mabilis ang naging byahe ko, patungong metro. Agad kong namataan ang matayog na building na pagmamay ari ng mga Dela Fuente. Tila isang imperyo iyon na naghuhumiyaw ng katatagan. Napailing ako. Ang imperyong sumira sa buhay ko.

Agad kong ipinarada ang sasakyan ko at walang nang lingong tinungo ang elevator sa groundfloor.Tahimik lamang ako habang hinihintay na huminto ang elevator sa floor kung saan naroon si Ian.

Tahimik lang din ako habang iniisip kung anong kailangan nya at bakit gusto nyang pumunta sa Hacienda.

Ting!

Nakapinid ang labi ko at nakayukom ang dalawang palad nang lumabas ako. Wala akong mas'yadong nakitang empleyado kaya kaagad kong tinungo ang silid na dati kong inookupa.

Hindi na ako kumatok at kagya't ko nalang binuksan ang pinto, Only to see my brother, standing and I guess, he know's my presence already.

"What do you want Ian?" seryosong tanong ko rito bago ipinid ang pinto.

Seryoso rin s'yang humalukipkip at sinalubong ang tingin ko. Kung sa ibang pagkakataon siguro ay matatawa ako na parang naiimagine kong nakaharap lang ako sa salamin at pinagmamasdan ang sarili kong repleksyon.

''Leave her." seryosong turan nito.

"Why?" nang-uuyam kong tanong. "You don't have the rights to say what I should do Ian.''

"You will hurt her" matiim at madiin nitong sagot.

"Fuck you! " Sigaw ko rito. "Now, you care for her huh." inilang hakbang ko ang pagitan namin at inundayan s'ya ng isang malakas na suntok na nagpatumba sa kanya.

"W'ag kang umastang may pakiaalam ka kay Johanna, dahil isa ka rin sa nanloko sa akin Ian." nanggigil kong saad rito

Tiningnan lang naman n'ya ako at nginisihan ng malaki.

"Iiwan mo rin s'ya Thorin." turan n'ya na nagpa-init lalo ng ulo ko kaya inundayan kong muli ng isang suntok.

________________________--

The Lust SufferWhere stories live. Discover now