IKA-ANIM NA KABANATA

108K 2.3K 133
                                    

"Putang ina! Sinong nanakit kay Johanna!? Sino!?"

Ang munting bulungan na nasa paligid ay nanahimik. Pakiramdam ko huminto ang lahat at ang tanging naririnig ko nalang ay ang malakas na kabog ng dibdib ko at ang marahas at paghabol nang hininga ni Thorin.

Walang nakaimik. Lahat ay nakatingin sa amin, ultimo mga kabarkada n'ya na nagkakaladyaan ay nanahimik at naupo nang maayos. Tanging si Andrei lamang nga ata ang hindi natitinag mula sa pagkakatayo mula sa gilid ng paningin ko.

"Bro!" Marahang tawag ni Andrei sa kanya, ngunit tiningnan lamang s'ya ni thorin at muling nagsalita.

"No Andrei. I'm Asking all of you!" Mahinahon ang pakakabanggit nang salita ni Thorin, ngunit kung sino man ang makarinig nun ay siguradong Kikilabutan sa sobrang talim ng tono. "Who did this bullshit!? Answer me!" Sinulyapan ko si Thorin na ngayon ay nagtataas baba ang magkabilang balikat. Madilim ang ekspresyon at nakakuyom nang madiin ang dalawang kamay.

Nanginginig man ay inabot ko ang kanyang nakayukom na kamay.

"T--Thorin" Tawag ko sa kanya. Nakita kong mariin s'yang pumikit at huminga nang malalim ng may biglang magsalita.

"Alexus! " Marahas na tawag ni Tonette na sinabayang nang malakas na hampas ng libro sa armchair.

''Kinakampihan mo 'yang slut na yan?" nanggigil nitong tanong bago ako tinuro. " So what if I'm the one who did that bullshit? Sasaktan mo ako? Sisigawan mo ako?" Ngumisi si Tonette habang pinagmamasdan nang matalim ang mukha ni Thorin.

"You can't hurt me Alexus. Never. Hindi ba't ikaw pa nga itong nangungunang mambully sa kanya? Tuwang tuwa kapa! Why the sudden change huh?" humalakhak pa ito at hinawi patalikod ang mahaba nitong buhok.

"I cut her hair. I slapped her many times and kicked her butt. Happy?" Matapang n'yang tugon sa lahat ng tanong ni Thorin kung sino ang nanakit sakin.

"And before I forgot," Ngumisi pa ito na parang balewala kung magalit man si Thorin, o kung meron mang makarinig ng mga iyon. Bigla tuloy akong kinabahan, para bang gusto ko nalang umuwi at magkulong sa bahay. " Nagsisimula palang ako."

Nakita ko ang pagngisi ni Thorin at paglapit ni Andrei sa harapan ni Tonette habang may sinasabi dito.

"Sa tingin mo ba hindi kita kayang saktan?" Mariing tanong ni Thorin sa kanya. Napasinghap ang lahat, ngunit ngumisi lang si Tonette.

"T--Thorin " nginig kong tawag sa kanya, dahil kita ko ang kasigurduhan sa kanyang matang ngayon ay napakadilim, ang kulay abo nitong kulay ay lalong naging dark, kaya alam kong magagawa n'yang saktan si Tonette.

Hindi n'ya ako tiningnan, bagkus kinalas n'ya ang kamay ko na nakahawak sa kamay 'nya at lumakad papunta sa gawi ni Tonette.

"Gusto mong subukan Antonette?"

Nakita ko ang gulat sa mata ni Tonette, nang makita n'yang papalapit sa kanya si Thorin na nakapamulsa ang dalawang kamay at nakangisi.

"A--Alexus" nanghihina nitong sabi na napahawak sa braso ni Andrei na ngayon ay nakangisi.

Sumulyap si Thorin sa mga barkada n'yang sina Rhys at Nicolo. Tumango naman ang mga ito na nakangisi at may kinuha sa bag, na kung hindi ako nagkakamali ang isang pulang gunting.

Nanlaki ang mga mata ng estudyanteng nandoon nang makalapit na ang dalawa habang pinapaikot ni Rhys ang gunting sa daliri nito.

"Just in time Tonette.Just in time," ngising buska ni Nicolo na nakapamulsa.

The Lust SufferTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon