IKA-SIYAM NA KABANATA

92.6K 1.7K 104
                                    

"Ma, Kinakabahan ako." mabining saad ko kay mama. Nasa k'warto n'ya kami ngayon. Nakaharap ako sa salamin ng tokador namin habang nakaupo at nasa likuran ko si mama na inaayos naman ang lampas balikat kong buhok. Tiningnan ako ni mama sa salamin. Ginantihan ko naman iyon nang nag-aalalang tingin.

Ngayon ang dinner kung saan ipapakilala ako ni Thorin sa parents n'ya at kanina pa talaga ako kinakabahan na baka magkamali ako o di kaya'y hindi ako magustuhan ng pamilya n'ya. Hinawakan ni mama ang magkabilang balikat ko.

"Natural lang na kabahan ka dahil malalaking tao ang haharapin mo ngayon. Pero alam mo bang panatag ako?" ngiti n'ya sa'kin.

"Bakit po? " tanong ko.

"Alam ko kasing hindi ka pababayaan ni Thorin. Nakikita ko kung paano ka n'ya tingnan. Tingin na sinasabi n'yang gagawin n'ya ang lahat para 'wag kang masaktan. Tingin na nagproprotekta, tingin na puno nang pagmamahal, at sigurado akong kaya mo silang harapin. Isa kang desinteng babae anak. Wala kang dapat ikabahala, wala kang itinatago. Hindi mo kailangang magustuhan ka nila. Ang gawin mo lang ipakita mo kung sino at ano ka." ngiti sagot ni mama sa'kin bago tinapik ang balikat ko. Nilagyan n'ya ng clip ang buhok ko at hinalikan ako sa pisngi bago tinungo ang pinto."Napakaganda mo anak." sambit nito bago lumabas at isinarado ang pintuan.

Nagbuntong-hininga ako at muling tinignan ang napakagandang repleksyon sa salamin. Ngumiti ako sa repleksyong iyon at bahagyang pinuri ang sarili.

Simple lang ang make-up na ginawa ni mama. Pinalutang nito ang tila manika kong mata at kulay peach na lipstick ang pinagamit n'ya sa'kin. Floral slim dress ang pinili kong suotin. Hanggang ibabaw lang ng tuhod iyon na kulay peach din na may manipis na black belt. Tinernuhan ko iyon ng three inches heels na kulay itim.

Wala akong ideya sa pamilya ni Thorin. Ang alam ko lang, sila ang isa sa pinakamayamang tao sa loob at labas ng bansa. Sa totoo lang, hindi miminsan kong naisip na hindi ako babagay sa anumang aspeto kay Thorin, ngunit n'ong nakasama ko na s'ya at nakita ko kung paano n'ya ipakita sa'kin at iparamdam kung ano ang pagmamahal? Sino pa ba ako para labanan pa ang nararamdaman ko sa kanya hindi ba? Nilalaban n'ya ako at ang pagmamahal n'ya sa'kin, sino ako para mag inarte at maging impokritang sukuan nalang iyon? Malinis ang intensyon ko kay Thorin, at wala akong nakikitang masama doon.

Marahang katok sa pinto ang nagpabalik sa aking realidad. Maya-maya pa ay sumungaw mula doon ng nakangiting mukha ni mama.

"Andyan na si Thorin, anak." nakangiti n'yang saad sa'kin.Tumayo naman ako bago ko abutin ang pouch kong kulay itim. Pagkabukas ko ng pinto, nagulat pa ako ng nasa harapan na pala n'on si Thorin. Nakaawang ng bahagya ang mamula mula n'yang labi, habang parang nabitin naman ang kamay nito sa hita n'ya. Ang mata nito'y punong- puno ng pagkamangha ngunit nangingibabaw ang paghanga. Kumikinang-kinang pa ito na tila noon lang nakakita ng maganda.

"You are so beautiful babe. " Anas nito na hindi pinuputol ang aming pagtitinginan kaya yumuko ako upang itago ang pagkapahiya.

Napakagwapo rin nito sa suot na long sleeve na kulay puti.Itinupi ito hanggang siko na tinernuhan ng black denim jeans at oxford black shoes.

Iniangat nya ang kanyang daliri papunta sa ilalim ng aking baba para iangat y'un at magpantay ang aming tingin.

"Napakamahiyain talaga ng mahal ko." pagkasabi n'ya n'on ay hinila ako palapit at ikinulong sa kanyang mga bisig."I love you so much Johanna Samonte." bulong n'ya.

Napabitiw kami sa isa't- isa ng biglang tumikhim si mama sa likuran ni Thorin. Hindi ko napansin 'yon dahil nakasubsob ako sa dibdib ni Thorin.

"Baka gusto n'yo nang umalis para maihatid mo ang prinsesa mo bago mag alas dose prince charming." biro ni mama na nakahalukipkip. Natatawa naman si Thorin na hinawakan nang mahigpit ang kamay ko.

The Lust SufferTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon